Ethan's POV
"Ethan Louise Lee, you have to follow us, we are your parents."-sigaw ni Mom
"But mom, I don't want to handle your company that is not my passion. I don't even know how to handle it. Baka malugi lang sa akin yang company niyo if I will be the one to take care of it."
"Tristan, you are our only son, so do you expect us to give it to other person, huh? "- Mom
"But mom..."
"Enough Tristan, you have to follow us, sa ayaw at sa gusto mo."- bulyaw naman ni Dad
"Tristan please, for the sake of our company. Ikaw lang ang inaasahan namin, please don't disappoint us."- pag mamakaawa ni Mom
Yaeh lagi nalang ganito ang tagpo dito sa bahay namin parating business ang usapan, nakakarindi na.
Sila Mom and Dad may-ari ng mga Five Stars Hotel at isang university, ang LU (Lee University).
Gusto ng mga magulang ko na ako ang susunod na hahawak sa aming business pero ayoko, wala akong passion sa business, kaya lang dahil ako ay isang Lee, wala akong magagawa.
Dahil katatapos namin magtalo nila mom and dad, naisipan ko nalang na lumabas para mag pahangin.
Pumunta ako sa ice cream shop , kapag may problema ako, palagi akong pumupunta dito, maganda kasing pantanggal ng init ng ulo at pag ka badtrip ang ice cream.
Favourite ko ang cookies and cream. Pagkatapos kung kumain ng ice cream, diretso na ako sa mall para maglakad lakad para maalis na lahat ng pagka badtrip ko.
Mall
Habang naglalakad ako dito sa third floor ng mall, may isang babae sa harapan ko na nabunggo ng isang lalake, dahil medyo malakas ang pagkabunggo, muntik ng mahulog sa sahig ang babae, pero nasalu ko siya.
Sa gulat niya napapikit na lang siya,
parang anghel ang muka niya,ang amo amo, ang kinis pa ng kutis at ang mga labi niya parang kulay rosas, she has a curly long hair.
Napatulala ako saglit sa kagandahan niya, ng minulat na niya ang mga mata niya, napatitig din siya saglit sa akin.
Ilang minutong katahimikan ang pumagitna sa amin, pero binasag ko na ang katahimikan dahil ang awkward na ng gesture namin.
"miss, wala ka bang balak na tumayo jan? mabigat ka ieh."
Nagulat ata siya noong magsalita ako.
"sorry"
yun lang ang narinig kung sagot niya.
Ng makatayo na siya, lumapit sa kanya yung lalakeng naka bunggo sa kanya. At ako naman naglakad ng palayo.
Pero narinig kung sumigaw siya ng "thank you" kaya nag node nalang ako na di tumitingin sa kanya.
Pag katapos ng ilang oras na isipan ko ng umiwi sa bahay.
Pagdating ko sa bahay, wala akong naabutan ni isa sa mga magulang ko , mga katulong lang namin ang mga nandito, siguro may mga business meeting na naman sila.