"Hay," Napabuntong hininga na lang ako pagpasok ko sa kotse. Eh kasi naman, sa dami ng kuha kong pictures dito sa beach.. ok. Magaganda sila pero im not contented may hinahanap pa akong iba at bukas na ang photo exhibit. Hindi lang kasi dapat toh basta basta, para toh sa kanya.
"Ok na po ba ma'am o may pupuntahan pa po tayo?" Tanong ni Manong Ed. Family driver namin. Napahawak na lang ako sa ulo ko.. saan ba? Saan ba kami pupunta? Pano ko makukuha ang last piece ko para bukas. Saan ko makukuha? Saan? Ituro mo sakin Ark.. please. "Kay Arkin po muna tayo manong." Tumango si Manong Ed at nag drive na lang.
Miss na miss ko na siya. Bakit kailangan niya akong iwan ng maaga, pinipilit kong magpakabusy para makapagmove on ako pero sa bawat galaw ko siya ang naalala ko. Lahat ng ginagawa namin dati. Lahat ng salita niya. Lahat lahat.
Alam kong may purpose kung bakit niya ako iniwan.
Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin magets.
Ituro mo na sakin kung nasan siya.. yung lalaking mamahalin ako..