14

2.8K 91 4
                                    

Kyungsoo POV

"So anong gagawin natin para sa next week?" malakas na tanong ni Chanyeol.

"Edi malamang, yung roleplay," mahinay na sagot ko.

Meron kasi kaming roleplay next week. Gaganap ako bilang isang wizard. Diba ang corny? Wala e, si Chen kasi ang gumawa ng plot ng istorya. Alam nyo naman yun, dakilang troll.

"Huwaaaaaat??!!!!!!!!" malakas na sigaw ni Suho, kasabay rin nito ang pagbuga ng kinakain niya. Kadiri.

"Ano ba namang kahambugan yan Suho? Nagbabasa ka na nga ng Wattpad mambubuga ka pa," inis na sabi ni Baekhyun.

Nakita kong napailing ng ulo si Suho. "Hindi ako nagbabasa. May pinapanood ako.. Sa website ng school natin," pagpapaliwanag niya.

Lumapit ako sa kanya para makita kung ano ang ikinagulat niya. Lumapit na rin dun si Chen, Baekhyun at Chanyeol.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ..

Baekhyun POV

Naku! Paano na yun? Nalaman ni.. Ni Kyungsoo ang plano. Teka, anong plano yun?

Yun ay plano ni Chanyeol, para pabagsakin si Kyungsoo. Alam nating matagal nang may pagtingin si Chanyeol kay Dara. Pero ang mahal ni Dara ay si Kyungsoo.

Naaalala niyo pa ba yung gabi na birthday ni Dara? Yung naglaro kami ng truth or dare tas.. Nauna kaming umakyat ni Yeol?

Sa totoo lang, di pa kami lasing nun. Nagkunwari lang kami para alam namin ang mga susunod na mangyayari. Ako ginagawa ko lang yun just to make fun of them.

Tas nung nakita namin ni Yeol na nasa kwarto na pala sila, di nila napansin na medyo nakaawang ang pinto ng room. Kaya naman nagkaroon kami ng chance para mapanood ang lahat ng nangyari.

Oo, aaminin ko. Nagenjoy ako habang pinapanood yun. Pero kinuha agad ni Yeol ang phone nya sa bulsa niya. Nagvideo agad siya, at nakuhaan ang buong pangyayari kay Kyungsoo at Dara.

Yun lang. Hindi ko naman alam na ipopost pala ni Chanyeol yung video sa website ng school. And fudge.. Di ko kayang gawin yun. Kasi alam nyo namang, may pagtingin din ako kay Kyungsoo.

Walanghiya ka talaga Chanyeol. Sarili mo lang ang iniisip mo!

Kai POV

"Anong dance step ba ang sunod nating gagawin?" tanong ko kay Sehun na kasalukuyang nakaupo at naglalaro ng Flappy Bird.

"Wait lang. Try ko magsearch sa net. Diba abot naman ng wifi tong practice room?"

"Oo naman. Sige, maghanap ka muna at bibili lang ako ng makakain. Anong gusto mo?" tanong ko kay Sehun.

"Kahit ano, basta kasing-sarap ni Luhan," sagot niya habang nakangisi.

"Ewan ko sayo. Ang landi mo. Diyan ka na nga," yun nalang ang nasabi ko at tuluyan na akong lumabas sa practice room para bumili ng pagkain.

Ano kaya ang pwedeng mabili? Ano kayang masarap? Si Kyungsoo? Huehuehue.

Habang papunta ako sa cafeteria ng campus, nakakita ako ng maingay na kumpulan ng mga lalaki. Tingin ko may pinapanood eh. Aiisssh. Pati ba naman dito? Sa bagay, ganyan din naman ako DATI.

Di ko nalang sila pinansin at bumili nalang ng makakain.

Pagkabalik ko..

"May girlfriend na pala si Kyungsoo?" malakas na tanong ni Sehun.

Nabigla ako sa tanong niya. Kasi ang alam ko.. Ako yung boyfriend ni Kyungsoo pero secret lang yun.

"Huh? Nagpapatawa ka ba?" nagtatakang tanong ko habang binababa ang mga ipinamili ko.

"Halika dito. May ipapanood ako sayo para maniwala ka."

Sinunod ko ang utos ni Sehun. Habang palapit ako, kinakabahan ako sa mga pwede kong makita. Di kaya yun ang pinapanood nung mga lalaking nakita ko kanina? Hindi, mali yun. Kilala ko si Kyungsoo, hindi nya ako lolokohin.

Pagkalapit ko, may video doon.

Teka..

Teka..

Nananaginip ba ako. Masyadong masakit. Oo, masakit. Di ko ito mapigilan.. Kailangan kong umalis.

"Teka, Kai saan ka pupunta?!" pagtataka ni Sehun.

"Wala ka na dun," tumalikod at umalis na ako dun para hindi nya malaman na tumutulo na yung luha sa mga mata ko.

Kyungsoo .. Bakit?

Secret Relationship with Himㅡkaisoo;completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon