"Hoy mga chararat na mga mababahong manong ha! Sya lang ba ang kaya nyo!" Sigaw ko sa kanila.
Tinatapatan na nila ako na matatali na sibat pero you can't freak me out nigga!Tinutukan nila ako ng mga nagsisitalimang sibat pero hindi ako magpapasindak dahil may hawak hawak akong monopad ngayon. Isang maling galaw ko lang ay bubulwak ang dugo ko rito at isang maling galaw lang nila ay hampas sila ng monopad sa akin. Nakatayo ako ngayon habang nasa likuran ko ang isang gusgos at sugatang bata na masasabi kong mga nasa edad na sampung taong gulang.
Umiiyak sya at namimilit sya sa sakit sa mabatong lapag. "At sino namang itong mapangahasa na babae ang humahadlang sa ating tagubilin mula sa nakatataas at ginagalang na datu, mula sa Baryo Mapuyo, lapastangan! Binibigyan kita ng pagkakataon Binibini na umalis ka sa harapan namin at baka matikman mo ang batas at talim ng sibat na hawak namin ngayon". Nasindak ako ngayon dahil this time ala kong hindi na ito isang ordinaryong lugar, at kailangan kong mag ingat na sa mga susunod kong mga gagawin.
"Pwes, kung ganyan naman pala ang patakaran dito, ay maituturing na rin kayong mga mamatay tao.....sapagkat hindi nyo pa binibigyang pagkakataon na makapag salita ang isang musmos na batang ito..... kaylangan dumaan muna ito sa malinis na paglilitis, pag napatuyan na inosente ang batang ito ay tyak ako na lagot kayo sa pinuno nyo..... mga pabibo! kung gusto nyo lang patayin yung bata eh di dapat pinagsasaksak nyo na sya eh hindi eh nais nyong pahirapan ang bata." May galit akong nararamdaman ngayon dahil hindi na makatao ang kanilang pinag gagawa rito, halos puutok na ang litid ko sa pag sigaw ko pero hindi pa rin nasindak ang lider ng mga mandirigma, "TABI!" Siniko niya ako na nagpatumba sa akin at hindi ko na inaasahan ang mga sumund na pangyayare dahil mas mararapatin ko na lang na isantabi ang pagiging walang pake sa bata iyon.
Ginilitan na ang bata. Hindi ko alam ang gagawin ko pero nais kong ipaghiganti ang batang pinatay ng walang hustisya. Sa buhay natin kailangan nating ipaglaban ang nakikita mong tama kahit na sa tingin ng karamihan ay mali ito, panindigan mo pa rin kung san ka naniniwala na tama iyon.
Tumutulo ang kanyang luha, at bumulong sya sa hangin. "Salamat Binibini, gabayan ka sana ng nakakataas" sambit nya hanggang sa huli ay nakuha nya paring ngumiti at napapikit na rin sya, Kumirot ang puso ko dahil wala man lang nagawa para iligtas sya. Namatay mang masalimuot ay nakuha nya paring ngumiti bago pa man nya maipikit ang kanyang mga mata.
Kinuha ko ang monopad ko at pinaghahampas ang lalakeng kumitil sa buhay ng bata, "Mga walang puso! Hindi na kayo naawa sa bata!" Sambit ko at pinaghahampas sya ng monopad, hindi man nakakapatay ang monopad na hawak ko ay for sure makakaramdam din sila ng sakit mula sa paghampas ko halos mabali na ang monopad ko sa paghampas sa kanila dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko.
Napigilan ng isang lalakeng ang panghuli kong hampas sa lider nila at binali nya ang mamahalin kong monopad, matipuno at halatang beterano na sa pakikipaglaban ang mga tagasunod ng kanilang lider, gaya nga ng inaasahan ay hindi rin ako pinalampas ng walang hiyang lalakeng to. Nakahandusay na ako sa lapag at tinalian ako sa paa at kamay ng mga tagasunod nya, bes mamatay nanaman ako bakit ganto yung role ko dito, tinusok ng kanilang lider ang hita ko. Ramdam ko ang sakit at kirot na bumabaon sa bawat sulok ng matalim na sibat na iyon. Napapikit na lang ako sa sakit dahil wala namang magagawa pa ang pagsigaw. Minsan kasi hindi mo na kailangan ipangalandakan na nasasaktan ka, kung nasaktan ka man tiisin mo hangga't sa maging manhid na ang katawan mo sa mga nagbabadyang sakit nito. Pumatak na ang luha ko sa mga mata.
"Samuel!, huwag!" Umiling ako sa kanya dahil nakita ko syang nagtatago sa damuhan, inilabas niya ang kanyang palaso at handa nanaman niya akong iligtas sa mga lokong to. Gayundin ang mga kasamahan nya may mga nagcamouflage pa sa mga puno at nagtago sa malalaking bato, yung iba naman ay naka akyat sa mataas na puno at sanay na sanay sa paglambitin. Pinaulanan nila ang mga sumalakay sa kanilang baryo ng matatalim na pana na ginawa nila, gawa sa pinatulis na kahoy ang kanilang ginagamit.
BINABASA MO ANG
LOST CITY
Historical FictionShe's Nathalie Isabela. A young and beautiful lady na NO BOYFRIEND SINCE BIRTH dahil sa taas ng standard niya sa mga tipo niyang lalaki. Ika pa nga ng mga kaibigan niya noon, gaya niya, they are waiting for their 'the one' to come into their life an...