Kabanata 2:"nag simula ang lahat"

16 2 0
                                    


Pag karating ko sa room ng section 2 agad akong napansin ng tatlong magaganda ngunit kinulang.

"Huy mark!!!" Sabay napagbigkas nilang tatlo.

Wow may pag duet yung tatlo.

"Ganda ng blending ah!!" Pang asar nasabi ko.

Umupo na agad ako pag tapos kung kamustahin sila pero sa kabila ng lahat wala pa akong nakikitang Joy sa room na to.

"Magandang hapon sa inyong lahat, ngayong araw lang ako nakapasok ipag paumanhin ninyo, ako nga pala si Mr.Ryan Gwapito ang  inyong guro sa larangan ng E.S.P(edukasyon sa pag papakatao)"

"Mr.Ryan lang walang gwapito" pabulong ni mary
"Tunay kaya yung apilyido niya dapat ginawa na lng mr.Ryan Tawa" dag dag ni sam.

Natawa na lng kami ni mayang sa pag kontra nitong dalawa.

"Sorry im late mr."
"Pumasok kana ms."

Agad siyang umupo sa tabi ko (seriously!!) Kaya pala umusog tong tatlo naka set up na ang lahat ang tataba ng utak.

"Uy mark classmate kana namin ?"

Di ako makapag salita kasi nakatitig parin ako sa Sparkling Eyes niya, ewan ko bat ang amo ng mga mata niya at ng buo niyang mukha para sa akin . sakin nga lang ba e kulang na lang  eh camera para na kasi kaming naka compress dahil nag si usogan ng upoan ang mga hampas lupa kung classmate.

"Oo kanina lang ako pinalipat para daw makita kita ay este para naman daw di sayang yung grade ko nung 1st year"

"Sabagay tama sila sayang nga naman"

Lumapas ang oras at papalubog na ang araw at ang lahat ng mag aaral ay nag uuwian na.

Si joy yun ahh . Bat nag iisa nauna n ata yung tatlo.

"Joy!! Joy!! Sabay na tayo"

"Sabay lang walang tayo hahaha"

"Oo nga naman bat nag iisa ka nasaan sila ?"

"Nauna na si sam mag tutuhog pa ng paninda nilang ihaw, si mary daw pupunta sa bestfriend niya, si mayang tutulong daw siya sa mama niya marami daw order"

"Ahh . Sige sabay na tayo hatid na kita ."

"Seryuso ? Sige kaso sa san Francisco pa ako  ba?"

"Oo naman malapit lang don!" (Pero talagang medyo malayo rin kasi papalayo yung barangay nila kaysa sa barangay namin sayang pag kakataon)

"Yun sige tara na! "

Habang nag lalakad kami napabili na rin kami ng gulaman, siomai,fishball tsaka kikyam, libre niya pa nga eh favorites niya daw kasi yon, syempre di ki sinayang ang pag kakataon.

"Joy! Bukas ulit hatid kita ako naman taya ?"

"Sige!! Sabi mo yan di ko kakalimutan!"

"Pano hanggang dito na lang . pag liko ko jan sa eskinita malapit na yung bahay namin"

"Sige bukas ah sa court ng school na lang kita antayin baka sumabay yung tatlo pag wala silang gagawin sige ingat dito na ako babay!"

Natapos na ang araw pero dito magsisimula ang lahat, buti na lang at wala yung tatlo ,sinadya ata para walang panira ng moment sana bukas din!!****

Itutuloy.....

"PISO"Where stories live. Discover now