Chapter 1: My First Day

7 0 0
                                    

Chapter 1

Faye's POV

"I'm only up when you're not down.

Don't wanna fly if you're still on the ground.

It's like no matter what I do.

Well you drive me crazy half the time;

the other half I'm only trying to let you know that

what I feel is true.

And I'm only me when I'm with you"

"uwaaaaahhhhh!!!!!!" ganda naman ng sound ng alarm clock ko... nakakaantok, as in, makakatulog ka ulit... antok pa naman ako.. its already 6 am na pala. I need to prepare myself na for my first day of work.. baka malate pa ako sa meeting ng amin HR...

"Kaye, sino gusto mong mauna maligo sa ating dalawa?" tatong ko kay Kaye, boardmate ko,  na natutulog pa kuno..

"bahala ka, pero mas maganda kung ikaw mauna." sagot niya na halatang inaantok pa rin.

"okay, sabi ko nga eh..." sagot ko na lang.

Kinuha ko na yung tuwalya ko pati na rin undies at panloob ko. and of course my t-shirt... dumiretso na rin ako sa CR...

*wooosh*

"wooohhh!!! ang lameeeeeggg!!!!" sigaw ko pagkatapos kong ibuhos sa katawan ko ang tubig.

Bakit kasi di ako nag-init ng tubig eh?

*************************************

"tagal naman, sabi before 8 am, dapat nandito na, eh wala pa rin eh." iritang sabi ni KC. kasamahan ko rin na new hire..

"order na muna tayo, i'm so gutom na eh." sabi ni Kaye...

Pumili na kami ng aming makakain. Nandito pala kami sa Chowking.. ito kasi yung malapit na fast food chain dito sa amin.

*after 10 minutes*

*beep*

HR

text galing sa HR.

(From: HR

Dito na ako sa labas, punta na lang kayo dito.)

"Nasa labas na si Maam. Tara!" yaya ko sa dalawa after kong basahin ang text message.

***

"Sorry medyo nalate ako ha, may pinuntahan pa kasi ako." pagpapaumanhin ni Maam Iza sa amin.

"Okay lang po yun maam, atleast nakabreakfast pa kami." sabi ko na lang.

"Tara na, pasok na kayo sa car." -Maam Iza.

***

Habang nasa biyahe, nakatingin lang ako sa bintana ng sasakyan.

"Pero bago tayo pumunta sa Myros, dadaanan muna natin si Sir John niyo, malapit lang naman dito eh." sabi ni Maam Iza.

"Sure Maam." sagot naming tatlo.

***

"John, sila yung mga bagong hire ng ating agency, sina Faye, Kaye at KC" turo at pagpapakilala sa amin ni Maam Iza. "Siya si Sir John niyo, pag wala ako at may kailangan kayo, sa kanya kayo munang lumapit." sabi ni Maam Iza.

"So, sila na pala yung bagong hire?" tanong ni Sir John.

"Oo." sagot ni maam Iza.

"So taga saan nga kayo?" tanong ni sir John.

"Negros po sir" maikling sagot ko.

"Ah ok." -Sir John.

***

"Ella, this is Faye, yung bagong contractual namin. Faye, this is ate Ella. Siya yung magdadala sa iyo sa magiging supervisor mo." sabi ni maam Iza..

"Hello po, good morning" bati ko sa kay ate Ella...

"morning din." bati niya rin with a smile on her lips.

"Iwan ko na siya sa'yo ha."- maam Iza.

"sige po, ako na ang bahala sa kanya." sang ayon ni Ate Ella.

"Tara na."

iniwan na ako ni Maam Iza.

Nauna na yung mga kasamahan ko

***

Habang naglalakad kami sa hallway, tumitingin-tingin ako sa mga glasses. Doon ko nakita na ang dami pa lang mga machines. Merong malalaki at meron ding maliliit. Tapos yung mga workers, nakasuot ng puting damit parang lab gown pero may nakatakip sa kanilang ulo. parang nasa ospital lang ah.

'Dito ba kaya ako maassign?' tanong ko sa aking sarili.

"Taga saan ka nga ulit?" tanong ni Ms. Ella na nagpabalik sa aking sarili.

"Uhmmm...taga Bacolod City po Maam." sagot kong nakangiti.

"Ah. dami akong kilala dito na taga Bacolod rin. Hehehe." sabi niyo.

nakarating na rin kami sa aming pupuntahan. Sa isang office. Siguro, matataas yung mga rank ng mga tao dito.

"Dito ka na muna, iiwan na kita. Hihintayin mo na lang si Ms. Trina. bye!" sabi ni Ms. Ella.

"Sige po maam, salamat po." sagot ko.

Nanginginig na di ako mapakali. Kinakabahan ako. Di ko alam kung ano yung dahilan eh. Basta, kinakabahan talaga ako. Inhale! Exhale!

Mabait kaya yung magiging supervisor ko? Tanong ng aking isipan.

"Miss, upo ka na  muna dito habang hinihintay mo ang iyong supervisor."alok ng isang lalaki sa akin.

"Salamat po." sabi ko.

Ang lamig!!!! bakit di pa kasi ako nagdala ng jacket eh. di ko naman ineexpect na sobrang ganito kalamig dito eh.

"Miss, taga saan ka?" tanong ng lalaki na nag-alok sa akin ng upuan.

"taga negros po ako sir." sagot ko rin.

"Ah ok. Sir Raf nga pala." inilahad niya yung kamay at inabot ko yun, sabay ng pag sagot ko.

"Faye po." maikling sagot ko.

*******

Maya-maya, may pumasok na babae sa pintuan.  Ang straight ng buhok niya. Ang ganda pa niya. At ang PUTI niya. Parang si Snow White.

"Ate Kyla, Nasaan na yung contractual?" tanong niya sa babaeng nakaupo sa cube.

"Faye, halika." tawag nung babae sa akin.

Tumungo naman ako papunta sa kanila. Medyo kinakabahan.

"This is Faye, and naka-assign siya sa'yo. and Faye this is Maam Trina, your supervisor" sabi niya.

"Hello po maam, Good morning po." bati ko with smile. mukha naman siyang mabait eh.

"Hi! Pwede ko na ba siyang makuha? May meeting pa kasi ako mamaya" paliwanag niya.

"Sure sis." sang-ayon naman niya.

"Tara na." pagyaya niya.

I just nod bilang pag-agree.

***************

End of Chapter 1

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon