02

7.6K 227 35
                                    

D.O POV:

"Baek.. Ano yang hawak mo?" tanong ko.

"Ahh eto, yung report namin." sagot nya.

Si Baekhyun yung kausap ko. Isa rin syang scholar dito tulad ko. Nagkakasundo kaming dalawa. Ewan ko nga kung bakit last week nya lang ako pinansin eh samantalang araw-araw naman kaming nagkikita dito.

"Nga pala Dyo.. Sino yung kasama mo sa library last week?" tanong nya sakin.

Nabigla ako. Paano kung nakita nya yung nangyari? Teka! Nakita nya nga ba?

"Ahh.. Ahh.. Yun. Si Kai yun." sagot ko na may halong kaba.

"Wow pre! Bigtime ka na! Naging kaibigan mo na yung may-ari ng school." inakbayan nya ako sa balikat.

"Anong bigtime? Tsaka.. Nakita ka ba?" tanong ko.

"Huh? Anong nakita? Ang nakita ko lang ay yung pumikit ka. Tas umalis ka sa upuan." sagot nya.

"Teka.. Saan ka banda nakaupo dun?" pagtataka ko.

"Di nyo ako napansin kasi nakasiksik ako dun malapit sa table ng librarian." sagot nya habang nakangiti.

"Yun lang nakita mo? Wala na bang iba?" nakarating na kami sa locker ko.

"Hey.. Ano bang nakita ko? Wala akong nakitang iba except dun." seryoso nyang sagot.

"Ahh ok." yun nalang ang naisagot ko at binuksan ko na ang locker ko. Kinabahan talaga ako sa nasabi ni Baek kanina. Akala ko nakita nya yung ginawa ni Kai sakin dun sa likod ng Library eh.

"Pre.. Ano yan?" tinuro nya ang isang papel na nakalagay sa ilalim ng libro ko.

"Huh? Yung ano?" kinuha ko naman ang papel na yun.

Binuklat naming dalawa yung papel.

Nakasulat: Hey Kyungsoo.. Mamaya pagtapos ng klase, pumunta ka sa men's room. Pag di ka pumunta, baka ipatanggal kita dito sa school.

"Huwaaat? Kyungsoo sino naman magtatangkang pumatay sayo?" sigaw ni Baek.

"Syunga.. Wala namang sinabing papatayin ako diba?" inis na sabi ko.

Naglakad na kami. "Eh.. Ano namang kailangan nya sayo? Baka may gusto yan sayo! Ang cute mo kasi eh.." inakbayan nya ako.

"Oyy.. Sira!" inalis ko yung braso nya sa balikat ko.

"Ayyyiieeeee.. May nagkakagusto kay pandak! Huwahahaha!" panunukso nya.

"Tumigil ka nga dyan. Pinaglalaruan mo nanaman yung height ko. Pareho lang naman tayong pandak eh."

"Sige na.. Pero pupunta ka ba?" tanong nya sakin.

Napahinga ako ng malalim. "Oo, pupunta ako."

"Anoo? Paano kung patayin ka nyan? Di natin alam kung anong gagawin nyan sayo!" pag-aalala nya.

"Huwag kang mag-alala Hyung." sagot ko.

KAI POV:

Ewan ko ba kung bakit nacucutan ako kay Kyungsoo. Di naman ako bakla eh. Ang laki kasi ng mga mata nya. Tuwing makikita ko sya sa campus, naaakit ako samantalang ang dami namang magagandang babae dito. Tsaka nung nasa library kami, ang gwapo nyang tignan. May kung anong bumulong sa tenga ko kaya ko sya nahalikan nun. Ewan ko.. Nababakla na yata ako sa kakyutan nya eh.

Tsk. Ang tagal naman ni Kyungsoo. Di ba sya pupunta? Sabi ko pagtapos ng klase eh. Magiisang oras na .. Amputek.

*tok-tok*

Biglang may kumatok sa pintuan.

Binuksan ko at si Kyungsoo pala yun.

"D_____O" nakita kong nanlaki ang mga mata nya.

Binigyan ko naman sya ng sexy smirk at sabay hila sa kanya hanggang sa makarating kami sa labas ng school.

"Ahh.. Weew. Mr. Jongin, an-ano bang gagawin natin? Mamamatay na ko sa pagod eh." sabi nya habang pinupunsan ang pawis nya.

"Kahit pagod ka ang cute mo padin. Sakay na.." inutusan ko syang sumakay sa kotse ko.

Sumunod naman ang cute at mabuting tupa na toh.

Napuno ng katahimikan ang buong sasakyan. Wala ni-isa sa amin ang nagsasalita. Mahirap ang ganito. Mas nabibwisit pa ang tenga ko pag tahimik ang paligid.

"Mr. Jongin.. Bakit nyo po ako dinala dito sa bahay nyo?" tanong nya sakin habang minamasdan ang malaki kong bahay.

"Kai nalang ang itawag mo sakin. Masyado ka namang formal. Btw.. Sumunod ka nalang sakin." sabi ko sa kanya habang hawak ang kaliwang kamay nya. Ang kinis XD

Pinapunta ko sya sa isang guest room sa 2nd floor ng bahay.

"Uuhhmm Kai. Anong gagawin ko dito?" tanong nya ng may halong kaba.

"Dito ka na titira simula ngayon. At pag ginawa mo yon.. Meron kang 30,000 na sweldo kada-buwan." sabi ko sa kanya.

"Holy mother--" sigaw nya.

"So ano.. Payag ka?" tanong ko

"Ehh?" pagdadalawang isip nya.

"Sige ka.. Sayang pa yung 30,000." sabi ko.

"Ahh ehh.. Sige na nga. Payag na ako. Kelan ako magsisimula?" tanong nya sakin.

"Ngayong gabi.." sagot ko.

. . . . . .

@sparkyy_noona

Secret Relationship with Himㅡkaisoo;completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon