DARKNESS 7

139 6 7
                                    


Dito na ako sa bahay nila tita nagpalipas ng gabi. Baka kasi mangyari ulit iyon ay walang gagabay sa kanya. Nananatiling kami pa lamang dalawa ang nakakaalam sa nangyari. Maging si camille ay hindi alam. Ayaw ipaalam ni tita kasi baka mamaya nag alala ng husto ang bata.
Tinext kona din si mama upang ipaalam na dito ako matutulog, mahirap na kasi baka si mama naman ang mag alala sa akin.


Dito ako natulog sa kwarto ni camille habang sa kabilang kwarto naman ay si tita. Katabi ko ngayon si camille matulog. Patay ang ilaw at tanging table lamp lamang ang nakabukas dahil narin sa may bata akong kasama. Pag ako lang kasi mag isa patay lahat ng ilaw para madilim at makatulog ng maayos. Hindi naman kalakasan ang ilaw na idinudulot ng lamp.



Speaking of madilim hindi makakapag paramdam si frances ngayon dahil maliwanag, ligtas ako. Ligtas ako sa mga mapang akit niyang katawan, sa mga labi niya at sa mga hininga niyang nagdadala ng matinding init sa aking buong katawan.




Hating gabi na at gising pa rin ako. Diko alam kong bakit? Hindi ako makatulog sa sobrang kakaisip sa nangyari kay tita sa kalagitnaan ng aking pag iisip ay biglang namatay ang table lamp na katabi ko. Tiningnan ko ang kabuoan ng lamp at napansin kong natangal ito sa pagkakasaksak. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon.




"Hindi na mabubuhay yan!" Nagulat ako ng may nagsalita sa aking tagiliran.



"Ayyy tipaklong" si frances lang pala



"Sssssssh" agad siyang suminyas sa akin upang hindi ako mag ingat
"Ang kapatid ko tulog, kaya wag kang maingay"



"Eeeeh ikaw naman kasi sulpot ng sulpot kung saan saan" bulyaw ko sa kanya




"Natural multo" pilosopong sagot sa akin




Naglakad siya at umupo sa aking tabi. Habang ako ay nakahiga, siya naman ay nakaupo sa aking gilid. Hindi ko alam kung bakit kahit madilim ay naaaninag ko parin ang makinis niyang mga mukha



"Oh bakit ka nakatitig sakin? Baka matunaw ako nyan sa ginagawa mo." Saad nya saken.



"Wala lang" matamlay kong saad sa kanya



"Oh bakit ka nakasimangot? Namiss mo ako no?" Pilyong saad nito pero totoo naman eh, miss na miss ko na siya. Hindi ko na lamang siya sinagot at iniwas ko ang tingin ko sa kanya



Hinawi niya ang aking mukha patungo sa direksyon kung nasan siya. Mabilis niyang nilapit ang kanyang mukha patungo sa mukha ko at hinalikan. Hindi na ako nakaangal pa sa sobrang bilis ng pangyayari.



"Babe?" Tawag niya sa akin



"Oh?" Tugon ko sa kanya kasabay ng pataas ng kilay ko



"Wag mo akong papalitan dyan sa puso mo ha! Nangako ka sa akin diba? na ako lang mamahalin mo?" Malungkot at mapanglambing nyang saad sa akin. Ngayon ko lang nakitang naging ganito ka emosyonal si frances.




"DARKNESS"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon