Matalik kaming magkaibigan ni Epoy simula elementarya at lalong lumalim ang samahan namin noong tumuntong kami ng highschool. Hindi ko namalayang nagkakagusto na ako sa kanya. Mabait siya at malambing 'yan ang katangiang unang nagpahulog sa walang muwang kong puso.
Palagi na siyang laman ng aking puso't isipan, ngunit hindi niya alam. Gustong gusto ko ang kanyang maiitim na buhok. Ang hugis ng kanyang mukha, mga matang mapupungay, at labing mapang-akit. Samahan mo pa nang matangos na ilong, na lalong nagpapatingkad sa kanyang kagwapuhan. Sa kabuuhan naman kung titignan, ang tindig niya'y maala modelo ay nagpapabaliw 'di lang sa mga kababaihan kundi pati narin sa akin.
Hindi ko maitatangging gustong-gusto ko ang bawat panunukso ng mga taong nakapaligid sa amin. Sa tuwing may mga kaklase at kakilala kaming nakakatagpo palagi kong naririnig ang mga panunukso nila sa amin.
"Matalik na kaibigan baka magka-ibigan" sabi ng isa naming kaklase.
"Sana maging kayo nalang" Panunukso pa ng isa.
"Bagay naman kayo, subukan ninyo kaya?" Ratsada naman ng kabarkada naming si Jay.
Ngunit isa lang isinasagot ni Epoy. Na nagwakas sa pagpantasya ko sa kanya. Napakasakit na katotohanang dapat tanggapin.
"Matalik lang kaming mag'kaibigan, hindi pwedeng magka-ibigan. Pasensya na hindi pwedeng maging kami at mahirap namang isa alang-alang ang samahan dahil sinubukan namin ang isang bagay na hindi naman dapat" Sabay tingin sa akin. Bakas sa mukha nito na gusto niyang sumang-ayon ako sa sinabi niya.
"Oo naman, matalik na kaibigan lang ang turingan namin. Hindi na maaring sumobra at baka masira ang samahan" saad ko na may pilit na ngiti.
Nakita ko si Epoy lihim na napangiti. Sa wari ko'y masaya siya sa mga naging tugon ko. Masaya siya habang ako nalulungkot.
Simula noon pinilit ko ng iwaglit si Epoy sa aking isipan.
"Tina, pigilan mo o 'di kaya tapusin ang nararamdaman mo para sa kanya. Mag'kaibigan lang kayo at wala ng hihigit pa." Iyan ang palaging isinasaisip ko. Dahil sa palagay ko ito ang tama, ang patayin ang pag-ibig na nadarama.
Isang araw, napako ang aking tingin kay Epoy at sa isang babaeng kanyang kasama. Anong hapdi sa puso habang sila'y pinagmamasdan.
May mahaba siyang kulot na buhok, at hugis pusong mukha. May mga matang kumikinang at pilik-matang mahahaba, na nagpapatingkad sa kanyang pagka'chinita. Lubhang nakakaakit din ang kanyang mga labing kulay pula. Samahan mo pa ng matamis niyang mga ngiti, na itinatatapon nya kay Epoy, sa tuwing nagtatama ang kanilang mga mata.
"Tina, si Leslie ang aking girlfriend." Pagpakilala ni Epoy sa kanya. Hindi ko alam na may kasintahan na pala siya. Bakit hindi ko napansin na may nililigawan siya? Masyado ba akong busy sa pagmamahal sa kanya at hindi ko lang man nakita?
"Leslie, ito naman si Tina ang pinaka mabait at mahal kong kaibigan." Narinig kong tinawag mo akong "Mahal" ngunit bilang kaibigan lamang. Napakasakit naman talaga ng tinatawag na "one-sided-love" ngunit kailangan kong magpakakatatag. Tina huwaf kang iiyak, kaya mo iyan. Sigaw ng aking utak.
"Masaya akong makilala ka Tina. Lagi ka niyang bukambibig sa aming mga kwentohan. Maswerte si Epoy at may matalik siyang kaibigang katulad mo" wika niya ng napakamalumanay at tinapunan ako ng matamis na ngiti.
Marahil ay mabait siya. Hindi ko tuloy masisisi, na ayaw ni Epoy na mawala siya sa kanyang paningin. Talagang nababaliw sa kanyang presensya itong aking matalik na kaibigan. Palagi kong natatanaw na nakangiti si Epoy kapag siya ang kapiling. Nararamdaman kong siya na talaga ang babaeng gusto niyang makasama.
Napakasakit tuwing nakikitang hinahawakan niya ang kanyang kamay at binibigyan ng isang matamis na halik sa pisngi. Parang sinaksak ng kutsilyo ang drama nitong sawi kong puso.
BINABASA MO ANG
Ang Storya ni Ikaw at Ako (Short Story)
Short StoryMasarap magmahal lalo na kapag ang pagmamahal na inalay ay nasuklian. Ngunit papaano kung ang pagmamahal na iyon ang magiging mitya ng kasawian ng isa't isa? Paano kung ito ang dahilan upang ika'y makulong sa takot at pag-aalinlangan? Hahayaan ba ng...