#4

254 5 2
  • Dedicated kay Shaira Cala Gayon
                                    

Habang tumatagal, lumilipas ang panahon. Naiiwanan ang nakaraan. Pero pumapalit ang mga bagong karanasan. Pero di mo rin maiwasang mabalikan ang mga ito na parang mga litrato. Ginawa ito upang di malimutan ang mga magaganda (minsan pangit pa nga eh ) na mga pangyayari sa iyong buhay. Pero habang lumilipas ito (kakasabi lang kanina eh) wag nating hayaang masayang at tuluyang maubos ito ng wala ka man lang nagawa dito. Diba may kataga ngang Time is Gold (nasabi ko na yata to dati eh). Tama, ginto ang orasan, not literally (hahaha) Di mo na kasi mababalik yan. sabi  nga "Lost time can never be found again". Gawin mo na lahat ng gusto mo sa buhay mo na makakabuti at makakapagpaunlad sayo. Wag mong hayaang ubusin ng buhay mo ang oras na nakalaan sayo sa mga walang kwentang bagay. Habang bata ka pa o kahit hindi na, magpalamon ka na sa mga tamang bagay na magbibigay sayo ng ginhawa. HAY BUHAY! (haba infairness)

"Yung gagawa ka ng masama para lang makuha yung meron siya" BAD YUN. Ano ka! instant. Wag mong gawin ang mga bagay na yan. Pagsumikapin mo na lang yan para makuha ma na rin yang pangarap mong yan. Once na ginawa mo yan, nakuha mo nga, di mo naman pinagpawisan at pinaghirapan abutin yun. Gawin mo na lang yang motivation para naman mabawas-bawasan ang iyong inggit. HAY BUHAY!

Napakarami nating pagkukulang sa buhay natin ngayon. Minsan, sinasabi natin na di pa ito sapat sa tin. Parang pagkain, pag kaunti lang ang inihain sayo, kulang pa ito. Pag bumuli ka ng isang laruan, kung may kulang na piyesa, kailangan mong papaltan. Pero hindi ganoon ang buhay. Di tayo perpekto. Tayo'y isang tao lamang. Kahit ika'y isang kilalang personalidad ng lipunan ay hindi mo masasabing perpekto ka na. Na sayo na nga ang lahat ng materyal na bagay, wala namang pagmamahal, pagtitiwala, at pananalig sa panginoon na siyang gagabay sayo sa buhay. :( (uhhhh). HAY BUHAY!

(a/n: sa next chapter ko na lang hahabaan. ha.)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hay! Buhay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon