• Chapter Five •

213 7 2
                                    


"  Meeting you was fate is an intimate journey, an exploration of the loving connection between two beings: a work about the present, the lasting and the change of feelings created by their own volatility "



SARA'S POV



" Anak saan ka na? Andito na si Yen at ang boss niya! " kausap ko ngayon si Nay Mandy habang nagda drive ako pauwi sa bahay



" Nay mga 5-10 minutes away nalang po , late na kasi akong naka out kanina sa office may pahabol pa na utos e " sagot ko dito , alam kong delikado mag drive habang nasa phone pero nakasalalay dito ang mumunti kong negosyo



" Okay sige , sabihin ko nalang kay Yen .. tsaka anak ang gwapo nang boss niya .. di kaya to inakit ni Yen noon? " natatawang balita ni Nay Mandy sa akin



" Baliw ka Nay .. loyal si Yen sa asawa niya kaya hindi for sure .. " 



" Sabagay .. o sige na maghihintay kami sa iyo dito ha .. " 



" Opo nay! bye! " 



Nasa kalagitnaan ako nang pagda-drive na namataan ko si Sally at ang anak ko na naglalakad pauwi , saan na naman kaya galing itong dalawang ito.



" Saan na naman kayo galing ha? " sigaw ko nang buksan ko ang window ko sa passenger side



" Nanaaaaaaaaaaaaaay! " sigaw naman ni Ethan



" Ate! " tanging nasabi lang ni Sally



" Saan kayo galing? Sige na sakay na at may kailangan akong habulin sa shop! "



" Sa park po " sabay na sagot nilang dalawa



" Nag play po ako Nanay sa mga kakilala ko , tsaka Nanay sabi nila mag school na din po sila .. Nanay gusto ko doon din ako mag school kung saan sila para may kilala ako .. please nanay! " pag kwento ni Ethan



" Sige pag-usapan natin yan Ethan mamaya bago ka matulog ha! Gusto ko mag dating natin sa bahay maligo ka at magbihis kasi may bisita si Nanay sa shop " 



" Okay po Nanay " 


I Got YouWhere stories live. Discover now