Krystal Abidal's Point of View
Tsss... Sa mansyon ng Liabrado pala ang punta namin. Welcome party daw ng nanay ni g@go.
"Ang laki naman po ng bahay niyo!"
Tuwang tuwa na sabi ni Krista.Tumawa naman itong si Carl.
"Oo nga po pala. Kanina pa po tayo nag uusap pero hindi ko po alam kung anong pangalan niyo"
Akmang mag kakamot siya ng ulo pero bigla kong pinigilan ang anak ko. Masisira kasi ang hairstyle niya.
"Malalaman mo mamaya ok?"
Naka ngiting sabi naman ni Carl.Teka! Walang ganun. Wala akong alam sa ganto.
Set up ba ito??
"Ahem... Carl... Usap tayo mamaya."
I said with authority. Tumango naman ito..
"Krista? Ok lang ba iwan ka namin ni mommy mo dito ke Yaya? Ok lang yan, makipag usap ka or makipag kwentuhan ka kay Yaya. Or makipag laro ka saglit? Mag uusap lang kami ni mommy mo"
Tumalungko si Carl para mag pantay sila ng anak ko.
"Basta po bilisan niyo lang po"
"Oo naman hija. Basta mag paka bait ka ok?"
"Oo po!"
Nag tawanan muna sila saglit bago sumama si Krista sa yaya.
"Make sure my kid's safe. Or else. I'll kill you. Double"
"Woah. Kumalma ka lang Krystal. Yaya will surely take care of Krista. Sinabi ko na rin na dapat ay itago niya muna si Krista sa lahat ng tao. Lalo na kay mama."
"Mag usap nga tayo ng matino Carl."
"Sa Lanai muna tayo"
Na una na siyang mag lakad. Sumunod naman ako. Nang maka rating kami sa Lanai, pina upo niya ako sa may sofa.
" I know your feet hurts.... Let's go back to what you want... What do you want to talk about?"
"What do I want to talk? Bakit biglaan ata to?.. tong biglaang pag papa punta mo sa amin ng anak ko. At wag ka ngang nag bibigay ng motibo na ikaw ang ama niya? Nag sisisi akong naging ama ka niya. Nag sisisi lang ako na sumama sama pa ako sayo. Sana pinigilan ko nalang ang anak ko"
Sumeryoso ang mukha niya.
"Because I think I should let my daughter know me as her father. May karapatan ako Krystal."
"Karapatan?! Naririnig mo ba ang sarili mo Carl?! Wala kang karapatan sa anak ko! Inabanduna mo! Iniwan mo! Pinag palit mo kami! Para sa babaeng hipon! At ang matinde... Ex mo pa pala siya! Salamat ah? Pina alala mo sa akin kung gano ako ka tanga noon. Ginago mo ako Carl! Alam mo yun?? "
"Krystal..."
"Wag mo ako matawag tawag sa pangalan ko ha? Wala kang karapatan."
Napa pikit nalang ako.
"Look! Anak ko rin si Krista. I have the rights to be a father to my child... Krystal... Ang hirap ma layo sa iyo... Pati na rin sa anak ko... Sa anak natin.... "
"Anak ko lang! Anak ko lang dahil ako! Ako ang nag palaki sa anak ko! Wala kang karapatang tawagin na anak ang anak ko! Ako lang ang nag palaki sa kanya! Ilang araw akong nag hintay para sayo. Ilang araw kitang iniyakan. Hanggang sa naging linggo na. Wala ka parin! Naging buwan na. Wala... Walang dumating na Carl Liabrado sa apartment ko! Nasaktan ako ng sobrang Carl... Pumayag ako rito dahil sa anak ko. But I didn't know you'll set us up. Punyeta ka! "
"Krystal... Love please--"
"Wag mo ako matawag tawag na love. Alam mo ba kung ilang buwan na ang nakaka raan? Anim na taon! Anim na taon for heaven's sake! "
Akma na sana akong aalis nang bigla niya akong higitin sa kamay.
"Hear me out"
I sighed. Pinigilan kong tumulo ang luha na pilit kong pinipigilan.
"Pwede ba? Wala akong oras para sa drama mo Carl. Bitawan mo ako.... Please lang"
"Nabibigla ka lang ngayon Krystal... It's ok... I'll let you go... Hahayaan na muna kita Krystal."
Umalis ako ng walang sabi.
Ayoko nang makinig sa kanya. Nakaka pagod na..Habang kinakalma ang sarili at nag lalakad, bigla akong naka bangga.
"What are you doing?"
Ma arte nitong sabi. Hindi na ako nag salita dahil wala na akong lakas.
Tiningnan ko lang siya.
"Krystal?... Omee? Is that really you?"
Tinulungan niya akong tumayo. Humingi ito ng pa umanhin dahil sa inasal niya.
"Carl! What is Krystal doing here? Gusto mo bang ma tadyakan kita jan?
Napa kamot naman si Carl.
"Ate Melissa, sorry..."
"Don't say sorry to me. Say sorry to this woman." Turo niya sa akin.
Hindi naman nag salita si Carl. Instead, he just shook his head.
"So.. kumusta ka na?"
"O-ok lang... Welcome back Lisa..."
"Thank you dear. Supposed to be, bukas pa ako darating pero I wanted to surprise my parents so ngayon na ako bumalik ng pinas. Oh? By the way Krystal, I have to go. Look at you, you're so gorgeous. While me? Balikbayan out fit. See yah later "
Tumango nalang ako.
"K-krystal..."
Pagka alis ni Melissa ay nag salita na si Carl.
Naka talikod ako sa kanya kaya di ko siya ma kita.
"Where is my kid."
"I'll lead you where she is..."
"Try me Carl. Wala kang karapatan sa anak ko. Pang ilang ulit ko nang sinabi sa iyo iyon."
"I'm sorry..."
"Walang magagawa ang sorry mo. Hindi ma babalik ng sorry mo ang anim na taon na pag hihirap ko para lang ma iraos ang buhay naming dalawa ni Krista. Kaya pwede ba?"
Ilang saglit ay natahimik na kaming dalawa. Walang nag sasalita sa amin... Nag papakiramdaman...
"Mommy!!!"
Napa tingin ako sa banda kung saan nanggaling ang boses ng anak ko.
Tumatakbo ito papunta sa akin.
"Mommy? Uwi na po tayo?"
Tumalungko ako.
"Oo anak. May sakit si mommy eh. Let's go na?"
"Pero mommy... Gusto ko po selfie tayo ni kuya inviter. Para po may memory po tayo nito kahit pa ma kalimutan natin"
Tumango nalang ako.
Gamit gamit ang cell phone ko, nagpa kuha kami ng litrato sa yaya na nag bantay sa anak ko para makapag usap kami ni Carl.
Ganun din sa phone ni Carl.
Ang posisyon namin sa mga picture ay napapa gitnaan si Krista. Ayokong ma dikit sa kanya. Nandidiri ako....
"Ok na po, sir, ma'am"
Ibinalik na nito ang mga cell phone namin. Nang maka alis kami sa loob ng bahay, sumalubong sa amin ang lamig. Pati na rin ang ingay ng musica at..... Si Mrs Liabrado....
"Carl.... Siya?...."
Turan nito at naka tingin sa akin. Pati na rin kay Krista...
