#1

1.1K 12 3
                                    

Hindi mo naman mahuhulaan ang buhay. Minsan hindi mo na rin matatakasan yung pagkakamali mo at sinasabi mo sa sarili mo " Bakit ko ginawa yung bagay na yon ". HAY! BUHAY.

Tapos may iniisip ka pang Time Machine na gagawin mo paglaki mo para maitama yung mga mali at babaguhin ang kasaysayan.  Alam ko ganun ka din.  Pero may parang bumubulong sayo na "Wag kang sumuko, kaya mo iyan. Hindi iyan ibigay sayo ng walang dahilan". HAY! BUHAY.

Kahit bata bata palang ako, iniisip ko agad kung anong mangyayari sa buhay ko pag lumaki ako. Alam ko ganyan din ang iniisip ng mga ka-edad ko . Pero paano yun? Sasabihin pa sayo ng magulang mo na "Ano kaba!, bata bata mo pa para isipin mo yan. Mag aral ka nga muna.". Actually totoo naman yung sinabi nila eh. HAY! BUHAY.

Sa Buhay natin ngayon, meron din tayong maliliit na pangarap o kahilingan.Katulad ng pagpasa sa Test , Pagbili ng Mamahaling Cellphone , Pagdami ng Followers at friends sa mga Social Networking Sites, Ang makamit ang minamahal  at marami pang iba. Mayroon ka rin bang kahilingan sa buhay? Siyempre, oo, Hindi yun mawawala sating mga Pinoy a pat na rin sa mga Kano.HAY! BUHAY.

"Malapit nang magpasukan, Tuloy na naman ang problema".Yan ang sabi ng mga kabataan ngayon. Pero ako sumasang-ayon din ako diyan. Pero sa pag-aaral din mahahasa ang pag-iisip mo at ang ugali. Dito ka rin magkakaroon ng kaibigan na gagabay at susoporta sayo sa mga problema at mga pagsubok mo. Ang higit sa lahat, dapat ay may PANGINOON ka na mas gagabay sayo sa buong buhay mo.HAY! BUHAY.

Kailangan mong tapusin ang bagay na naumpisahan mo na. Parang Pag-aaral.Hindi mo makakamit ang tagumpay na ninanais mo kung titigal sa pag-aaral. Sabi nga nila na lahat ng bagay sa mundo ay panandalian lamang. Kaya GO! GO! ka lang sa Parangap. Ang tagumpay ay hindi mo makakami kahit may katalinuhan ka.Kailangan mo rin ng Diskarte. HAY! BUHAY.

Hay! Buhay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon