Chapter 3

43 7 17
                                    

The bell rang and it's a sign that the class is finally over, uwian na mga bes. Umiiyak ako sa desk ko habang hinahagod pa rin ni Yrah ang likod ko. Alam mo yung feeling na kaya mo naman na panghawakan yung feelings mo at maging stronger ka pero there's one friend that will tap your back and you can't control your feelings and you need to burst it out. Nalabas ko lahat ng hinaing ko kay Tita Felizidad and i'm so thankful that her ears are open to hear my pain, sorrow, and my nonsense life.

"Tamang tama, Nathalie.... lesss go for a shopping" pagyaya sa akin ni Yrah, nakangiti sya ng sobra sobra, hindi ko mabasa yung pagkatao nya. Ang alam ko lang sya si Yrah na weird ang tingin sa kanya ng mga tao rito pero may tinatago din palang kabaitan sa ilalim ng puso nya. Minsan may mga tao tayong inaapak apakan dahil hindi lang natin sila gusto or naiinis lang tayo without any reasons, keep in your minds that they are all people that also have a feelings, they felt embarrased, hurt, happy, sad. One thing for sure your not a human anymore if you can't feel anything. Sa mga salitang iyon, napatayo ako sa kinauupuan ko.

Wala ng tao sa room, wala na ring mga nagdadaldalan, wala na ring mga plastik, wala ng mga bulong bulungan sa akin. At higit sa lahat wala na akong maramdamang saya, all i need is to remember how it was to feel alive again. I'm alive but i can't feel it anymore. Manhid na manhid na ako sa mga sinasabi ng mga tao, sa mga paninira nila, wala na sakin yun..... pumapasok lang sila sa tenga ko pero nilalabas din agad dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako yung tinutukoy nila dahil hindi nila ako kilala. 'You know my name but not my story' and this is my story.

"Wala na akong extra pera, alam mo naman na si Tita Felizidad ang naghohold ng budget ko sa isang araw" sabi ko kay Yrah, gusto ko sanang magshopping pero wala na talaga akong ipangbabayad.

"Okay lang yan, Nathalie..... Treat ko na hahaha basta wag ka nang umiyak dyan oh, saka promise me na pupunta tayong dalawa sa Biringan ha!" Masayang masaya pa rin si Yrah, wait nakakapagtaka, so nagdududa ba si Yrah na hindi ako sasama sa kanya sa Biringan. Mga Bes this time buo na ang loob ko, i made my decision clear na oupunta na talaga no matter what happens. Mas maganda nga kung dun na rin ako mag stay. Siguro maganda bahay nila Yrah dun?

"Okay sige, tara na ano pang inuupo upo mo dyan" tanong ko kay Yrah, walang panng limang segundo sa sinabi nya na treat nya nakatayo na ako sa labas ng pintuan ng silid na ito, habang si Yrah na naman halos masira ang labi sa saya. Ganun na ba sya kasaya para samahan ko sya sa Biringan? Hahaha ang oa at saka ang weird ha!
Basta pag libre go na tayo, mahirap na oh......

Nasa mall na kami ng makakita ako ng isang magandang dress at tinuro ko kay Yrah yun para bilhin pero nakakakonsensya naman oh, na mas mahal pa yung nabili kong damit sa kanya, May konsensya din naman kaya ako. Sayang ganda sana, ang ganda rin ng presyo tiyak na mga mayayaman lang talaga kayang bumili ng dress na iyon.

So i decided to introduce the Divisoria Mall to Yrah, where you can buy anything in a cheaper price compare to other malls here. Bata palang ako suki na kami dito ni Mama sa Divisoria, tuwing pasko kasi saka mga birthday ay dito kami bumibili ng panregalo at mga magagarang damit na hindi mo aakalain na nabili lang iyon sa murang halaga.

"Welcome to the world of Divisoria, Yrah.... lahat ng bagay dito ay abot kamay natin ang mga presyo" sabi ko sa kanya, proud na proud ako sa pag introduce dito dahil kung walang divisoria wala akong damit na isinusuot ngayon.

"Pasok mga suki, presyong divisoria.... sampu, sampu, bente, trenta at iba pa." Narinig kong pajingle ng mga vendors sa gilid ng mall, presyong pang masa talaga. Lahat kayang maka afford ng anumang uri ng nais mong bilhin dito.

"Wow totoo nga, Nathalie.... ito pala ang sikreto mo kaya andami mong damit" tuwang tuwa si Yrah sa mga nasasaksihan niya, kung ano ano pinagbibili dahil sobrang mura nga daw, bumili rin sya ng mga teddy bear na bente pesos lang saka doll shoes na tag isang daan lang. Syempre nauhaw din kami kaya binilhan ako ni Yrah ng isang malamig na buko juice plus chicken skin na tag teten pesos, marami man nagsasabi na marumi daw ang tinda rito. Naniniwala pa rin ako na hindi nila kayang linlangin ang kanilang mga customer para sa maliit na halaga kikitain nila. Amaze na amaze din si Yrah sa ubas na tumpok tumpok na nabili nya din sa halagang ochenta, diba ang maka masa rin ng presyuhan rito kaya dinadayo ng mga tao.

LOST CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon