Chapter 2: Bwahaha

15 0 0
                                    

Matapos ang ilang subjects, uwian na. Oh diba ang bilis? Hahaha.

"So ano na ang plano?" Tanong ni Queency sa'min.

"Susunduin natin siya sa gate ng school. Tapos syempre, ang ating mala-Juliet ang mukha, papasok." Sabay tingin ni Clara sa'kin.

"B-bakit ako?" Tanong ko ng pagtataka.

"Girl, ikaw na lang. Total, you know, bago ka.." At inirapan niya ako.

"Kaya nga. Bago nga ako. Nakakahiya kaya. ANo na lang ang sasabihin niya sa'kin? Na feeling ako, ganun?" Umaatras naman ako ng kunti.

"Tss. Ah basta." Napatingin naman siya sa gilid na ikinapaglaki ng mga mata niya kaya naman napatingin kami sa direksyon na tinitingnan niya.

"My Gosh! Andito na siya girls. Dali." Tumakbo naman kami sa waiting shed ng school. Dito daw kasi yun tumatambay pag-maulan eh..

Nung mapansin kong may tumabi sa'kin, tiningnan ko naman agad ito at siya nga.. Kawawa ka sa plano nila, Vincent.. Mukhang tatakbo ito paalis pero pinigilan ni Clara ng ikinabigla niya.

"Ano?" Pagtatakang tanong nito.

"Pwede mo bang samahan si Caryl sa taas? May kukunin kasi siya eh.." Napakunot noo naman ito at hinablot niya yung kamay niya.

"Ayoko. Nagmamadali ako.." Tiningnan naman ako ni Clara ng sige-na-look kaya ako na ang eeksena.

"Please Vince?" Pagmamakaawa ko.. Napapikit na lang siya ng mata at huminga ng malalim.

"Oo na. Pero bilisan natin ha.. Nagmamadali kasi ako.. May kailangan akong puntahan.." Ngumiti naman kami ng malapad dahil matutuloy ang plano..

Nung nasa room na kami, dahan dahan kaming pumasok.. Teka, ano bang kukunin ko dito? Tsk.. Aysh!

Hanap ako ng hanap kahit alam kong wala akong kukunin dito. Bwiset. Nakalimutan naming mag-iwan ng gamit dito..

"Ano ba kasi ang kukunin mo?!" Naiiritang tanong niya.

"Uhm, ano, ano kasi, ano...." napahinto naman siya sa paglalakad sa classroom at tumingin sa'kin ng diretso na seryosong seryoso.

"Yung totoo, may kukunin ka ba o nagpanggap lang kayo na may kukunin at..... SHIT!" Nabigla naman ako sa pagmumura niya. Teka, bakit?

"Sige, alis na ako.. Bahala ka na nga.." Pumunta na siya ng pintuan at... wait.. MyGASH!

"Pucha! Ano to?! Ha?! Ba't di mabuksan yung pinto?! Plinano niyo ba to, ha?!" Pasigaw niyang sabi...

"Wag mo kong sigawan, pwede?! Una, wala akong alam diyan! At pangalawa, uhm..." Napaisip ako bigla. Sasabihin ko ba? Haixt!

"Ano?!" Sigaw nito.. Huminga naman ako ng malalim at hinanda ang sarili sa mga pagmumurang haharapin ko.

"ANO?!"

"Oo na, plinano namin lahat ng to! Yung totoo, wala naman akong kukunin dito. Gusto lang talaga naming paglaruan ka. At Yu....." Nabigla na lang ako ng bigla niyang padyakin yung pinto.

"BWISET! Sana talaga di na lang ako nagpadala sa inyo! BWISET!." Halatang halata sa mukha niya yung pagkainis at galit. Pa'no na to?

"Alam mo ba kung ano ang ginawa mo, ha?!" Lumapit naman ito sa'kin na para bang gusto niya akong hawakan at isubsob yung mukha sa semento ng dahil sa inis? Parang ganun?

Note 1: Pagnagli-lipbite ang isang lalaki kung naiinis siya, isa lang ang ibig sabihin nun, may gusto siyang gawin sa'yo.

Napalaki na lang ng bigla yung mga mata ko. Gustong gawin? So gagawin niya yung...... Wag naman sana... Sinampal sampal ko ang sarili dahil sa kadumihang iniisip ko.. Ano ba yan!

A Mistaken LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon