EP 첫번째: First Tear

1 0 0
                                    

UNANG LUHA

Luluha nanaman ako.

Lagi naman ako lumuluha.

Lagi naman ako mahina sa mga ganito.







Pinipilit ko buksan ang aking mga mata kaso ayaw talaga nila mamulat. Naramdaman ko ang pagulong ng isang luha sa kanan bahagi ng mata ko. Saka ko ito dahan-dahan minulat

"Ay muta."

Binanggit ko na parang asar na asar sa muta at sa mundo. Bumangon ako mula sa malabot kong kama. Kinuskos yung kamay ko sa may mata baka sakaling may muta nga talaga. Nakakahiya, agang-aga.

Di ko naiwasang tumingin sa bintana. Tumingin ako sa may bintana na may halong lungkot.

"Ito talaga ayaw ko sa panaginip, lagi nalang mukhang totoo." Malamya ko binulong ito sa hangin.

My first love already died.

Bumangon ako sabay jumping jack twenty times at random na stretches. At para bang okay ang lahat, ang sarili ko, ang nararamdaman ko. Ginagawa ko naman ang lahat para maging okay talaga. Inayos ko ang kama ko sabay pumunta sa banyo para magtoothbrush at maghilamos.

I need to calm. Problema ko na kasi ang magisip ng sobrang lalim. Kahit ang dami kong space, nasisikipan parin ako. Dumagdag pa yang panaginip na hindi ako tinatantanan. Sakit ko narin ba 'to? I always remember every inch. GG KO PARA UMAMIN

Lumabas ako ng pinto na naka-panjama at shirt at pumunta sa paborito kong lugar - Dining area!

Kaso ang nakakalungkot, sa tuwing pupunta ako dito...

"ANO BA YAN WALA PARIN PAGKAIN!" Malungkot at pasigaw ko sinabi.

We have enough food and drinks. Good for one month na nga dahil ako at si 엄마 (Eomma) ang nasa bahay. Si 아빠 (Appa) lagi nasa ibang bansa, gala din kasi yon.

Pero ito pang malala, iniiwan din ako ng nanay ko mag-isa sa bahay. Pareho lang gala ang mga magulang ko. Hindi ko alam kung magkasama ba sila ngayon o magkaiba lugar ang tinahak nila. Pero sa tingin ko, mas gala talaga tatay ko. Umaabot na nga sa punto hindi ko na siya maramdaman simula nung bata pa ako. Thankful pa rin naman ako.

Tiningnan ko ang malaking espasyo ng bahay. Malaki nga pero walang laman. Sa tingin ko nga nagiisang masaya dito ay yung automatic floor cleaner na binili ko 2-weeks ago.

Nilapitan ko yung cleaner at umupo malapit dito kung saan papunta rin sakin ang direksyon nito.

"Buti ka pa, masaya ka sa ginagawa mo." Napakunot noo ko ng ma-realize ko, ay ang shunga ko pala. Kausap ko isang walang buhay.

"Magpatuloy ka na nga sa paglilinis." hay baliw.

Tumayo ako at kumuha ng casserole na may 3/4 cup ng fresh milk at ininit. Kinuha ko rin yung oatmeal at sinunod yung instructions. Kumuha rin ako ng saging at ng fresh grapes para hatiin. Kahit naman papaano, marunong ako magluto ng sarili kong pagkain.

Nag-take rin ako ng NCII (Cooking) nung junior highschool pa ako. Kaya wag niyo mamaliitin luto ko.

Umupo na ako sa dining area bitbit ang oatmeal at tuna sandwich.

"Ano ba yan, hirap maging healthy!" Ang sabihin ko, mahirap na walang nagluluto. Hay nako, madami talaga ako reklamo sa buhay.

Tumunog cellphone ko with unknown number. "Hala sino kaya ito?" Mediyo nagpapanic ko sinabi sabay subo ng oatmeal na may saging at ubas. Hindi ko sinasagot yung tawag pero HINDI RIN AKO TINITIGILAN NUNG TAWAG

"Hoy shet, kabado ako, sino ba to." SASAGUTIN KO BA YUNG TAWAG? PANO PAG BOMB THREAT. HUY BATA PA AKO. I'm twenty-one, single and ready to mingle, JK PERO HUY MAGISA LANG AKO SA BAHAY.

08:00 am ng umaga ginugulo ako. Gutom na ako at ready na ako lumamon. Pero hindi talaga ako tinitigilan ng tawag na to.

ALAM KO NA baka na wrong dialed lang 'to. Magsasalita ako ng Korean para masabi nila agad na wrong number sila. Grabe ko naman magoverthink. As if naman kakainin ako ng buhay nitong phone call.

"Gusto ko na talaga kumain. Ito na talaga sasagutin ko na." Sabay patuloy pag-nguya sa kinakain ko.

Pero bago ko pa masagot yung tawag, inunahan ako ng isang pamilyar at malamyang boses.


















"Ivanca."



Nanlaki mata ko sa narinig ko. Bakit mo ko kilala? Hala, may stalker na yata ako. Hindi naman po ako maganda, single for life nga motto ko. Kasi walang manliligaw sakin. Hindi sa bitter ako sa mga lalaki, walang-wala lang talaga. Pati nga pwet at dibdib wala.

"누구세요-요?" Marahan ko tinanong kung sino siya. Dikit parin sa plano, walang titibag. Hindi ko alam kung bakit pero bigla tumaas boses niya.










Author's POV

Hi! Do you like my story? Please do leave a comment. Questions and suggestions are also welcome. A newbie needs inspiration!

p.s. the concept of Wildest Dream story really came from my dream.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Dictionary Section
엄•마
Eom.ma
Mother

아•빠
A.ppa
Father

누•구•세•요
nu.gu.se.yo?
Who are you?

Wildest DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon