Kabanata 4: "pag asa"

16 2 0
                                    

Araw ay lumolubog at umaangat pero di ibig sabihin ito ay nawawala sapagkat ang dala nito ay liwanag sa pusong umaasa.

Ilang buwan na rin simula ng kami ay nag kakamabutihan hinahatid ko siya na may ngiti sa aming mga mukha at yung tatlo naman tuwang tuwa bukod sa pagkain natutuwa rin sila para sa amin.

Hanggang sa dumating ang isang araw na nag karoon ako ng tapang para mag sabi ng aking nararamdaman di ko alam kung pano ko sasabihin ng kasama ko yung tatlong asungot kaya kinausap ko na sila na wag muna sumabay sa amin sa pag uwi ililibre  ko na lang sila ng double buti na lang at pumayag sila kinikilig pa nga sila kaysa sakin .

Kringgggggg!!!! Kringggggg!!!

"Uwian na ano tara?" Pag anyaya ko sa kanya

"Pano yong tatlo nawala ata bigla?"

"Mauuna na daw may gagawin daw sila kaya tayo na lang daw muna"

"Ay ganon sige tara na"

Nag lakad na kami nag kwekwentohan ng mga kabadoyan habang kumakain at yon niyaya ko na siyang maupo muna kami sa malapit na park bago yung barangay nila.

"Joy! Siguro naman di na bago sayo yung mga gantong salita diba ? Ilang buwan na rin kasi akong nag iisip kung dapat ko nga bang sabihin yung mga gantong bagay sayo pero Syempre para ang unfair ko naman sa sarili ko kung lalabanan ko yung nararamdaman kung ito. Nag isip ako kapag ba nasabi ko to sayo ano ba yung pwedeng mang yari at naisip ko na nga yung mga posibilidad kaya susugal na ako total nasimulan ko na sabihin eh . Lumalalim na kasi yung pag tingin ko sayo at handa na akong i angat ang mga salitang Gusto kita oo gusto kita at sana ako ay bigyan mo ng Pag asa na patunayan yun sayo?

"Mark naman biro ba yan o seryoso ka talaga ? Kung seryoso ka talaga di ko mapapangakong mamahalin kita gaya ng sayo pero pag bibigyan kita hanggang sa march bago mag tapos ang school year kasi tama ka naipaparamdam mo sa akin na importante ako sayo ng higit pa sa iba."

Agad akong natulala at di alam ang sasabihin sa kanya sa sobrang lapit ko sa kanya naririnig ko yung puso na sobrang lakas ng tibok pero di ko maunawan kung kanya ba yun o aking puso.

"Tama ba yung narinig ko ? Seryoso? Di ako mangangako pero pangako gagawin ko lahat para maging deserve ako sa buhay mo"

"Haha ano kaba mark basta gawin mo lang kung ano ka makikita ko kung tunay yang nararamdaman mo"

"Yesss haha salamat"

"Salamat ka jan . Hahaha!!"

Hinatid ko na siya sa kanila at syempre di mawala yung ngiti ko sa mga sinabi niya kaya gagawin ko ang lahat para magawa kung deserve yung sarili ko para sa kanya.

Kinabukasan pag pasok ko nag kwento na ako kila mayang,sam at mary syempre mas tuwang tuwa sila kaysa sa akin kasi bukod sa nalaman nila ililibre ko pala sila ng double ng mga gusto nila.

Nag katabi kami ni Joy nag uusap yung usapang alam niyo na yung usapang parang kami lang dalawa yung nilalang sa mundo para mag ibigan .

"May logic ako amin na yung kamay mo!" Nakangiti ako habang hinahawakan yung kamay niya.

Hinawakan ko yung kamay niya yung mag kaholding hands yung itsura pero di naka alternate yung mga daliri namin gets niyo ? Hahaha

Tinuro ko yung likod ng kamay niya "jan sa kamay mo nan jaan yung tupa at kambing" tinuro ko naman yung likod ng kamay ko " dito naman may wolves" " sa gitna ng kamay natin may dagat at may bangka ang tanung pano mo mapapatawid yong dalawa na di makakain ng wolves ?"

Yung itsura niya tuliro sa kakaisip halatang nahihirapan siguro mga 7  minuto ko na hawak yung kamay niya kasi pinapaulit niya pa yong tanong eh .

"Pano nga ba ang hirap eh"

Mga 12 mins ko na hawak yong kamay niya :)

"Di ko rin alam eh sa totoo lang gusto ko lang hawakan yong kamay mo HAHAHAHA!!!"

Binatokan nila akong apat kasi yung tatlo rin pala sa gilid namin nag iisip . Pero atlis worth it hahaha kahit nabatukan ako atlis nahawakan ko ng matagal yung kamay niya syempre kita ko rin na kinilig siya.

Araw araw na kaming mag kasama simula nung nag tapat ako sa kanya ang bilis ng araw lumipas ang pasko na syempre kami yung mag kasama niyaya niya ako sa kanila pinakilala niya ako sa papa niya at nung bagong taon naman sa mama niya separate kasi yong mama at papa niya kaya sila ng kuya niya ang mag kasama.

Ang bilis ng panahon at oras  kapag kasama ko siya sana wag  ganun kabilis kapag naramdaman niyang ako na ang para sa kanya.

.....itutuloy.....

"PISO"Where stories live. Discover now