Hindi ko alam kung panaginip lang ba lahat ng nangyayari. Sana nga panaginip nalang. Hindi ko alam paano haharapin kung magkataong totoo nga.
Pakiramdam ko sasabog ang utak ko sa sobrang daming tanong sa isip ko. Idagdag pa ang sobrang daming tanong nila Veena ngayon.
"Sumagot ka!" umiiyak na sya ngayon, si Erin naman eh nakatitig lang sa akin at katatapos lang ding umiyak.
"H-hindi ko rin alam.. Vee."
"Paanong hindi mo alam Paige!? Ikaw ang nakatira rito pero hindi mo alam kung sinong pumasok dito at nagligtas sayo kagabi?!"
"Hindi ko kasi talaga alam.."
"Wala pa ang boyfriend mo rito ngayon?!"
Saglit akong napatingin kay Veena sa huli nyang tinanong. Wala na akong maisip na sagot, kung ano nalang maisip.
"N-nasa Cebu sya ngayon.. may.. may pinuntahan." nakayuko kong sagot.
They didn't pry enough. Thank goodness. Hindi rin ako makakapagsinungaling ng maayos kung sakali.
Alam kong may nakita ako kagabi, pero hindi ko alam kung hallucination ko lang ba at dala lang ng takot or hindi.. hindi ko alam pano tatanggapin at iintindihin ang posibilidad non. Masyadong magulo at masyadong maraming tumatakbo sa isip ko ngayon. Ayoko nang idamay pa sila Veena rito kasi hindi naman sila aware sa kasinungalingan ko.
Pano ko ipapaliwanag yon?
Napasapo sa noo si Erin sa sinabi ko.
"Ito, hindi mo rin alam paano napunta to rito?" Erin said, lifting the lone flower up in the air. I shook my head.
It was a blue rose with thorns. Nasa living area raw pagdating nila. Hindi ko alam paano napunta yon don.
Nagising nalang ako na nasa kama ko, balot sa kumot, with the commotion outside my room caused by Veena and Erin with Gab. Nung lumabas ako, saka ko lang nalaman na may nagreport daw ng incident sa pulis, and since Veena's parents were my legal guardians, sila ang unang nainform sa nangyari. Hence the situation we are in now.
"At saka, ano ba talagang nangyari at bakit may dugo yang damit mo?"
Sinilip ko ang shirt na suot at nakitang may dugo nga. I checked if I have any wounds or injuries na pwedeng pagmulan ng dugo pero I found none.
"Hindi na talaga kami papayag na dito ka magstay. Either sa bahay ka or kila E. Kung ayaw mo naman, dito kami ni Erin. Bilin din yan nila Mommy. Mamili ka."
I took a deep breath. Mukhang wala na akong kawala nito. Ayoko rin naman maiwang mag-isa. Pero I don't want to be a burden to them..
"Binabantayan naman ng mga pulis yung intruder sa ospital diba—"
"Paige isa!" Erin
"D-dito nalang kayo..." Mabilis kong sagot bago pa sumabog si Erin. Ayoko makitang galit yan, nakakatakot kasi.
"Madadaan ka naman pala sa maayos na usapan." Veena sighed.
"May class ako ng 1 pm-"
"Papasok ka?" Erin said with an eyebrow raised.
"Sabi ko nga magsstay lang ako rito tatambay di papasok.."
—
It's been a couple of days since the incident at Thursday na ngayon.
Hindi na sa unit ko nagsstay sina Veena at Erin but they are almost there all day pag walang pasok.
"Paige. Call us when you get home okay?" bilin ni Veena bago sya sumakay sa sasakyan nya.
YOU ARE READING
Once Upon A Nightmare
FantasyA girl who had much of a much in having no one to call her guy. Had no one to brag about, no one to make her feel jittery. Like a king-less queen. So she built her own castle, lived up her own fairytale, and created her own king. One who isn't real...