• Chapter One •

450 7 0
                                    


" Ethaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaan " mahina kong sigaw sa makulit na bata na panay takbo sa harapan ko habang nagkakalat sa mga laruan niya


" Nanaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay " aba't sumagot pa ang bulilit na ito


" Hooooy ang aga-aga niyo naman mag magsigawan mag-ina " puna sa amin ni Naynay Amanda , ang baklang nag alaga sa akin noong bata , pinsan siya nang mama ko na ngayon ay nagta trabaho parin sa ibang bansa kahit na kaya ko na naman siyang buhayin , hindi nga kalakihan ang sweldo ko pero sapat na sa amin yong apat


" Paano naman kasi yang si Ethan , kakalinis ko lang sa sala .. may kinausap lang ako sa phone ayan ang kalat na naman " 


" Ay susko ka , ganyan ka din naman noong bata ka e " 


" Noon yon kaya nga tinuturoan ko si Ethan na maging malinis e " 


" Hayaan mo na bata pa naman yang anak mo " sabi ni Naynay sa akin habang nakatingin kay Ethan na ngayon ay busy naman kakausap sa mga laruan niyang army " Tsaka andyan naman si Sally , ipalinis mo nalang " tukoy nito sa kasambahay namin


" Wala si Sally , inutosan kong mag grocery paubos na kasi ang supply natin sa kitchen " 


" Ay nako pasensya na Sara , nakalimotan kong mamalengke noong nakaraang linggo , medyo marmami pa kasi yong nakaraan e , kesa sa malanta yong mga gulay pinaubos ko na muna "


" Ok lang ho , tsaka mabuti na din yon makatipid din minsan " 


" Yan din .. O bago ko makalimutan paubos na pala ang supply sa store ha " 


" O sige po tatawagan ko nalang din si Yen para sa supply " 


Bukod sa may regular akong trabaho  , meron din akong pinatayong negosyo na makakatulong din para sa pamilya ko , ginamit ko ang pera na pinapadala ni Mama sa akin noong nag aaral pa ako , scholar ako noong araw pero natanggal yon noong nabuntis ako bigla sa anak kong si Ethan , dahil na siguro sa wala akong ama kaya naghahanap ako nang kalinga ng isang lalaki at nahanap ko iyon kay Yvo pero hindi din nagtagal ang relasyon namin , noong nag one year old si Ethan iniwan niya kami na parang isang basura.


 Kaya doon napilitan si Mama na mag abroad para makapagtapos ako nang pag-aaral , tinaguyod niya kami ni Ethan. Kaya ngayon nagsusumikap akong kumita nang malaki para samin nina Mama , Ethan at Nay Amanda. Pero sadyang makulit din ang mama ko , ayaw daw na muna nitong umuwi kasi nawiwili siya doon sa abroad.


" Andito pala si Yvo noong nakaraang gabi " sumbong sa akin ni Nay Amanda , tumango naman ako bilang tugon 


Nang mag 3 years old si Ethan at sa mismong birthday nito biglang dumating si Yvo kasama ang pamilya nito at may mga dalang regalo para sa anak ko , nagalit ako noong araw na yon pero wala akong magagawa kasi ama naman ito nang anak ko , wala akong karapatan na kuhanan si Yvo nang rights para sa bata. Tsaka ayaw ko na din nang gulo , ayaw kong masaktan ang anak ko balang araw , ang kundisyon ko lang kay Yvo pwede niyang dalawin at hiramin ang anak ko as long as sa akin parin ang anak ko at hindi ko siya makikita. So far ok naman ang set.up namin , minsan natutulog si Ethan sa kanila ng isang araw. At kong magpumilit sila na matulog pa si Ethan sa kanila nang ilang araw , ayaw naman ni Ethan kasi mas sanay ito na magkatabi kami na matulog

I Got YouWhere stories live. Discover now