Chapter 4: Nothing.

9 0 0
                                    

Pagkagising ko, mag-gagabi na pala. Nagsalamin muna ako saka ako bumaba.

"Ma.." Tawag ko kay mama ng makita ko siya sa sala na naonood n TV.

"Oh anak? ano, kamusta tulog?" sabay nguya niya sa popcorn.

"Okay lang naman po.. May ulam na po ba?" Tumango tango lang siya kaya naman dumiretso na ako sa kusina para kumain. kagabi pa ako walang kain.

"Oy anak, may pumunta pala dito. Lalaki siya, maputi, gwapo at matangkad, hinahanap ka."

"Eh? Sino po? Nagsabi po ba ng pangalan?" At inilapag ko sa mesa yung pagkain.

"Vincent ata yun. Oo, siya nga.. Sino yun? Manliligaw mo? Ayiiiie." Ramdam ko naman na kinikilig si mama ngayon kaya hinarap ko muna siya.

"Ma, stop that stupid thing. Di ko yun manliligaw." At sumandal ako sa pader.

"Eh ano mo yun? ha?"

'Pinaguutangan ko." at bumalik na ako sa kusina at nagsimula ng kumain.

"Pinagutangan mo?" Nabigla naman ako nung nasa harapan ko na si mama.

"Opo.. Pinaguutangan nga. May utang ako dun kaya pumunta yun dito para singilin ako. Pero don't worry po, magbabayad na ako bukas kaya di na yun pupunta dito." Nginuya ko na ang isang pirasong karne.

"Sayang.." Sabi ni mama at luumabas na ng kusina.

Nung natapos na akong kumain, hinugasan ko na ang mga ito at pumunta sa sala para makipanood na lang din.

"Nasan si kuya ma?"

"Yung kuya Jericho mo? ayun, umalis.."

"Saan naman daw siya pupunta?" at humarap ako kay mama.

"Sa girlfriend niya.."

"Ahhh." Kumuha naman ako ng popcorn saka nginuya ito.

"Oh andito na pala ang prinsesa ko." Tumayo naman ako ko at nag-bliss kay papa.

"Hello po papa. Sorry po kung di ako nakauwi kagabi." Pagpapaumanhin ko.

"Eh pa'no ba naman, nag-overnight sila ng kaklase niyang si Vincent kagabi sa room nila." Napalaki naman kami pareho ng mata ni papa at tumingin kay mama.

"Overnight?" Tanong ni papa.

"Uhuh! Tanungin mo yang anak mo.. Alis na ako. Maghahanda pa ako ng pagkain.." At tuluyan na siyang umalis papuntang kusina. Ako naman, umupo sa may sofa at tinabihan ako ni papa.

"Anak, ano yung sinasabi ng mama mo na nagovernight ka daw kasama yung kaibigan mo? Sino yun?" Hindi ko alma kung ano ang dapat kong sabihin. Nah! This is so stupid!

"Ahm, ano po kasi papa, may nag-lock ng pintuan si classroom kagabi. Kaya ayun, nakulong kaming dalawa sa loob." Sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya.

"Ahh.. Buti na yung clear.. Teka, nak, pakikuha nga ng tubig. NAuuhaw na kasi ako.." Tumayo naman ako saka dumiretso sa ref at kumuha ng malamig na tubig saka ibinigay ko kay papa.

"Ayan. Salamat. Nak, sabihin mo lang sa'kin kung may manliligaw ka na ha. Kausapin ko." Tumaas naman ang balahibo ko sa sinabi ni papa.

"Dapat mas gwapo sa'kin ha o kasing gwapo ko dahil kung hindi, wag ka ng umasa na ibibigay ko pa sa'yo yung tinatawag na freedom." ano ba tong pinagsasabi ni papa? Tsk!

Pumunta lang muna ako sa aking kwarto at kinuha yung phone ko saka dumiretso sa terrace ng bahay namin... Sino kaya ang ite-text ko o tatawagan? Boring kasi eh..

Pinindot ko na ang aking phone at may isang mensahe. Hindi ko alam kung kanino galing kasi hindi naman siya naka-save sa contact list ko.

From: 0946*******

Hoy! Magkita tayo bukas sa garden ng school. Alas nuwebe ng umaga. Kuha mo?

Nireplayan ko naman/

To: 0946*******

Hu u? Message Sent! Hay naku! Di man lang nagpakilala.

1 message received

from: 0946*******

Sino pa ba? Yung first kiss mo.. Hahahaha.

Bigla na lang nanginit yung buong mukha ko at feel ko, namula rin pati cheeks ko... Bwiset! Pinapaalala pa niya.

to: 0946******

arrrrgh! Kainis ka talaga. >_< Message sent.

1 message received

from: 0946*******

Gusto mo naman. Matamis naman diba? *wink*

Aba aba, tong lalaking to ha.

To: 0946******

Whatever you say! Message sent.

Bumaba na lang ako at dumiretso sa kwarto ko. Makapag-facebook na nga lang..

Nag-log in na ako at nung makapasok na ako, tiningnan ko lang yung mga notifications ko at isa isa itong binuksan...

Nagulat na lang ako ng may tumambag sa'king mukha na mga pictures na hindi ko dapat makita. At yun ang mga pictures naming dalawa ni Vincent kanina.. Teka, WHAAAAAAAT?

Clara added 13 photos of you in a group.

Nung clinick ko na ito, pumasok ako sa isang group na "The Pogi boys". at nung tiningnan ko yung cover photo nito, may isang mukhang nafamiliarize ko agad at yun ay si Vincent. May iba siyang kasama a mukhang kaklase namin sila. teka, sila yung..... yung pinagkakaguluhan nung first day ko ah? So it means, ganun sila kasikat dun?

Ini-scroll down ko na ito at nakita ko na yung pics naming dalawa. at marami ang nag-comment.

"Graabe, ang harurot nila." Sabi nung isa.

"Graaabe, nakakakilig.." Person 2

"Graabe.. Speechless na ako..." Person 3.

May iba naman na nagcomment ng nakakainis or what.. Parang ganun.. Siguro, mga fans talaga sila ni Vince.. Yeah...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A Mistaken LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon