Lucky Item

175 11 4
                                    

Waddap, otap? Nyahaha. Medyo obvious kung para kanino ito. Hindi ko kras si Midorima-kun, guys. Dedicated to para sa not-so-newfound friend ko on Facebook, Angela Villamaria. She could be yandere-ish when it comes to Midorima-kun so...yeah.

LUCKY ITEM, BOW (^o^)

★○○○★○○○★○○○★○○○★

Green hair, green eyes

Pag nakikita kita, ako'y napa-paralyze

Isang korning tula para sayo

Dedicated ito kay Midorima Shintaro

~▶▶▶~

Tsundere ka, di ko pagkakaila

Kala mo wafakels, pero meron pala

Mukha kang carrot, sabi nang iba

Dahil ba sa Shutoku, orange uniform nila?

~▶▶▶~

Meron ka ring mga salamin

Mga salamin na tulad sa akin

May isang tanong nga pala ko sayo

Bakit naka-tape kaliwang kamay mo?

~▶▶▶~

Gusto mo raw na maging doktor

Pasyente mong una ang magaling na si otor

Wag ka mag-alala, support kita dyan

Kahit na hindi mo naman malalaman

~▶▶▶~

Pero ang pinaka-kakaiba sayo

Yang mga lucky item na dala mo

Yung mga sinasabi ni Oha Asa

Kelangan mo ba sundin isa-isa?

~▶▶▶~

Ah ewan, siguro dapat na ko matulog

Kase pati itong poem, sabog na sabog

Di ko kasalanan na ako'y kalog

Hay nako, pakitapon nga ko sa ilog!

~▶▶▶~

Bumalik na tayo sa ating pinag-uusapan

Shintaro Midorima ang kanyang pangalan

Siya ang una kong crush nung kapanahunan

Nung pangalan ni Akashi ay di ko pa nalalaman

~▶▶▶~

Nung isang araw ko lang napagtanto

Mas matangkad ka pala kay Aomine nang tatlo?

Pasensya na, tao lang

Eyesight ko kase ay medyo kulang

~▶▶▶~

Mahal kita, noon at ngayon

Mahal kita habampanahon

Korni na to, titigil na ko

Ay sige, ituloy hanggang dulo

~▶▶▶~

Pampaswerte lagi kang meron

Meron dito, meron don

Pero puso ko alam mo ba ang laman?

Well, ito'y pangalan mo lang naman

★○○○★○○○★○○○★○○○★

END

Cheesy! Nyahaha! Korning kalokohan na naman ni otor dear. Sana nagustuhan niyooo!

Ako'y uupo, tapos na po! :)

Kuroko no Tula [A Kuroko no Basuke Poem Tribute]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon