" I could not tell you if I loved you the first moment I saw you, or if it was the second or third or fourth. But I remember the first moment I looked at you walking toward me and realized that somehow the rest of the world seemed to vanish when I was with you "
GERALD'S POV
" Boss , anong drama mo noong nakaraan? " bungad sa akin ni Yen pagka pasok niya sa opisina ko " At milagro ang aga mo ata? " segunda niya
" Not now Yen! Please! masakit ang ulo ko? " sabay hawak ko sa ulo kahit hindi naman talaga masakit , alibi ko lang para tumigil siya
" Not now? Seryoso boss? Nako naman hindi naman po ata yan pwede! " halata na sa boses nito na naiirita na , pero siyempre ako ang boss dito kaya hindi niya magawang magalit " Tsaka if masakit ang ulo dapat nasa bahay ka lang ngayon! "
" Kakasakit lang! " maikli kong sagot
" Ay sus boss , huwag ako! Kilala na kita! " sabay pamemewang sa harapan ko
" Seryoso Yen , masakit talaga ang ulo ko! " mangungumbinsi ko dito pero parang wala epek kasi tinaasan ako ng kilay
" Sir! "
" Fine " sabi sabay ayos ng upo ko at ng damit ko! " Maupo ka para makapag explain akong mabuti " sabi ko dito , agaran naman itong umupo
Masyado na akong visible kay Yen , wala na din naman akong magagawa kundi ang mag explain sa nangyari , dahil for sure hindi din naman ako titigilan ni Yen hanggat di ko sasabihin sa kanya. After all she's my executive secretary. Siya lang din naman ang haharap sa mga client pag wala ako.
" Ano na boss? " halatang inip na inip na ito
" Ito na nga! " pagsisimula ko " Anak ba talaga yon ni Sara? Or pamangkin lang? " tanong ko dito , nakita kong kumunot ang noo ni Yen
YOU ARE READING
I Got You
Fanfiction" The purpose of life is not to be happy. It is to be useful, to be honorable, to be compassionate, to have it make some difference that you have lived and lived well." - Ralph Waldo Emerson