"Okay, kakanan na ko dito, ang sabi ng google?" Naglalakad ako ngayon sa isang street at sinusunod lamang ang directions sa google maps. Unti nalamang naman at makakarating na ako sa Banteria street.
As I saw the street sign, agad akong lumiko rito saka ibinalik ang phone ko sa bag ko. Binuksan ko ang envelope na binigay sakin kanina ni Ms. Francine at kinuha ang picture ni Mr. Perez. Agad naman ako pumasok sa mga tindahan at karinderya upang magtanong tanong. Ngunit ni isa ay walang nakakakilala sakanya. May iba pang pinalayas ako sa mga tindahan nila kahit di pa nila nakikita yung picture. Pero hindi parin ako sumusuko dahil mahal ko ang trabaho ko. hahahaha.
Habang naglalakad lakad ako ay may nakasalubong akong apat na babaeng estudyanteng naka-uniporme pa. Agad ko itong nilapitan at nagtanong.
"Exuse me, baka kilala niyo po itong lalaki sa picture?" I asked them. Tinignan naman ito ng apat.
"Ohhh ooooh, Diba, Cheska---"
"Sorry po, Miss, hindi po namin siya kilala."Pagputol ng isang babae sa nagsasalita. Nagtinginan ang mga ito sa isa't isa saka tumango sa akin.
"Opo. Hindi nga po namin siya kilala." sagot pa ng isa.
"Saka bakit ka ba sa amin nagtatanong? Hindi kami lost and found!" Pagalit naman na sagot nung tinatawag nilang Cheska.
" Ahh. Bitch!" At gago, di ko na talaga napigilan sarili ko.
"Anong bitch? Ano napatol ka sa bata?" Sagot naman ni Cheska na pinipigilan na nga siya ng mga kasama niya.
Napailing nalamang ako sa kamalditahan nang bata saka naglakad papalayo sakanila. Napabuntong hininga nalamang ako sa sa sobrang pagkadismaya sa nangyayari sa kabataan ngayon. Mga walang modo.
Nasaan ba kasi yung Barangay hall? Dapat pala yun nalang inuna ko. I googled the location of its Barangay hall and followed the directions. Nang makarating ako ay agad akong nagtanong sa mga officials.
"Baka po kilala ninyo po itong nasa picture? Perez po ang surname niya."
"Never ko pa siya nakikita. At saka maraming Perez dito." Nagisip isip ang Babaeng barangay official saka tinawag ang isa pa niyang kasamahan. "Jooooy! Tignan mo nga ito kung sino ito?"
Tinignan ni Ms. Joy ito ng maigi. "Hmmm, parang familiar mukha niya pero hindi ako sure. Hindi ko maalala kung sino siya. Ano po ba name niya?"
"Perez po. Peter Perez."
"Kaano ano niyo po ba?"Tanong ni Ms. Joy
sht. anong isasagot ko?
"May utang po kasi siya sa akin, hindi parin po niya binabayaran at tumakas na nga po siya."Gago ko talaga at siniraan ko pa. Jusko chismis ito kung magkataon.
"Ahhh, hindi po kasi kami pwedeng basta basta magbigay ng personal information sa hindi family member. Pero tignan ko narin po if registered siya dito sa barangay namin. Marami rin kasi dito na hindi talaga taga rito. "Sagot nito habang nagtatype sa computer niya. Hindi ko naman nakikita yung kinakalikot niya sa computer dahil nakatalikod monitor nito sa akin.
"Palagay ko po, hindi nga po siya talaga taga rito. Baka nangungupahan or nakatira sa mga barracks kasi wala po siya sa listahan po ng mga Perez dito sa aming barangay."Sagot nito nang matapos siya kakascroll sa mouse niya.
"Ahh. Sige po. maraming maraming salamat po."
"Sige."
Nagpasalamat naman ako sa lahat ng mga napatanungan ko saka lumabas ng Hall.

YOU ARE READING
I'm Watching You
FantasyFantasy/ Past-Present-Future/inspired by my dreams. So yas! Napanaginipan ko po ito at gagawin ko siyang story cause this dream is sooooo amazing! Kkkkkkk. Yes! Even if we wish to go back to the past or go to the future, well we CAN'T! I know...