Fifty six

3.8K 192 70
                                    


JUNK JEONISIO ●
Active now

3:12 PM

Junk:
Hindi kita masasamahan ngayon.

Zenlice:
Why?
May nangyari ba?

Junk:
Mahal na mahal kita, Zen.

Zenlice:
May problema ba Junk?

Junk:
Gusto kitang angkinin, gusto ko sakin ka lang pero ayokong mabuhay sa mundong alam kong puro kasinungalingan lang.

Zenlice:
You're acting weird.
Bakit ba?

Junk:
We already broke up months ago. Dinelete ko mga past conversations natin para hindi mo na mabasa.

Zenlice:
...

Junk:
Dinelete ko rin mga convo niyo ni Vynx, ang tinira ko lang ay yung mga convo niyo nung time na hindi pa siya umaamin sa'yo.

Zenlice:
What do you mean?
Mag-usap nga tayo ng personal.
Naguguluhan ako.

Junk:
Ginawa ko 'yun dahil gusto kong isipin mo na tayo pa rin. Sinamantala ko ang pagkawala ng memorya mo para mapunta ka ulit sakin.

Zenlice:
You're not making any sense.
Junk, ano ba?

Junk:
Puntahan mo na si Vynx.
I'm sure naghihintay na 'yun sa meeting place niyo.

Zenlice:
Junk.

Junk:
At isa pa pala, kung sakaling makaalala ka na ulit.
Gusto kong ipaalam sa'yo na kaya kita hiniwalayan noon ay dahil nagkasakit ako.
I almost died, pero para sa'yo lumaban ako dahil gusto kong itama mga pagkakamali ko nung mga oras na tinaboy kita.
Pero nung gumaling ako, huli na ang lahat.

Junk:
I'm sorry for everything, Zen.
Mas deserve ni Vynx 'yang puso mo.
This is my last goodbye, I love you.

EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon