Fifty three

4.2K 205 76
                                    


ZENLICE.

"Babe," the moment I heard his voice, pakiramdam ko ay may nagwala sa loob ng tiyan ko. Nginitian ko si Junk, hindi pa rin ako makapaniwalang may selective amnesia ako pero masaya ako dahil hindi nawala sa alaala ko ang boyfriend koㅡbut still, pakiramdam ko ay may kulang sa akin.

"Babe? The guy last night, yung nagpakilala sakin na future boyfriend ko raw. Nasaan siya?" Wala sa sarili kong tanong. Or maybe just because of curiosity. Pagmulat kasi ng mga ko kagabi ay siya ang unang bumungad sa akin.

[Flashback]

Ramdam ko ang pananakit ng aking ulo kaya naman hinawakan ko iyon at nakapa na tila ba mayroong telang nakapalibot doon. Marahan kong minulat ang mga mata ko, sa umpisa ay malabo ang lahat ngunit hindi kalaunan ay napansin ko ang lalaking nakaupo malapit sa kama.

Nakapahinga ang ulo niya roon habang hawak niya ang kamay ko. He's sleeping, mukhang sobrang pagod ito dahil naririnig ko ang paghilik niya.

"E-excuse me?" Hindi ko alam kung sapat na ba ang lakas ng boses ko para marinig niya ako. "Kuya? Mister? Manong?"

Lahat na ng pwedeng itawag sa lalaki ay natawag ko na ngunit hindi ito gumigising kaya naman sinubukan kong kumalas sa pagkakahawak niya sa kamay ko pero hindi pa man ako tuluyang nakakabitaw ay hinawakan na niya iyon ulit ng mahigpit at nagtaas ng ulo.

Ang matamis niyang ngiti ang bumungad sa akin. Naupo siya sa kama na tila excited para mas makaharap sa akin ng maayos. "Zenlice, gising ka na."

"Sino ka?" Tanong ko at para bang may kung ano sa akin nang makita ko ang unti-unting pagkawala ng ngiti sa labi niya.

"Future boyfriend mo." Muli siyang ngumiti pero nawala ulit iyon ng pwersa kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"I have a boyfriend already. His name is Junk," diretso kong sabi bago mapatingin sa pintuan dahil bumukas iyon.

"Zenlice," napangiti ako ng malawak nang makita ko si Junk. May dala-dala itong bouquet ng bulaklak, lumapit siya sa kama at napatayo naman ang lalaking nasa tabi ko.

"Kamusta Vynx?" Bati niya sa lalaki kaya naman bahagyang nagsalubong ang kilay ko.

"Babe, kilala mo siya?" Tanong ko kay Junk at mabilis akong nilingon nito na para bang may mali akong nasabi. Tumagal ang tingin niya sa akin kaya naman tinagilid ko ang ulo ko at naghintay ng sasabihin niya.

Balak ko pa sanang magtanong ngunit tinawag siya ng lalaking tinawag niyang Vynx kanina. Lumayo sila saglit sa akin at nag-usap ng kung anong hindi ko naririnig.

Maya-maya pa ay lumapit sa akin si Junk at binigay ang hawak niyang bulaklak. "How are you?" Nakangiti niyang tanong.

"Medyo masakit ang ulo ko. What happened?" Tanong ko bago maibaling ang tingin sa lalaking nag ngangalang Vynx. Hinawakan nito ang doorknob habang nakatingin sa akin.

Bago tuluyang lumabas ay mayroon siyang sinabi sa pamamagitan lamang ng pagbuka ng kanyang bibig at walang boses. His eyes full of sadness as he smiled at me. "I love you,"

EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon