Tres

132 8 4
                                    

"Jace.." sambit ko sa kanyang pangalan. Napalingon sa kanya si Epoy. Sabay nito ng pagsasalubong ng kanyang kilay.

"Sino siya Tina?" agad niyang tanong sa akin. Bakas sa mukha ang pagdududa kung ano ang relasyon ni Jace sa akin.

"Siya si Jace ang a--king kasin--tahan" nauutal kong sabi. Tinapunan ako ni Jace ng tingin. Hindi ko alam kung masaya siya o naghihinakit basta ang alam ko hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. Ngunit wala nang ibang paraan upang huwag bigyan ng pagkakataon si Epoy, na muling pasukin mundong sinubukan kong buuhin.

Masaya na ako ngayon sigurado ako. Basta nandirito si Jace. Marahil hindi niya mapapantayan ang mga ala-ala ko noon kasama si Epoy. Ngunit alam ko kaya niyang bumuo ng panibagong masasayang ala-ala. Makakaya niyang higitan ang aking unang pag-ibig.

"Masaya ka ba Tina o gumaganti ka lang sa akin? Huwag mo nang pahirapan ang iyong sarili. Nandirito ako sa harap mo, nagsumamo na sana pag-bigyan mo ng pagkakataon, itatama ko ang dapat noon ko pa dapat itinama. Matalik tayong magkaibigan noon, alam mong nagsasabi ako ng katotohanan" mahina pero rinig na ring ko ang kanyang snabi.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya. Ang aking utak ay nabalot ng tensiyon. Ngunit sinagot ko naman ito.

"Epoy ako'y iyong patawarin ang nais mong pagkakataon ay hindi ko maibibigay." nasabi ko sa kanya. Umiling-iling si Epoy.

"Tina huwag kang magmatigas. Alam kong mahal mo pa ako" May luha ng namumuo sa kanyang mga mata. Nakikita ko ito at alam kong nasasaktan ko siya ng sobra.

"Tama na pare. Nagsalita na si Christina, matalik ka niyang kaibigan noon, hindi ba? Marahil tantiya mo naman na may ibana siyang nagugustuhan?" sabi ni Jace kay Epoy.

Napabuntong hininga si Epoy at nagtama ang kanilang mata na kapwa nagniningkit.

"Sa ngayon masasabi kong hindi ko na siya kilala. Ngunit handa akong maghintay may isang linggo pa ako rito" Inabot niya sa akin ang isang pirasong papel. Naglalaman ng address at numero ng telepono niya. Pumatak ang luha sa kanyang pisngi habang tumatalikod sa akin.

Patawad Epoy patawad sambit ng aking isipan.

Umalis si Epoy at katahimikan ang namuo sa pagitan namin ni Jace. Ilang sandali pa naramdaman ko na ang kanyang mainit na palad, nakahawak na siya sa aking kamay. Nararamdaman ko ang pulso niya. Bawat pitik nito ay halos kasabay ng sa akin. Tila pakiramdam ko ng mga panahong iyon iisa kami.

Binasag niya ang katahimikan. Nagsimulang gumalaw ang kanyang mga labi.

"Sinabi mong ako'y iyong nobyo? Bakit tila hindi ko alam?" Napatingin ako sa kanyang mukha. Wala naman itong bahid ng galit o inis. Sumunod ay hinawakan niya ang mukha ko ng kanyang mga kamay. Napatitig lang ako sa kanya, hinihintay ang bawat salitang lalabas sa mga labi.

"Napilitan ka lang bang sabihin iyon upang maging panakip butas ako? I think you need to clear up your mind." Hinalikan niya ako sa forehead. Sinyales na binibigyan niya akong layang makapag-isip ng tama.

"Mahal kita kaya bibigyan kita ng pagkakataong makapagdesisyon" pagpatuloy niya. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Jace.. ikaw na nga yung pinili ko" bulong ko sa kanya.

"Hindi.. naipit kalang sa sitwasyon Christina, kaya bigla ako ang iyong pinili. Gusto kong lumaban ng patas kay Epoy. Kailangan mong makapamili ng maayos at ng hindi ka magsisi sa huli." paglalahad nito.

Napatulo ang aking luha ng hinalikan niya ang aking buhok at tuluyan ng umalis papalayo sa akin.

Sino nga ba ang aking dapat piliin?

Sa tatsulok na pag-iibigan kailangan kong manindigan,

Kung hindi ako ang maiiwanan. Dalawa silang maaring mawala sa akin.

Si Epoy na matalik kong kaibigan. Siya ang una kong pag-ibig at ngayo'y nagsusumamong siya'y balikan..

O

Si Jace na bagong naging kaibigan. Handang lumaban kapag natukoy kong siya ang tunay na nilalaman ng puso ko't isipan.

Sino nga ba ang nararapat sa akin?

Sa storyang sinimulan ni Ikaw at Ako nararapat ba na ikaw ang piliin sa pagtatapos nito?

Paano si Jace? Hindi naman ako mahihirapang pumili kong hindi siya naging mahalaga sa akin. Siya na tumulong na maghilom ang sakit ng kahapon, nagbigay ng pag-asa at higit sa lahat minahal ako, alam ko, ito ay wagas.

----

Kinabukasan aking binuksan ang aking laptop at sinimulang i-log-in ang aking skype. Sa ngayon nais kong makausap ang aking ina. Siya ang makakatulong sa matinding problemang pinagdadaanan ko ngayon.

"Hindi siya online.." bulong ko sa hangin. Nagpagulomg-gulong ako sa aking kama. Naghihintay baka makapag-online na si mama. Ngunit ilang sandali lang may mensaheng pumasok sa aking skype.

Isang mensaheng makakabuo ng aking desisyon kung sino ang nararapat kong piliin. At ngayon alam ko tama ang desisyong gagawin. Walang pagdududa. Para sa ikakabuti ng lahat.

Epoy ang storya ni Ikaw at Ako ay maaring magkaroon ng happy ending o malungkot na katapusan.

Gagawin ko lang kung anong tama at kung sino ang mas matimbang. Patawarin sana ako kung may masasaktan sa gagawing desisyon.

--------

A/N: Sa tingin niyo ba maka team Epoy-Tina Kayo o Jace-Christina ?

Epilogue na ang susunod nito.. pasensya if medyo cliche ito pero promise hindi cliche ang ending.. :-P

Komento at boto naman diyan! Salamat..

Ang Storya ni Ikaw at Ako (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon