Nadine Lustre
Right. Left. Right. Left. Kanina pa ako pabalik balik. Kinakabahan ako. Pano kung hindi maging successful tong exhibit, pano kung walang dumating, pano kung.. pano kung. Punong puno ng pano kung ang utak ko. "Knock, knock." Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto. Si mommy pala. "Ma? Walang tao sa baba noh? Sabi ko na nga ba eh! Nakakainis!"
Pahagulgol na sana ako ng bigla akong binato ni mommy ng mineral water. Ok, saan galing yun? Lumapit siya sakin at piningot ako. "Aray ma! Bakit ba?" Irap ko. "Napaka OA mo naman kasi eh! Tumingin ka sa baba para malaman mo." Sabi ni mommy at ngumiti sa akin. So that means.. "Omg, mom. May tao?" Nagnod lang si mommy.
"Congrats anak! Proud kami sayo," She hugged me. "Tara na sa baba," Nung pababa na kami sa hagdan. Nateary eye na ako. Ang dami ngang tao. Nandito friends ko from college, highschool and even elementary. Pati mga kaibigan ko sa Viva nandito din. Even boss Vic, gosh.
Nung nakaakyat ako sa stage my dad handed me three red roses. Ayoko talaga ng boquets. He kissed me on my cheek at ibinigay na sa akin ang mic for the opening remarks. "Goodevening everyone. It´s nice to see you all.. again." Nagpalakpakan sila. "It´s been one year. Isang taon na kinimkim ko ang lahat ng sakit sa pagkawala ni Arkin." Tumulo yung luha ko.
"Feeling ko ako lang yung namatayan nun. Haha," I stopped. "Tita Arianne, salamat po sa pagpunta and also to tito. You know how much I love your son, i love him.. bigtime. Maraming salamat din sa mga naksama ko noon sa Viva. Namiss ko kayo, sobra."
"Hello din Boss Vic, thank you po sa pagpunta. Sobrang namiss ko po kayo, my viva family." Tumingin naman ako kay Kuya John. "Kuya J, Thank you sa advices and comforts mo sakin mula nung nawala si Arkin. You're my one and only Kuya. Thank you ulit kuya kasi, ikaw ang naging tulay para makilala ko si Arkin."
Nandito ako ngayon sa Viva. Magau-audition kasi ako for a all girl group. "Uy Nadz!" Napatingin ako sa bandang kanan ng hallway. Si Kuya John Estacio. Brother ang turing ko sa kanya, siya ang official photographer ng Viva. May kasama siyang lalaki. Ay shet! Ang gwapo.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Kuya. "Audition." Sagot ko. Pakshet nakakadistract. Nakatitig lang sakin yung kasama ni Kuya. "Ah ok. Nga pala, Nadine.. si Arkin."
"Arkin, si Nadine." Nagwave ako tapos nagshake hands kami. Kuryente. Nakaramdam ako ng kuryente.
Nakapasok ako nun sa audition at naging close ko na rin si Arkin. As in sobrang close.. hanggang sa nagpaalam siyang manliligaw siya at naging kami na nga. "To my family, thank you sa pag go with the flow sa lahat ng trip ko sa buhay. Mahal na mahal ko kayo dahil nanjan lang kayo palagi para sa akin.."
I stopped and smile. "And to you.. Arkin Del Rosario."
"Salamat sa pagmamahal, sa pagaalaga, sa hindi pagpapabaya, sa hindi pagbitiw sakin. Mahal na mahal kita. Para sayo lahat ng nandito." Huminga ako ng malalim. "Enjoy the night everyone." They clapped their hands.
James Reid
"Bro! Sumama ka na kasi dun sa photo exhibit! Kj naman neto eh!" Sigaw ni AJ sakin. "You see, im not interested in exhibits." Sagot ko naman sa kanya at kinuha ang mineral water sabay inom. "Puro bar ka lang kasi eh. Try to notice some arts." Sabi naman ni Aki na parang nagiimagine. Mukang tanga.
"Sumama ka na kasi yung may kuha ng pictures ay ex ni Arkin," Napatingin ako kay Aj sa sinabi niya. Si Arkin Del Rosario, my best buddy and childhood friend. After pbb, pumunta ako sa australia pero pagbalik ko dito.. wala na siya. Hindi ko alam kung anong nangyari. He's gone. Di na siya babalik. "Tara na."