NA-INLOVE NA LANG BIGLA
[A/N]: Truth be told, guys, si Ahomine ang totoo kong crush at hindi si Seisei *gasp*. Nyahaha. For @maxipaulino. Seriously, hindi kita mapapatawad para sa pagtawag na PANGIT sa Dai-chan KO! (T^T) (Caps lock para damang-dama! XD)
♥◇◇◇♥◇◇◇♥◇◇◇♥◇◇◇♥
Hindi ko alam kung anong ginawa mo
Nakakaasar ka at di ka naman gwapo
Pero ito lang ang sasabihin ko
Na-inlove na nga ko sayo
~★☆★~
Andyan naman sina Kise at Midorima
Isama mo pa ang cute na si Tetsuya
Pero bakit isang tulad mo pa
Ang naka-pukaw nang aking mga mata?
~★☆★~
Di ko nga alam kung bakit ako gumagawa
Nang isang korni at cheesy na tula
Tinamaan na nga ata ako
Pero di naman sa ayaw ko sa ganito
~★☆★~
Gusto kita itapon sa bangin
Tsaka kita sasagipin
Gusto kita kamuhian
Di ko magawa, ang hirap naman!
~★☆★~
Sigurado akong hindi to love at first sight
At hindi rin naman sa second sight
Pinag-isipan, at saka nalaman
Puso ko'y ikaw ang nilalaman
~★☆★~
Makasarili at self-centered ka masyado
Lagi mong gustong manalo
Eh ikaw na nga tong #1 sa puso ko
Yun oh! Ano pa bang gusto mo?
~★☆★~
Mas gusto kitang inaasar kesa minamahal
Pakiramdam ko kase isa akong hangal
Tsundere nga siguro ako
Mas inaasar kita, mas inlababo ako sayo
~★☆★~
Kung mababasa mo man to, siguradong tawang-tawa ka na
Kase naman isa akong loka-loka
Pero sana ma-appreciate mo ito
Poem na ginawa nang bangag na kagaya mo
~★☆★~
Anong klaseng gayuma kaya ang meron ka?
O baka sa isang albularyo ika'y nagpunta
Ah ewan! Di ko na iisipin
Kung anong himala ginawa mo saken
~★☆★~
Ah okay! Naisip ko na
Hindi pala to kung anong mahika
I love you, Aomine, oo mahal nga kita
Di ako nagsising na-inlove ako bigla
♥◇◇◇♥◇◇◇♥◇◇◇♥◇◇◇♥
END
Hep hep hooray! Kabaliwan ko na naman to. Actually, pinag-iisipan ko nga kung yung buong GoM na yung gagawan ko eh. XD Pero for sure cheap at conyo lang ulit. XD
PS: GUYS, SIKRET LANG NA CRUSH KO SI AHOMINE AH... O.O
BINABASA MO ANG
Kuroko no Tula [A Kuroko no Basuke Poem Tribute]
RandomYo! Bored ako kaya may binabasa ka ngayon! XD Anyway, isa itong set nang mga tula na dine-dedicate ko sa Kiseki no Sedai at KnS fans! Enjoy the ka-kapnudels-an at kakornihan nang dear otor niyo na si Demise. XD