Chapter 1

7 1 0
                                    

©2020

Chapter 1 [old box]

Uwian na namin ng mga classmate ko kaya naman nagmadaling lumabas ang mga ito. pero ako nandito parin sa classroom, ayokong makipagsiksikan sakanila.

Nang wala ng studyanteng lumalabas,
saka lamang ako lumabas ng classroom.
Wala akong kasamang umuwi ngayon dahil absent ang aking kaibigan na si Lyla Marie Hinives.

Ang sabi niya sa akin meron daw silang susunduin na kamag anak sa airport kaya hindi siya makakapasok ngayon araw na ito.

Naglalakad ako ngayon sa hallway papuntang bahay namin. Malayo layo ang eskwelahan sa bahay namin minsan sumasakay ako ng tricycle kapag late ako pero madalas akong maglakad dahil tinitipid ko ang aking baon para may magamit akong pambayad sa eskwelahan.

Mahirap lamang kami. Nag aapartment kami dahil wala kaming sariling bahay at kapitbahay lang namin sila lyla

Natigilan ako sa paglalakad ng may makita akong isang kahon na parang hugis isang bulaklak?. Nilapitan ko ito at tama nga ako na hugis itong bulaklak pero bakit ganun? May padlock ito. At sino naman ang mag iiwan nito dito?

"Ano kaya ang laman nito? Bulaklak kaya? Malamang bulaklak ito kasi hugis palang parang bulaklak nga ang laman. Pero anong klaseng bulaklak?" Sabi ko sa aking sarili

Dahil sa curiosity ko at dahil pakelamera ako. Tinignan ko kung may susi o wala.

Busy ako sa kakatingin sa kabuuan ng kahon para hanapin ang susi ng may lumiwanag sa bandang ibaba ng kahon. Tinignan ko ito pero nawala agad ang liwanag at lumitaw ang isang kulay itim na may hugis bungo ang itaas ng hawakan ng susi.

Kinuha ko ito at pinagmasdang mabuti. Parang ito na nga ang susi ng kahon dahil pareho silang may nakasulat na kulay itim na hindi ko mabasa at maintindihan ang nakasulat.

Tinapat ko na ang susi sa padlock at pipihitin ko na sana ng biglang tumonog ang aking cellphone.

Kinuha ko ito at sinagot at tinapat sa aking tenga.

"CYRA! NASAAN KANA? ANONG ORAS NA!? BAKIT WALA KAPA SA BAHAY HA??" yan ka agad ang bungad sakin ni mama sa telepono

Tinignan ko ang orasan sa aking relo at nakita ko na mag aalasingko na.

"Sorry ma may dinaan lang ako pero pauwi na ako" pagdadahilan ko

"Dalian mo! At may gagawin kapa" sagot ni mama at binaba na ang telepono

Tinignan ko ang kahon
"Bukas nalang kita bubuksan. Saan ko naman ito itatago? Baka kasi may kumuha" tinignan ko ang paligid at nakita ko na may matataas na mga damo at my puno.

"Doon nalang" sabi ko at binuhat ang kahon.
"A-ang bigat naman nito!" Angal ko. Super bigat ng kahon! Buti nga lang malapit lang yung puno na pweding pagtaguhan nito.

Inilagay ko ito sa likod ng puno. "Siguro naman hindi nila makikita to"

Nagmadali na akong umalis dahil baka mapagalitan pa ako ni mama.

----------------------------------------------

"Mama nandito na po ako"sabi ko pagkapasok ng bahay namin

"Oh nandyan kana pala" isang boses ng lalaki na hindi ko makilala ang nanggaling sa kusina

Para tignan kong sino ang nagsalita pumunta ako sa kusina at sinilip kong sino siya. laking gulat ko ng makita ko si

"Marco!?"gulat kong sabi. As in gulat talaga! Matagal na kasi nung huli kaming nagkita.

Siya si Marco miller isa siya sa kababata ko bukod kay lyla.

Ngayon ulit kami nagkita matapos mamatay nang kanyang lolo. Umuwi sila sa probinsya nila at doon narin siya nag aral. 6 years na ata nun nang huli kaming nagkita.

"Kumusta na zhy long time no see ah" nakangiti nitong sabi.

Bigla ko siyang niyakap. Miss na miss ko na kasi itong lalaking to! Kasi dati siya palagi ang kasama ko kapag wala si lyla at siya rin ang nagtatanggol sa akin kapag may umaaway sa akin.

Miss na miss ko talaga to sobra! Parang maiiyak pa ata ako ah.

"Oh okay ka lang ba zhy?" Sabi niya at tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya para iharapin ako.

"Ok lang ako" naka ngiti kong sagot

"Bakit ka naman umiiyak? May nag away ba sayo? Sino ituro mo bukas sakin para magulpi ko!?" Galit nitong tanong.

Namiss ko talaga siya the way he protect me

"Wala namiss lang kita marco"paos kong sabi dahil pinipigilan kong umiyak

"Zhy wag ka ng umiyak lalo ka lang pumapanget eh" natatawag sabi nito

"Ang bad mo parin sakin! Namiss talaga kita promise"seryoso kong sabi

"Na miss rin kita Cy"

"Nandyan kana pala Cyra" biglang sulpot ni mama.

Nagmano ako kay mama.

"Ma ano nga pala ang gagawin ko?"

"Tapos na. Tinapos na ni marco para sayo kaya kumain na lang tayo para makapag pahinga na kayo" sabi ni mama at kinuha na ang ulam at nilagay sa lamesa. Ako naman kumuha ng mga plato at si marco naman kumuha ng inumin

Kilala naman na siya ni mama. Madalas kasi siyang nandito sa bahay at kaibigan ni mama ang mama ni marco.

Natapos na kaming kumain. At nalaman kong kaya pala nandito si marco ay dahil dito na siya pag aaralin ng mama niya at dito narin sila titira.

Ang saya ko nga nung sinabi niya yun dahil kumpleto na naman kami nila lyla.

Sayang nga wala si lyla sa bahay nila. Nandoon daw sila sa isang hotel at doon narin daw sila mag o-over night.

Para makapag bonding sila ng mga kamag anak nila dahil isang araw lang daw sila dito sa pilipinas.

Si marco ayun umuwi nalang malapit lang naman yung bahay nila sa amin. At saka pagod daw siya at gusto na niyang magpahinga bukas nalang daw kami mag bonding na tatlo.

Hehehe ang saya ko talaga ngayong araw dahil bumalik ang kaibigan ko na first love ko. Hayy namiss ko talaga siya ng sobra sobra.

Bukas magsisimula na naman ang kasiyahan ko. Kumpleto na naman kami :)

Support niyo to guys :)

Roses Are Mystery [Series Of Powers]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon