Dos

167 10 6
                                    

Umalis ako tangay ang ala-ala ng gabing sinabi mong mahal mo ako. Ang gabing iyong nailahad ang pag-ibig na binalot ng karuwagan.

Kung nagpakatotoo ka lamang hindi na sana tayo nagkasakitan. Alangan namang ako ang maunang magsabi ng nararamdaman. Babae ako baka nakakalimutan mo? Ni isang clue wala ka namang naiparating sa akin.

Wala na talaga, kailangan ko nang bigyan ng laya ang sarili ko. Epoy ngayon isusuko na kita at tutulungan ang sariling makapagmahal ng iba.

Yung kayang ipaglaban at hindi maduduwag na mahalin ako. Lalaking hindi hahayaang ikubli na lamang ang pag-ibig ko. Isang lalaking kayang magpakatotoo at ipaglaban ako.

Ngayon nasa ibang bansa ako upang mag-Masteral. Kahit may dinadamdam ako, pilit ko itong nilalabanan upang maging matatag sa muli nating pagtutuos.

Naglalakad ako papasok sa aking classroom, ng may tumulak sa akin mula sa aking likuran. Pilit kong inayos ang balanse ko, ngunit napasubsob ako sa isang armchair. Lahat ng dala kong gamit ay lumipad sa gawi ng isa kong kaklase.

"Arrghh! Shit! Are you blind?!" sigaw nito sa akin. Isang napagwapong lalaki, ang tumambad sa akin. Mestiso ito ngunit parang asiano rin. Sa palagay ko asian-american ito. Gwapo ito kung pagmamasdan. May mapupungay siyang kulay brownish na mata, naiiba kay Epoy na maitim.

Sa ngayon nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko iniinda ang namumulang mukha nito sa sobrang galit. Habang hinihimas ang noo. Tinamaan pala siya rito ng isa kong libro.

"I'm sorry" tanging nasambit ko. Dahan-dahan akong napaluhod atvkinuha ang mga libro ko na nahulog sa sahig. Nakadama ako ng takot ng napalapit sa kanya upang kunin ang isang librong nasa kanyang taggiliran.

"You better keep your hands off me!" singhal niya sa akin. Pakiramdam ko tumaas ang dugo niya ng lumapit ako sa kanya. Pero itinuloy ko parin ang pagkuha ng libro ko, mahal kaya yun.

Bahala na kung walang modo ito basta makuha ko yung libro ko. Hindi ko naman siya hinawakan. Kinuha ko lang yung libro na nasa side niya.

"Your unbelievable! Bitch!" Sigaw niya na kumuha ng attention ng mga kaklase namin. Mga isang minuto nila kaming pinagtitinginan bago bumalik sa kanya-kanyang ginagawa. Hindi kami nag-imikan dalawa, wari nahihiya rin siya sa ginawa. Kahit liberated ang mga tao dito, mga professional rin ito kaya may tamang pag-uugaling dapat pagbigyan pansin.

Nakita kong bumuntong hininga siya at tumayo. Nagwalk out na sana papalabas ng classroom. Salamat at hindi niya ako pinagdiskitahan masyado. Baka lumabas ang pagka-amazona ko.

"Sayang gwapo pa naman wala lang modo!" Pabulong kong reklamo. Hanggang napulot ko na sa wakas ang librong nagpahamak sa akin. Tumayo na ako sa kinaroonan ko at napasulyap sa kanya. Nasa harapan ko na siya. Para namang naiintindihan niya ang mga sinabi ko, kasi nakatitig lang siya sa akin. Tapos ngumiti siya.

Isang ngiting makalaglag panga. Lalo siyang gumwapo sa aking paningin.

"Hi I am Jace" Bigla niyang pakilala sa akin. Nagulat ako sa pagpapakilala niya. Matapos niya ako sigaw-sigawan kanina, ngayon nakikipagkilala siya sa akin? No way!

Tumalikod na ako at naghanap ng mauupuan. Inilibot ko ang paningin sa paligid. "Noypi karin pala" sabi nito. Nagulat ako ng marinig siyang nagtatagalog. Hindi ko akalaing marunong siyang magtagalog.

Napayuko ako, sinabihan ko pa naman siyang gwapo. I'm sure iyon ang dahilan kung bakit tinapunan niya ako ng matamis na ngiti kanina. Baka akalain niyang may gusto ako sa kanya. Hindi naman talagang makakailang may itsura siya. Siguro sanay na siya roon.

Tama hindi ako dapat mahiya, tsaka binastos niya ako kanina. Tinawag ang tulad ko na "bitch". Tinalikdan ko siya at nilagpasan, parang invisible na hindi nakita.

Ang Storya ni Ikaw at Ako (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon