IV

288 5 1
                                    

It's been one week since the photo exhibit. Ganun pa rin ang buhay..

"San ka pupunta, nak?" Tanong sakin ni mama pagbaba ko. "Trinoma." Sagot ko naman at hinawi ang buhok ko sa kanan.
"Something happened?" Umiling ako sa kanya at umalis na rin. As usual, si Manong Ed ulit ang kasama ko papunta. Wala naman kasi akong bestfriend. Psh, for what? Para sa bandang huli paplastikin ka din? No thanks.

"28 ngayon ma'am ah." Sabi bigla ni Manong Ed sakin. "Hehe, oo nga po. Kaya nga po lalabas ako. Too celebrate it."

28. Monthsary namin ni Arkin.

Mabilis lang ang bihaye at agad din kaming nakarating sa Trinoma. "Umuwi po muna kayo, tatawag na lang po ako." pero syempre, echos ko lang ang trinoma. Pagkalayo ng sasakyan namin pumara agad ako ng taxi papuntang MOA. Ayaw akong pinapapunta ni mommy dyan kaya naman nililihim ko na lang, hindi ko alam kung bakit.

Siguro kung buhay pa si Arkin, masaya kami. Masaya ako. Hindi siguro ako magisa ngayon, babatukan siguro ako nun dahil hindi ko sinabi kay mommy ang totoo. Hay, i miss him so much. Im going crazy again.

Dumeretso ako sa Bayview sa MOA. Syempre, dala ko ang DLSR ko. Yan bestfriend ko eh. Umupo lang ako at nakatingin lang ako sa dagat.

Couples everywhere. Nakakainggit naman. Ang sweet ng mga toh. Ugh.

Medyo nagcrave naman ako ng donuts kaya I decided to buy J. Co, Donuts.. tuwing may sakit ako, tuwing may sumpong ako, tuwing galit ako. Yan ang pangsuyo niya sakin.

"Nadine?" Napaangat ako ng ulo ko at kasabay nun ang paglaki ng mata ko. "Ah.. eh... James."

"Are you with someone?" He asked. Umiling lang ako. "Can I sit with you?" Nginitian niya ako. Medyo awkward kasi err.. nakakahiya pa rin yung nangyare sa exhibit.

"Ayaw mo yata, sige by--" Hinawakan ko siya sa braso niya, automatic na gumalaw ang mga kamay ko. "You can sit with me," at automatic ko din nasabi sa kanya yun. Whats happening to me?

"So.. anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.
"Hanging out," Sagot ko.
"Magisa?" I nodded.
"Wala ka bang friends?"
"Wala eh." Medyo nagulat naman siya.

"Ano ka ba, ayoko lang talaga. Don't feel sorry." Sabi ko sa kanya.

"Bakit naman?" He asked. Medyo natawa ako kasi slang ang pagtatagalog niya. Ang cute niya magtagalog iiiih. Wait, what!?

"Wala lang. Eh kasi, yung huli kong naging bestfriend.. pinlastik lang ako." Sabi ko sa kanya.

"Oh.. so, can I be your new bestfriend?" Napaangat ako ng ulo sa gulat at napatingin sa kanya. Mas nabigla ako dahil malapit na pala ang mukha niya sa mukha ko. Halos one inch na lang ang layo niya sa mukha ko. Isang maling galaw ko lang... maaaring..

Naitulak ko siya ng wala sa oras.

"Hey, sorry." Biglang sabi niya sakin. "Sorry din.. ikaw naman kasi eh!" Napatsk-ed na lang ako.

"So, pwede tayo maging bestfriends?" Sabay ngiti. Inirapan ko lang siya at tumayo na ako ng walang sagot. "Hey!" Narinig kong sumigaw siya at alam kong susundan niya ako. Ang kulit naman ng lalaking toh. Feeling ko ang daming mata ang nakatingin sa amin. Siya kaya si James Reid. Gosh. He acts like he doesnt care at all. 

Lakad lang ako ng lakad ng biglang may humawak sa braso ko at nakita ko si James. "What?" Pagsusungit ko sa kanya. "Ayaw mo ba akong maging bestfriend?" Nagpout naman siya. Nakakairita naman ang isang toh. Masaya dapat ako ngayon eh pero nandito siya! Sinisira ang araw ko. Multuhin ka sana ni Arkin!

"No. Ayoko." Sabi ko sa kanya.

"Pero bakit?" Tanong niya.

"Wala ka na dun," Sagot ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad pero siya sunod lang ng sunod sakin. Anong problema neto? 

"Ano bang problema mo? Geez!" Pabulong kong sabi sa kanya. Nakakairita na! 

"Let's be friends. Please? Kahit friends lang muna!" Ugh.

"Ok, fine. Leave me alone. Now." Sabi ko sa kanya, commanding him.

"I thought we're friends now?" Tanong niya. Yeah right.

"Yeah right." I mumbled. 

"Punta tayo sa bay?" Biglang sabi niya. Wow, what the guts.

Hindi na ako nakapagreact dahil hinila niya agad ako papunta sa Moa bayview. Lahat ng tao bumubulong.. shit, eto na nga ba ang sinasabi ko. He's a celebrity! Baka mamaya maissue pa ako. 

Nung pagkadating na namin sa bayview, umupo agad kami. 

Tahimik lang siya. Tahimik lang din ako. Siya nakatingin lang sa dagat ako tumitingin tingin sa kanya. He looks so serious kaysa kanina. "Bakit gusto mo kong maging bestfriend?" Biglang tanong ko sa kanya out of curiousity. 

"Nothing," He said.

"Liar." Sabi ko naman. "Malamang lahat ng bagay may rason. Kakakilala pa lang natin noh," Sabi ko.

"Im Arkin's bestfriend." Napatingin ako sa kanya dahil sa pagderetsa niya sa akin Bestfriend. Siya. Ni. Arkin. "Let me tell you the whole thing," Sabi niya. "Arkin's my bestfriend since kinder.. i think. After pbb, umalis ako dito, hindi ako nakapagpaalam sa kanya Nadine. Pagbalik ko dito ang tanging nalaman ko na lang.. wala na ang bestfriend ko." 

"Gusto kitang maging bestfriend because I want to protect you dahil alam kong mahalaga ka sa bestfriend ko. Alam kong mahal ka niya, Nadz." Sabi niya. Im still looking at him. "Nadine, pwede ko bang malaman kung bakit namatay si Arkin?" 

Pagkasabi niya nun, nakita ko na lang ang sarili ko na tumatakbo palayo sa kanya. Bumabalik lahat ng ala ala. Mula nung nangyare yun. 

Picture of Him (James Reid and Nadine Lustre)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon