Cairn

36 2 3
                                    

"Alam mo bang kapag tumalon ka riyan, maaari ka pang mabuhay. Pero, suwerte mo na nga lang kung dalawampung buto lang ang mababali sa iyo. Ang masama noon, nagsuicide ka tapos nabuhay—pero utak mo na lang ang nagpa-function. Nakakatakot ano?"
Nagulat si Sam nang marinig ang baritonong boses ng isang lalake. Napaatras siya mula sa dulo ng bangin at nabangga sa lalake na nasa likuran na pala niya.
"Sino bang maysabi sa iyo na tatalon ako riyan?" patay-malisyang sagot ni Sam.
Natawa ang lalake, mula sa likuran ni Sam ay pumunta ito sa kaniyang harapan at tinitigan siya.
"Nahulog kasi 'yong necklace na bigay ng boyfriend ko. I'm just hoping na sumabit lang 'yon somewhere kasi sobrang importante nun sa akin."
Kasabay nito ay napahikbi na ang dalaga hanggang sa tuluyan nang kumawala ang mga luha sa mapupungay nitong mga mata.
"Mas mahalaga ang buhay mo kesa sa necklace na 'yon, kaya sana mag-iingat ka."
"Family heirloom nila 'yon. Di ko alam kung paano ko sasabihin na nawala ko."
Lalong napalakas ang paghikbi ni Sam dahil sa alalahanin niyang iyo. Nanatili namang nakatitig sa kaniya ang binata. Naupo ito nang medyo malayo sa kaniya pero nakakatitig pa rin. At nang mapansin na tumigil na si Sam sa pag-iyak ay nilapitan na ito at iniabot ang isang kamay upang makatayo ang dalaga.
"Ang cute mo naman umiyak, para kang bata. Pahirin mo na ang luha mo," sabay abot ng isang panyo na dali-daling kinuha ni Sam. "Halika na sa camp. Kanina ka pa nila hinahanap."
Sabay na silang nagtungo sa mga tent ng mga kasama na nasa summit ng Mt.Pulag.
Simula noon ay naging mabuting magkaibigan na sila.
Nagkakasama lang sila kapag may hike at iba pang events na kasama ang grupo ng mga mountaineers na kinabibilangan nila. Mabuti na lamang at hindi mahilig sa mga ganitong lakad si Clark, na boyfriend ng dalaga kaya naman kahit papaano ay hindi nalilimitahan ang bawat kilos ng dalaga.
"Na-in love ka na ba, Elton?" tanong ni Sam sa binata nang minsang nasa bundok sila. Kasalukuyan silang nakaupo sa harap ng bonfire at kumakain ng hapunan.
"Ano bang klaseng tanong yan, Sam? Natural na-in love na ako," sagot ni Elton habang tumatawa. Nasamid pa siya dahil sa tanong na iyon ng dalaga.
"Uhmm, wala ka naman kasing naiku-kuwento sa akin," nakasimangot na saad ni Sam habang hinihiwa ang karne ng inihaw na manok.
"Nagmahal na ako Sam, tinamaan ako nang husto twice. Iyong una, eight years ago na. Ipinagpalit ako sa mas gwapo. 'Yong pangalawa, love at first sight kaso di ko na siya nakita pa ulit."
"Oh, tapos?" hindi napigilan ni Sam na magsalita kahit puno ng kanin ang bibig niya.
"Anong oh tapos?" mas lalong lumakas ang tawa ni Elton. "Tumalsik pa sa akin 'yang kinakain mo. Kadiri ka. Ang daldal kasi eh." Napalingon ang iba nilang kaibigan na mga natatawa rin.
"Ang ingay nito! Ano nga ang nangyari doon sa mahal mo? Kuwento mo naman," pangungulit ni Sam.
At dahil alam ni Elton na hindi siya titigilan ng dalaga hanggat hindi niya ito sinasagot nang maayos ay nagsimula na rin siyang magkuwento.

"Ganito kasi iyon, five years ago nung umakyat ako dito rinb. First time ko iyon na umakyat nang walang kakilala. Puro joiners kami noon. Wala lang, gusto ko lang na tahimik ang magiging climb ko since, hindi naman ako kukulitin ng mga kasama ko dahil hindi ko sila kilala. The next morning, lumabas ako ng tent dala ang kamera ko para kuhaan ng larawan ang sunrise."
"Oh, tapos?" excited na tanong ni Sam na ang mga mata ay punong-puno nang kuryosidad.
"Nakita ko ang pinakamagandang sunrise, in human form. Naroon siya sa tapat ng sumisikat pa lamang na araw. Imagine this—isang magandang dalaga na natatakpan ang araw pero iyong sunrays ay napapaligiran siya."
"Ano iyon, para siyang naggu-glow? Ganern?"
"Exactly, Sam. Parang siya mismo ang sumisikat na araw. And that very moment, alam ko na-love at first sight ako sa kaniya."
"Then? Anong nangyari? Nagpakilala ka ba? Nilapitan mo siya? Ano?!" sunod-sunod na tanong ni Sam.
"Sam."
"What?! Elton, what happened? Nae-excite ako," nakangiting sagot ni Sam na parang batang napapapalakpak pa.
"I captured her beauty in my camera. But, hindi ako nagpakilala sa kaniya. And everytime I got the chance, ninanakawan ko siya ng pitik as remembrance."
"What the eff?! So, anong nangyari? Ganon lang, after nung camping, wala na ganoon?"
"Ang kulit mo talaga, Sam."
"Ano nga kasi?!"
"Luckily, I got her name thru the organizer at hinanap ko siya sa socmed. Nung nakita ko siya, I sent a friend request that she never accepted until now. The end."
"What?! Ganoon na lang iyon?! Hindi ka man lang naghanap ng address or contact number niya or anyway to communicate with her?!"
"Sam, hindi."
"Hmm, sabagay. Si God talaga ang mas higit na nakaaalam niyan. Sana magkita kayo ulit."
"We did."
Nanlaki ang mga mata ni Sam sa narinig.
"Oh, kalma lang! Mamaya tuluyang pumutok iyang ugat mo sa utak eh!" nag-aalalang saad ni Elton.
"I thought, the end na?! Paano? Saan?" tuluyang ibinaba ni Sam ang hawak na plato at saka pinagkukurot si Elton sa braso. "Binibitin mo 'ko, nakakainis ka!" Para itong batang nagmamaktol na nakasimangot pa.
Tawa naman nang tawa ang binata, saka hinawakan sa dalawang kamay si Sam, tinitigan ito nang mabuti.
"Do you believe in destiny, Sam?"
"Oo naman," excited na sagot ni Sam.
"Well, ako hindi," sagot ni Elton saka binitiwan ang mga kamay ng dalaga. Nagpatuloy ito sa pagkain.
"Ano ba naman, Elton! Ang kj mo talaga!"
"Sakit lang ng ulo 'yang love na 'yan, Samantha. Na-curious lang kasi talaga ako that time, kaya in-add ko siya sa socmed. Pinagsisihan ko rin naman na ginawa ko 'yon and until now, thankful ako na hindi niya in-accept ang friend request ko."
"So, kailangan talaga buong pangalan ang tawagan, Elton John?" nakataas ang kilay na tanong muli ni Sam.

Ang Pinakamagandang Bukang-liwaywayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon