PREFACE

66 4 0
                                    

Kumusta?

It's been a while.

Gawa mo dito?

Ah.. Diyan lang, bumili ng bawang sa talipapa. Gusto kong mag-sangag. Naubusan kami ng bawang.

Dito ka lang pala nakatira.

Oo, dito din. Diyan lang sa Pinagpala. Kakalipat lang naming mag-anak nung Janwari.

Ang tagal na nga! Haha!

Akalain mo 'yun? Dito pa tayo nagkitang muli. Ang liit talaga ng world.

I know. Ayos lang din ako. Akalain mo 'yun, ang least job I would like to be noong college ang siyang bumubuhay at nagpapakain sa akin ngayon. Ikaw? San ka work?

Naks! Bigatin ka na. A-add nga kita sa peysbuk.

Naku, sorry! Sige, ibubulsa ko nalang itong bawang. Amahal ng bawang ngayon! Ginto.

Bakit naman?

Masarap kaya. Tsaka, maraming health benefits ang bawang. Minsan nga kapag masakit ngipin ko, pinampapasak ko ito sa butas. Solve ang pain.

Bakit ayaw mo sa bawang? Aha! Aswang ka 'no?

Haha! Naniniwala ka 'dun?

Sa aswang.

Talaga? Ako kasi dehins.

Naalala ko tuloy, nagtanong ako sa office kanina kung naniniwala ba sila sa aswang. Puro nalang kasi tungkol sa calls nila ang topic, 'lam mo yun?

Hehe! Kunti lang. Pagpasensiyahan mo na kung nag i-English ako. Hirap nang tanggalin. Nasa ugat ko na siya.

Ito na nga. Hati ang mga katrabaho ko. Mayroong hindi naniniwala kasi lumaki sa Maynila, walang karanasan ng kababalaghan, busy sa panonood ng TV o kaya paglalaro ng video games o kaya ay mag window shopping sa SM. Puro kwento lang ang alam pero hindi talaga naniniwala.

Naisip ko nga rin. May aswang din kaya dito sa Maynila?

At syempre, merong naniniwala talaga. Mga lumaki sa malalayong probinsiya. Na pagsapit ng alas syete ng gabi, tulog na at gising naman kina-umagahan ng alas kwatro. Payak ang buhay. Nagkwento pa nga tungkol sa kung papaano daw nagpapalit ang mga aswang into baboy ramo.

Kakatawa.

Tinanong ko tuloy sila. Bakit hindi itik? Bakit baboy? Anong meron sa baboy? At pupusta ako, itim ang kulay ng baboy. Itim na aso. Itim na pusa.

Hindi ba pwedeng pink? Pink na baboy. Haha!

Siguro nga hindi talaga pwede. Kasi mula sa tanong kong iyon sa kanila, lumipad na ang kanilang imahinasyon. At hulaan mo kung anong hayop ang ending.

Dolphin.

Mula sa itik. Naging dolphin. Tataba ng utak.

And it wasn't scary anymore. No more sense of of darkness.

Huh? Hindi naman.

Naniniwala kasi ako na lahat tayo ay aswang. In our own way. Ang gulo ko no? Sabi ko hindi pero ngayon oo. I'll explain for ten points.

Not in the idea of baboy ramo, malaking aso and what not. Naniniwala ako na aswang ako. Aswang ka. Aswang siya. Aswang sila.

Aswang tayo.

Kung makatawa ka naman!

Ganito kasi... Minsan kasi sa buhay natin, may in-aswang na tayo. In-aswang na gamit. In-aswang na pera. In-aswang na assignment. In-aswang na pagkain at ulam. Pati nga pamasahe, minsan, inaaswang din.

Mamatay? Hindi ka pa nag 1-2-3?

Oh eh di ikaw na! Elite ka eh. Pero for sure, may in-aswang ka na rin in some point of your life. You must have your own aswang stories.

Ang magmalinis, mangingisay! Haha!

I'm sure, naaalala mo ngayon kung sino ang inaswang mo.

Haha!

Ano kamo? May kakilala ka?

Seryoso?

Aswang talaga?

Anong pangalan?

Mark? Hahaha! Ex mo 'yun eh! Baliw.

Mag move on ka na kasi.

Okay...

Tapos...

Talaga? So mali pala lahat ng alam nila tungkol sa aswang.

Kakakilabot ka naman! Seryoso ba yan?

Pero paa-

Saglit lang ha? Natawag asawa ko.

Low. Oo pauwi na ako. Oo. Ang mahal. Ginto. Sige.

Oo. Hinahanap na ako ng aswang. Hehe!

Maglakad nalang tayo. Malapit lang naman.

Ayon na nga.. you were saying na may samahan din ang mga -

Ang OA. I cant say the name?

Parang si Voldemort? He-Who-Must-Not-Be-Named.

Scary.

Tapos?

Okay.

Pero may tanong ako. Una, bakit?

Bakit buntis? Kawawa naman ang mga baby.

Maniwala ako sayo? Mamatay?

Ang dami mo talagang alam. Sure ka hindi ka kasapi ng SAMAHAN?

Baka ikaw ang lider?

Haha!

So paano? Malapit na ako. Diyan na lang ako sa kanto.

Oo. Sa loob. Punta ka minsan. Pakilala kita sa misis ko.

Pero hanep ang kwento mo ha? Parang totoo. Narinig ko na iyon dati noong mga bata pa tayo pero hindi ko pinagtuunan ng pansin. Ngayon ko nga lang ulit narinig 'yun.

Oo, meron na. Isa. Lalaki.

Isang taon na at apat na buwan. Ang kulit na nga.

Ikaw ba?

Pero may jowa ka naman ngayon?

Nice! Ang totoo? Nickname mo ba, Malandi?

Hahaha! Aswang ka nga!

O siya, nakakatuwa na dito pa tayo nagkita at puro aswang talaga ang topic natin. Habang ang aga-aga talaga.

Diyan ka lang sa Tunasan? Sige.

Ingat!

A S W A N GTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon