Sixty

8K 334 208
                                    


ZENLICE.

Hindi ko na alam ang gagawin ng mabasa ko iyon. Agad akong kumaripas ng takbo kahit pa pakiramdam ko ay binibiyak ang ulo ko.

After kong maka-chat si Junk ay nagsimula nang kumirot ang ulo ko at habang kausap siya ng personal ay kusang bumalik ang mga alaalang pilit kong tinatandaan. Everything was clearㅡeven the tears in Junk's eyes. I remember everything as clear as ice.

Habang kausap ko siya ay kitang-kita ko kung paanong tumulo ang luha niya. He doesn't want to let go of me pero kahit ganoon ay ginawa niya, siya na mismo ang nagsabi sa akin na mas sasaya ako kung kay Vynx ako mapupunta. Na mas magiging kampante siya kung si Vynx ang papalit sa posisyon niya bilang boyfriend ko.

"Miss, saan 'yung room number ni Vynx Kimote?" Hingal na tanong ko sa nurse. Agad nitong tinignan ang record mula computer at hindi ko maiwasang mapaluha sa sobrang takot.

"Siya ba 'yung nabaril? Nasa ICU siya ngayon." Napatango ako at dali-daling tumakbo kahit pa pakiramdam ko ay babagsak na ang mga tuhod ko dahil sa sobrang panghihina noon.

Pagkarating sa hallway, doon ko nakita si Chu. Mabilis akong niyakap nito habang namamaga ang kanyang mga mata.

"Ano nang status ni Vynx? Kamusta na? Paano nangyari 'to?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Ang sabi ng doctor, mahihirapang tanggalin ang bala sa ulo niya pero kahit ganun ay magiging okay naman siya. Magkakaroon ng mag side effects sa kanya ang nangyari. May ilang cases na raw ang ganito, kaya magiging okay si Vynx."

Napaupo ako at napahilamos na lamang sa mukha. Bakit ba nangyayari ang ganito sa amin? Kung nag punta lang ako ng maaga sa meeting place namin ay hindi ito mangyayari. This is my fault.

Kinabukasan, kahit masama ang pakiramdam ko ay muli akong bumisita sa hospital. Nailipat na ng private room si Vynx, sobrang takot ang nararamdaman ko dahil baka sa pagkakataong ito. Siya naman ang makalimot sa akin. Para bang tadhana na mismo ang nagsasabi na isang malaking kahibangan ang magkatuluyan kami ni Vynx.

"Zenlice, maiwan ka muna namin ha? Kukuha lang kami ng mga gamit." Paalam ni tita at marahan naman akong tumango hanggang sa tuluyan silang makalabas at maiwan akong mag-isa kasama si Vynx.

Naupo ako sa katabing upuan at hinawakan ang kanyang kamay. How ironic, nagkapalit kami ng sitwasyon ngayon. Noong unang pagmulat ng mga mata ko ay ganitong-ganito ang posisyon niya gaya ng sa akin ngayon. Sana lang pagmulat ng kanyang mga mata ay maalala niya pa rin ako.

Sa paghihintay, hindi ko namalayang nakatulog ako. Marahan kong iminulat ang mga mata at halos mahulog pa ako sa kinauupuan nang makitang gising na si Vynx at nakatingin siya sa akin ngayon.

"Vynx," banggit ko sa pangalan nito. Kahit parang lalabas na ang puso ko sa kaba ay pinilit ko pa ring ngumiti.

"Sino ka?" Mabilis nawala ang ngiti ko. I already expected this to happen pero masakit pa rin. Anong k-drama ba ang buhay ko at nangyayari ito.

"Your bestfriend." Pinilit kong ngumiti kahit nagbabadya na ang luha ko. Kumunot ang noo niya at binitawan ang kamay kong nakahawak sa kanya.

"Hindi ba dapat, girlfriend ang isasagot mo?" Tanong niya, dahilan para tuluyang tumulo ang luha ko. Napatayo ako ng wala sa oras atsaka siya niyakap.

"What the hell! I hate you!" Kumalas ako sa yakap atsaka siya tinignan. Nakangiti siya sa akin ng malawak, pinunasan niya ang luha ko at napangiti na lang din ako.

"Kinabahan ka ba?" Natatawa niyang sabi nang hawakan niya ang gilid ng leeg ko. "Tatanungin ulit kita, sino ka?"

"Your girlfriend." Sagot ko at marahan niyang inilapit sa akin ang labi niya. His lips were soft and gentle against mine, sabay kaming kumalas at napatingin sa pintuan ng bumukas iyon.

"Pwede mo nang tanggalin 'yang nasa ulo mo, Vynx." Nabigla ako nang marinig ang boses ni Junk. Sa likuran niya ay naroon si Chu.

"Oo nga, tama na pagpapanggap."

"Wait what?" Naguguluhang tanong ko bago ibaling ang tingin kay Vynx.

"Joke lang 'yun lahat. Habang nasa resto, chinat ako ni Junk. Pinaubaya ka na niya sa akin atsaka sinabi niyang nakakaalala ka naㅡso ayun. Naisip ko gawin 'to." Nahampas ko ang braso niya at natawa lang siya ng bahagya.

"I love you, Vynx." Nakangiti kong sabi.

"I love you too, my euphoria."

-THE END-

Lol

EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon