Chapter 3

4 0 0
                                    

Natapos ang klase ko na puro discussion lang.

Uwian na at ako nanaman mag isa ang uuwi.

Gusto ko mang magtricycle kaso wala akong pera ngayon. Nag tricycle na kasi ako kanina dahil late na ako nagising

Natatakot ako. Baka mangyari ang panaginip ko tungkol doon sa kahon na hugis bulaklak at doon sa imahe ng lalaki na nasa isang hawla na parang isang kulungan.

Naalala ko. Yung time na hahawakan ko ang imahe pero bigla nalang tumingin ang imahe sa akin ng masama at ang kanyang mga mata nakakatakot mas lalo akong na takot dahil sa kulay nito! Pulang pula na parang nag aapoy ang kanyang mga mata! Hindi ko mapaliwanag.

Ito na! Malapit na ako doon sa lugar kong saan itinago ko ang hugis bulaklak na kahon.

Wala naman kakaiba dito. Mahangin nga lang dahil palubog narin ang araw.

Napabalikwas ako ng may marinig na kaluskos. Tumingin kaagad ako sa likod ko, Wala naman tao.

Tinatakot ko lang ang sarili ko.

Binilisan ko na ang paglalakad at lumiko papunta doon sa kahon. Kailangan ko tong gawin para manahimik na ang gumugulo sa aking isipan. I will do this!

BIGLA nalang lumiko si zhyra kong saan niya nilagay ang kahon na hugis bulaklak

Dahil gusto niyang malaman kong ano ba talaga ang ibig sabihin ng kanyang panaginip tungkol sa bagay na yun.

Natatakot siya pero kailangan niyang gawin yun para matapos na ang mga makabuluhang bagay sa panaginip niya.

Nang makalapit na siya sa box kinuha niya ang susi at dahan dahang ipinasok at pinihit ito.

Pagka bukas niya nito may nakita siyang isang kulay itim na bulaklak.
Nagandahan siya sa bulaklak kaya kinuha niya ito.

'Ang ganda nito' sabi niya sa kanyang isip.

Busy siya sa pagtingin ng bulaklak ng may bigla nalang lumabas doon sa kahon.

Isang itim na bigla nalang lumitaw sa kanyang harapan at naging isang tao.

"I-ikaw?  Ikaw yung nasa pananginip ko!?" Nanginginig na sabi ni zhyra at mabilis na tumakbo palayo

Takbo lang ang ginawa ni zhyra dahil baka maabutan siya nung lalaking naka itim at oo lalake yung nasa panaginip niya dahil tinanggal nito ang suot niyang hoddie.

Ng liliko na dapat siya bigla nalang nasa harapan na niya yung lalaking nakaitim. Sa sobrang gulat ni zhyra napa upo siya hawak hawak ang kanyang dibdib dahil sa kabang nararamdaman.

Tumingin siya doon sa lalaki hindi parin nito pinapakita ang kanyang mukha tanging ang kanyang mga mata lamang ang nakikita.

Ang kulay pula nitong mga mata

Palapit ng palapit ang lalaki at si zhyra naman ay paatras ng paatras. Natatakot siya baka ano pang gawin ng lalaki sa kanya.

Kaya nung hahawakan na siya biglang sumigaw si zhyra

"Wahhhhhhhhhhhhhhhhh!" Sigaw nito sa tindi ng takot

"Hoy!" Ising tinig ng lalaki ang kanyang narinig kaya naman siya ay sumigaw ulit

"Mamaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa" mangingiyak nitong sigaw

"Ano ba nangyayare sayo zhy?" Tanong nito kay zhyra.

"M-marco?  i-ikaw bayan?" Nanginginig nitong tanong ng hindi parin tumitingin.

"Oo ako nga. Ano bang nangyare?" Naguguluhang tanong nito.

Dahan dahan namang tinignan ni zhyra si marco at bigla nalang niya itong niyakap.

"Salamat nandito ka! Takot na takot talaga ako buti nalang nandito ka hindi ko talaga alam ang gagawin ko" sabi niya at bigla nalang humagolgol sa sobrang takot.

"Ano ba kasing nangyare at takot na takot ka? At bakit ka nandito?"

"Mahabang kwento" sabi niya at kumawala sa yakap "tara na nga baka hanapin pa ako ni mama" sabi nito para maiba ang usapan at hindi na siya nag tanong
Inalalayan ni marco si zhyra para makatayo

Nag lalakad na sila ng bigla nag salita si marco

"Ok ka lang ba talaga? " nag aalala niyang tanong

"Oo naman" sagot ni zhyra

"Ano bang ginagawa mo doon? At bakit ka takot na takot?"

"A-ahh. K-kasi m-may nakita akong ano..... Ahmmmm..... Ahas yun! May nakita kasi akong ahas kaya ganun" nauutal na bigkas ni zhyra.

'Bakit naging ahas? Haaay! Baka hindi siya maniwala! Kasi naman pano mag kakaroon ng ahas doon? Haaay! Ang tanga mo talaga zhyra' sabi niya sa kanyang sarili

"Ahh yun ba? Buti naman hindi ka tinuklaw ng ahas na yun" natatawang sabi ni marco

"H-huh?"hindi makapaniwalang tanong ni zhyra.

Naniwala ba siya? Parang hindi naman. Tumatawa siya eh.

"Ang ganda ko daw kasi para tuklawin niya" natatawa ring sabi ni zhyra.

'Sasakyan ko na lang yung trip nito alam ko naman na hindi siya naniniwala sakin eh mabuti na rin yun para naman hindi na niya ako tanungin pa'. Sabi ni zhyra sa kanyang isip

Ilang oras din silang nag kwentuhan at tawanan. Nawala narin sa isip ni marco ang nangyare kay zhyra dahil hindi narin ito nag tanong sa dalaga.

Nawala sa isip ni zhyra ang nangyare sa kanya kani-kanina lang. Umuwi siyang masaya dahil naka sama niya si marco.

Nang maka uwi na si zhyra saka nilang bahay ay agad din itong kumain pag tapos ay naligo narin ito.

Dahil nadumihan siya kanina sa pag kaupo niya sa lupa.

Ng natapos siyang naligo ay agad ding nag bihis at nag patuyo ng buhok.

Nasa kalagitnaan siya ng pag papatuyo ng buhok ng may biglang  pumukaw sa kanyang mga mata para tignan ito.

Isang anino na papalapit ng papalapit sa kanya. Wala siyang magawa kunti takpan ang kanyang bibig para hindi siya mapa sigaw dahil tulog na ang kanyang mama.

Ng maka lapit  na ang anino ay bigla na lang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto.

Naka takip pa rin ang kanyang kamay sa kanyang bibig. Tiningnan niya kong sino ang nag bukas ng pinto.

Nakita niya ang kanyang best friend na si lyla.

"Uyy! Ok ka lang ba?" Takang tanong ni lyla dahil sa itsura ni zhyra.

Nakahawak si zhyra sa kanyang bibig na parang nag pipigil sumigaw at ang kanyang mata ay parang nagulat. (0-0)

"Para ka namang naka kita ng multo dyan! Dyosa to uyy! Wag kang ano dyan" inis na sabi ni lyla kay zhyra

"A-ah h-hindi naman sa ganun nagulat lang ako sayo.... Gabi na bat nandito ka?" Nauutal na tanong ni zhyra

"Wow! Parang hindi alam huh? Kapag naman nandito ako kapag gabi na. alam mo na kong ano ibig kong sabihin!" Inis na sabi ni lyla

"H-huh?.... Ayyy oo nga pala hehehe sorry"

"Tsk. Parang ayaw mo akong mag sleep over dito huh?" Nag tatampong bigkas nito

"Hindi naman sa ganun nagulat lang ako. Nakapag dala ka ba ng gamit mo?" Pag iiba ng usapan ni zhyra

"Parang dimo ako kilala huh? Syempre naman! Makakalimotan ko ba yun?" Masiglang sabi ni lyla at saka umupo sa kama ni zhyra.

"Ilagay mo muna sa kabenet yang mga gamit mo" utos ni zhyra.

Ginawa naman ni lyla ang utos ni zhyra nilagay niya ang kanyang mga gamit sa cabinet

Tapos nun ay tumabi siya kay zhyra na naka higa na sa kama.

"Kyaaaaah! Alam mo zhy! Kinilig ako kanina! My gosh! Ang sweet ni zian" kinikilig na sabi ni lyla kay zhyra habang naka yakap ito sa dalaga.

"Anong nangyare????" Excited na tanong ni zhyra.

"Ganto kasi yun hehehe"

Roses Are Mystery [Series Of Powers]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon