Advice (FB)

42 3 9
                                        

Ahmmm. (Hindi ko na sasabihin kung anong tanong)

Kuya, hindi mo alam kung sino alam mo? Kung crush or mahal mo? Edi 'yung mahal mo! Tapos mahal mo kras mo? Ayyy, peste. may mahal ka tapos mahal mo 'yung kras mo? Anong klaseng puso 'yan? Patawag ka ngang scientist! Ang crush ay crush at ang mahal ay mahal. Ngayon kung nasabi mong mahal mo ang crush mo, edi dalawa mahal mo! Wala ka pang naliligawan sa kanila, ngayon, ikaw ang mag-desisyon kung sino mahal mo sa kanila habang hindi ka pa nakakapili. Takte, parang nasa tindahan lang po tayo ah, pili ka na lang ng pili kung ano gusto mo, huwag ganun fre. Kung nakokonsensya ka dahil masasaktan ang isa, magdusa ka (hindi siya) kasi alam mo, kung masasabi nating stick to one ka tapos dala-dalawa mahal mo, hindi ka stick to one, malandi ka. Kung masasaktan ka sa isa mong iniwan dahil mayroon na rin siyang kalandian at parang hindi ka makuntento sa mahal mong kras "kuno". Aba! Hindi mo po sila mahal pareho. Kailangan ko pa bang i-explain kung bakit? 'Wag na. Hindi ka pa marunong/bagay sa love love na 'yan kasi para kang si Barney -_- 'Yun lang po advice ko, thank you /bows/

ADVICE KO SA FB KO, KAIYAK FRE. SAKIN PA NAGPA-ADVICE!

GyumHey Posted ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon