Chapter 32

65 6 9
                                    

 

Jazzy’s POINT OF VIEW

Ilang araw nang lumipas nang namatay si Via hindi pa rin ako lumalabas ng bahay kasi pakiramdam ko ako ang may kasalanan sa pagkamatay niya. Kinakain ako ng konsensya ko sa mga nangyari

Nang may biglang kumatok sa kwarto tinignan ko kung sino si Lizzy lang pala

Umupo siya sa kama para tabihan ako.

“Besty sabi ni yaya hindi ka raw mukakain. Wag ka namang ganyan best oh”

 

“Alam mo Lizzy? K-kung di dahil ky Via matagal na siguro akong patay ngayon..” I whispered, pumatak na naman ang luha mula sa mga mata ko.

“Hush..tama na besty wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari. Lahat  naman tayo nagkakamali pero hindi mo kasalanan kung ba’t namatay si Via” habang pinat niya ang likod ko at sabay yakap niya. Ang sarap sa pakiramdam ng yumayakap ka na may baong sakit sa dibdib at binubuhos mo ito lahat sa pamamagitan ng yakap. Kahit konti nakakabawas ng sakit ng loob.

“L-lizzy naman kasi e. lagi kong naalala ang mga pangyayari ng gabing yun”

 

 

 

F  L  A  S  H  B  A  C  K

Andito ako ngayon sa room ko and I still keep on thinking over and over again kung sino yung nagpadala ng note.

Nakadapa ako sa kama at tinitigan ko yung papel na nasa sahig. Lumapit ako at kinuha yung papel.

Habang tinititigan ko yung papel tinignan ko yung back paper at nagulat ako na may nakasulat na

12 MD D’ BAR BACK EXIT MAKE SURE IKAW LANG

“Uggh” I’m sick and tired of this game already

Seryoso ako lang talaga? I want this to end right here and right now

“Ba’t ba ang daming gustong pagbantaan ako! Lahat nalang bwesit kayong lahat!”

At pinunit ko yung papel at tinapon! Uggh FUCK YOU! WHOEVER YOU ARE!

--------

15 Minutes later

Nakarating na ako sa D’ Bar ingay ingay dito lahat ng tao sumasayaw may iba naman nagiinuman.

Dumiretso na din ako sa back door exit

“O-kay? So what am I supposed to do so here? Hel-low?” Tumingin tingin ako sa paligid

The Summer of Love BeginsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon