#3

388 3 3
                                    

Sabi nga, abnormal ka pag wala kang kaibigan. Iyon ay tama naman. Hindi ka mabubuhay ng walang kaibigan. Imbis sa iyong mapagmahal na pamilya, kailangan mo rin ng totoong kaibigan na siyang mag-aakay at magsisilbing inspirasyon sa iyong mga pagsubok. Masarap magkaroon ng kaibigan. may katulong ka sa lahat ng bagay, may pagsasabihan ka ng mga sikreto, at paghihiraman ng ilang bagay. Ansaya kaya. Mayroon kang katawanan, kaiyakan, kakwentuhan, kakopyahan(wag gawin joke lang :D) at marami pang kalokohan. HAY BUHAY.

Sa ating panahon ngayon, napakarami na talagang naglipanang mga Social Networking Sites. Facebook, Twitter, Tumblr, Myspace, Wattpad, mga forums at iba pa. Sa mga ito rin nadedevelop ang pagkakaibigan, pag-iibigan at ito naman ang isa sa mga dahilan ng pagsira ng relasyon sa isang tao o pamilya. Dito narin marahil nagkakakilala at nagliligawan ang mga mag-syota.Pero ito naman ay nagsisilbi ring ating libangan kung tayo ay walang magawa.Ngunit kailangan rin nating mag-ingat dahil maraming naloloko rito. Gayumpaman, napakarami mo ring makikilalang tao na siyang iyong magiging bagong kaibigan. HAY BUHAY.

Kadalasan talaga, marami tayong kinaiingitan sa mundo. Minsan nga yun hindi talaga dapat kainggitan eh. Yung pag may nakuha siya napakalaking tagumpay ay gusto mo meron ka din.Lalo na sa pag-aaral. Maraming ganito lalo na sa matataas na section sa paaralan. Paramihan ng "Extra-Curricular Activies" at pataasan sa mga pagsusulit na kanilang nakukuha. Di mo ito kailangan kainggitan, dapat nga gawin mo itong lakas at inspirasyon na kaya mo yan, magagawa mo din yang bagay na iyan. Tiwala lang. HAY BUHAY.

Sa ating pag-iinteraksyon sa ating paligid, ay hindi na natin mapapansin ang ating inaastang ugali sa kanila. Kadalasan itong nangyayari sa mga magkakaibigan. Sa sobrang dami ng pag-uusapan at pagchichismisan, ay masasabi mo na rin ang mga lihim at mga tinatagong baho ng iyong kakilala. Diyan nagsisimula ang pag-aalitan at pag-aawayan. Kailangan lang naman nating maging tapat at nagkakaisa dahil kayo'y TOTOONG Magkaibigan \m/ HAY BUHAY.

Yung feeling mo nag-iisa ka sa mundo, wala kang kaibigang nagsisilbing pundasyon ng iyong pagkatao at walang gagabay sa dadaanan mong pagsubok. Yung parang walang gusto kumausap sayo at galit sila lahat sayo.Yung manlulumo ka na lang sa isang tabi.Iisipin kung ano bang ginawa mo sa kanila, may pagkakamali ba kong ginawa, may masama ba sa aking pag-uugali at AYAW NIYO NA BA AKONG MAKITA? HAY BUHAY.

Hay! Buhay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon