K A I B I G A N

2.3K 46 1
                                    

Ano nga ba ang pinagmulan?
Ito ang relasyon na nabuo ng 'di mo namamalayan
Mag-uumpisa sa ngitian, batian, at simpleng kwentuhan
Hanggang sa ang mga loob ay magkapalagayan.

Nariyan yung magkukwentuhan ng mga karanasan
Minsan nga mga problemang pinagdadaanan
Diyan pumapasok yung salitang "kaya mo yan"
Na" mabuti ang diyos, di ka niya pababayaan"

Dahil sa problema, pagkakaibiga'y tumatatag
Yung tipong hindi na matitibag
Pagsasamahan na di mabuwag buwag
Na mismong problema na ang hindi makapalag.

Ang saya saya pag nagkakabiruan at nag aasaran
Simpleng titigan alam mo na agad ang dahilan
Magkakasabwat sa mga kalokohan
Pag nabuking ay magkakaturuan

Ngunit di mo maalis ang di pagkakaunawaan
Siya na nga ang mali, siya pa ang galit!
Maling mali na nga kanya paring pinipilit
Kaya sa bandang huli lahat kayo'y magkakagalit

Pero di niyo matiis ang isa't isa
Na kailangan niyong magkaayos bago pa lumala
Magpapakumbaba at hihingi ng pasensiya
Matatawa nalang minsan dahil daig niyo pa ang artista
Sa galing niyong umarte at magdrama

Ganyan ang mga masarap pakisamahan
Sa oras ng kagipitan meron kang matatawagan
Di lang sila kaibigan
Sila'y pamilyang iniingatan at pinapahalagahan.

Bes sorry kung Hindi ako naging perfect best friend for you ito lang kasi ako e

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon