THE FICTIONAL RED EMPEROR
[A/N]: Kabaliwan ko naman to para kay Akashi! Dedicated to kay @momoixtetsu dahil siya ang nagpakilala kay Akashi sakin :P Enjoy!
●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○
Mga pula at dilaw na mata
Yan ang meron ka
Kakaiba ka
Kaya naman nagustuhan kita
~♣♧♣~
Baliw ka at sadista
Ay, Shogi addict rin pala
Lagi kang may gunting na dala-dala
Susundin na lang kita, mahirap na
~♣♧♣~
Crush kita, kaso may problema
Sa TV o Internet lang kita nakikita
Alam kong imposibleng tayo'y magsama
Kaya naman kahit sa panaginip, akin ka, pwede ba?
~♣♧♣~
Hay nako, baliw na talaga ako
Nagpapaka-fangirl pa ko para sa isang tulad mo
Eh fiction ka lang naman
Wafakels ka kahit meron akong nararamdaman
~♣♧♣~
Pano, sarili ko di ko mapigilan
Masyado ka kaseng kagwapuhan
Ano ba yan, ayoko na
Hay sige na nga, ituloy natin ang tula
~♣♧♣~
Kasalanan bang may crush ako sayo?
Tss, itutuloy ko na lang kahit imposibleng maging tayo
Wala akong pake sa sabihin nila
Basta ang alam ko, ako'y sayo na
~♣♧♣~
Hm, ano pa bang pwedeng ipang-describe sayo?
Di ko pwedeng sabihin na kulang ang height mo
Bakit? Tinatanong pa ba yon?
Baka kase ipadiretso mo ko sa libingan ngayon
~♣♧♣~
Baliw na nga akong talaga
'Crazy for you', kung sabihin nila
Kahit di ka totoo
At least totoo ka sa panaginip ko
~♣♧♣~
Wala na kong masabi
As in speechless na me
Makulit kong tula
Katapusan ay malapit na
~♣♧♣~
Seijuro Akashi ang pangalan mo
Fia Akashi ang dream name ko
Ilusyonada, baliw, at sabog ako
Pero Red Emperor, I love you
●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○
END
Guys, kabaliwan na naman ng magaling niyong otor XD. Pagbigyan kase naka-limang pakete ako nang shabu. XD
BINABASA MO ANG
Kuroko no Tula [A Kuroko no Basuke Poem Tribute]
RandomYo! Bored ako kaya may binabasa ka ngayon! XD Anyway, isa itong set nang mga tula na dine-dedicate ko sa Kiseki no Sedai at KnS fans! Enjoy the ka-kapnudels-an at kakornihan nang dear otor niyo na si Demise. XD