Isang kasalan ang magaganap ngayong araw. Nakasakay ako sa bridal car na puti. Lahat ay nagagalak lalo na ng bumaba na kami sa sasakyan. Natatanaw ko si Epoy masaya at nakangiti. Kumaway siya sa akin sa 'di kalayuan. Nakasuot siya ng tuxedong itim na lalong nagpapatingkad sa kanyang kagwapohan.
"Magsisimula na ang pagmamartsa patungong altar" sabi ng maid of honor. Inayos ko ang aking sarili hindi makakailang kinakabahan ako. Masayang-masaya ako sa araw na ito. Nakatingin ulit ako sa gawi niya. Nang biglang may lumapit sa akin at binigyan ako ng matamis na halik sa pisngi ng isang lalaking kawangis ni Epoy.
May mga mata rin siyang maiitim at mapupungay. Ilong na matangos na nagpapatingkad lalo sa kagwapohan. Sadyang napakamalapit ng batang ito sa akin, at ramdam din niya iyon.
"Ma, salamat ng dahil saiyo nagkaroon ako ng buong pamilya. Ngayon ihahatid niyo pa sa altar ang aking pinakakamahal" wika nito sa akin.
"Hindi pa nga tayo ikinakasal babe, nagdradrama kana! Nakiki-Mama kana rin" saway ng isang babaeng kamukhang-kamukha ko. Kumikinang ang kanyang mata kahit natatakpan ito ng belo. Nakasuot ito ng mahabang wedding gown.
"Hay naku!! Ang Groom bakit ka pa naririto hala doon ka pumila sa may unahan kasama ng parents mo. Hindi ka talagang makapaghintay na makasama ang bride. Ano magha'honeymoon nalang kaya kayo?" biro ng maid of honor.
Napatawa kami. "Sige na anak. Pumunta kana sa puwesto mo" sabi ko sa kanya. Tinapik ko siya sa likod pero hindi siya nakatiis ay niyakap niya ako. Naalala ko pa ang mensaheng dumating ng araw na nakapagdesisyon akong mamili sa dalawang lalaking naging parte ng aking buhay.
Ang mensaheng iyon ay nagmula kay Leslie na apat na buwan na palang buntis. Binigyan niya ng laya si Epoy na sundan ako at ipagpatuloy ang aming pagmamahalan. Napakabait niya talaga. Kahit ganoon ang kanyang kondisyon mas pinili niya ang kaligayahan ng taong minamahal.
Ganoon dapat ang pag-ibig dapat ika'y matutong magparaya. Iyon ang sumagi sa aking isipan. Aaminin ko mahal ko talaga si Epoy higit pa sa pagmamahal ko kay Jace. Marahil sa kadahilanan matagal ko siyang nakasama at si Jace ay anim na buwan pa lamang.
Ngunit kapag pinagbigyan ko si Jace baka mahigitan pa niya ang pag-ibigan namin ni Epoy. Marami pa kaming pagdadaanan at masusubukan pa ang katatagan ng tadhana. Ngunit hindi naman yun nakakabahala kasi haharapin namin ito ng magkasama.
Hindi kagaya namin ni Epoy sa wala pang kami ay sadyang pinahihirapan na ang aming samahan ng panahon. Siya ay para kay Leslie at ako para kay Jace.
Dahil sa mahal ko si Epoy nararapat lamang na ibalik ko siya kay Leslie, kung saan hindi niya alam na nagdadalang tao. Maari nilang buuhin ang kanilang pamilya na maligaya. Mas higit ang pagmamahal ko sa kanya bilang matalik na kaibigan.
Natigilan ako sa pag-alala ng nakaraan. Ang mahalaga ay ang araw ngayon. Nakangiting naglalakad sa isle, si Katie ang nag-iisa naming anak na babae ni Jace. Habang kami mag-asawa hinihintay siya makarating siya sa gitna.
Ngayon inaani ko na ang bunga ng aking napakamalaking desisyon. Hindi naman ako nagkamali sa aking nagawang hakbang, dahil idinala kaming lahat sa walang hanggan na kasiyahan.
Ang storya ni Ikaw at Ako...
Matalik na kaibigan na may ikinukubling pag-ibig sa isa't isa. Pagkukubling naging dahilan ng pagkakasira ng samahan. Ngunit sa pagdaan ng panahon ang sugat na idinulot ng kahapon ay naging isang magandang karanasan.
Ating naibahagi sa ating mga anak na tulad nati'y naging matalik na magkaibigan at nagka-ibigan. Ngayo'y humaharap sa altar humingi ng grasya mula sa taas. Sa harap ng tao at ng Diyos sila'y pinag-isa.
Marahil ang storya ni Ikaw at Ako ay hindi magtatapos ng ganun-ganun nalang. Ngayon ikaw Epoy at ako si Tina ay magbalae na.
Ang storya ni Ikaw at Ako ay napakaganda. Mula sa simula ng pagkakaibigan hanggang sa huli magkaibigan.
--------
Author' note:
Ayun natapos ko na siya.. salamat sa lahat ng nagbasa nito... :-)
Pahingi ng komento at ng iyong boto. Salamat. :-)
BINABASA MO ANG
Ang Storya ni Ikaw at Ako (Short Story)
Short StoryMasarap magmahal lalo na kapag ang pagmamahal na inalay ay nasuklian. Ngunit papaano kung ang pagmamahal na iyon ang magiging mitya ng kasawian ng isa't isa? Paano kung ito ang dahilan upang ika'y makulong sa takot at pag-aalinlangan? Hahayaan ba ng...