10

0 0 0
                                    

Totoo nga ang naranasan ko noon ng bata pa ako.
Akala ko ay hindi totoo yun na isang panaginip lang ang lahat ng nangyare sa akin nung panahon na yun.

Nag-aaral ako nun nasa grade 5 palang ako ng panahon na yun kung kailan ito naganap.

Masaya kaming nag-uusap ng kaklase kung babae na si mae habang nag lalakad palabas ng school halos sabay kami sa pag hagbang.

Dahil sa pag-uusap namin hindi namin na malayan na nasa kalsada na pala kami at may paparating na truck sa sobrang bilis ng pag patakbo nito ay hindi na niya kami napansin.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko dahil sa sobrang takot! Ganun din ang nagawa ni mae ang pumikit na lang. Dahil alam namin na hindi na kami maliligtas wala narin masyadong tao nun dahil hapon yun at nadis-oras kami dahil kami ang cleaners.

Ang iniisip ko lang ng mga panahon na yun ay gusto ko ng umuwi sa bahay namin.

Matagal na akung nakapikit nun akala ko ligtas na ako. Tapos may biglang nag salita kaya minulat ko na yung mga mata ko. Pag mulat ko palang ay nakita kung nasa bahay na ako!

"Nandito ka na pala zhy"siya pala ang nag salita.

Tinignan ko ang paligid ko. Ang alam ko ay nasa bingit ako ng kamatayan? Pero bakit nandito ako sa bahay namin? Nanaginip ba ako habang nakatayo? Pano nangyare yun e hindi ko nga alam na naka uwi na pala ako sa bahay namin.

Dahil masyado pa akung bata ng mga panahon na yun hindi ko na lang ito pinansin. Nung pumasok ako nun kinabukasan hindi na pumasok si mae hanggang sa graduate na ako ng elementary hindi ko siya nakita simula ng nanaginip ako.

Grade 7 na ako nung nakita ko yung mama niya sa school. Tinanong ko si tita kung sinusundo niya ba si mae pero ang sabi niya matagal ng wala si mae. Grade 5 palang daw kami ay patay na siya. Nasagasahan daw ng truck sa harap ng school namin nun.

Kaya nag taka ako. Pano nangyare yun e panaginip ko lang naman ang pangyayaring yun. Yung pala totoo talagang nangyari yun. Pinag tataka ko lang kung bakit ako nakaligtas at siya ay hindi?

Ngayon lang pala masasagot ang pangyayaring yun. Na nag laho pala ako sa pangyayaring iyon at si mae lang ang nasagasahan.

Kung alam ko lang ng mga panahong yun na may kakayahan akung mag teleport edi sana naligtas ko siya.

"Letia are you ok?" Napa tingin naman ako kay william ng nag tanong ito sa akin

"Ah okay lang may naalala lang ako" sabi ko sabay ngiti ng tipid sa kanya

"Oh you look disappointed"

Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya, para malihis sa akin ang atensyon niya ay tinanong ko na sila

"Ikaw alam ko na ang pangalan at si kennon ano naman ang pangalan nitong walo?"

"Ito si Lutter, Gon, Deiler, Brix, Ciyan, Zylon, Mazer at yun si Trevor" sinasabi niya ito habang tinutura sila isa-isa

So yun pala ang pangalan ni 'mas pogi' mazer pala tapos yung cute na gwapo ay si trevor at tatlong mukhang playboy ay sina Deiler,Brix at Ciyan at sina Lutter and Gon ay mukhang mabait na inosente tignan natin kung mabait o inosente ba yang mga yan at yung mga mukhang playboy baka hindi naman mukha lang.

"OHHH" yun na lang nasabi ko.

"So Cyra this is your schedule, uniform and your key to your dorm" bigay sakin ni mr.president

"Thank you po mr.president"

"Bukas na lang tayo mag usap tungkol sa kapangyarihan mo at kung may tanong ay bukas ko narin sasagutin sa ngayon mag pahinga ka muna dahil bukas ay mag sisimula ka naring pumasok"

"Sige po" sabi ko sabay tayo na.

"Ako na lang mag hahatid sayo sa dorm mo" hay! Buti nalang may nag presinta kung wala baka mawala nanaman ako nito.

"Thank you William"

Sabay na kami lumabas ni william at iniwan na namin yung mga lalake na yun.

"Ang lawak ng school niyo nuh? Biruin mo may palasyo pala rito" sabi ko dito.

"Ah yeah, so, why are you in the palace awhile ago?"

"Mag tatanong sana ako ng direksyon" sabi ko ng walang paligoy ligoy kahit na pagtawanan pa ako nito e yun naman kasi ang totoo.

"Nag tanong ng direksyon? Kanino naman?"

"Ahmmm..s-sa Hari" pikit mata ko yung sinabi kasi naman alam kung pag tatawan lang ako e.

Tama nga ako pag tatawanan niya nga lang ako. Sige tawa ka lang jan sana maubo ka! Hiyang hiya na nga ako sa hari dahil sa nangyare tapos pag tatawanan pa ako nito nakakainis na ang nangyayare sa araw na ito huh! Wala bang magandang mangyayare sakin dito? Puro na lang kamalasan?

"I'm sorry for laughing" hingi siya ng tawad tapos tatawa tawa pa siya jan sanang hindi ko na lang sinabi sa kanya.

Habang tumatawa pa siya inilibot ko na lang yung paningin ko sa paligid. Wala na yung mga studyante baka siguro nasa classroom na silang lahat.

Para talaga itong palasyo peri hindi na ako mag tataka dahil may palasyo naman talaga dito.

Ganda dito mataas na building or sabihin nating classroom ang mga ito. Itong tinatahak namin ngayon ay mapuno kaya may silong ang nadaraan namin.

Gusto ko sana gamitin yung teleport na sinasabi nilang powers ko pero hindi ko alam kung paano kaya siguro may school na to para pag aralan kung pano gamitin at para palakasin ang kapangyarihan.

Bago pa kami pumasok ay tumigil na kami at nabasa ko sa harapan na 'girls dorm' ang naka sulat sa harapan. So dito yung dorm hay sa wakas makakapag pahinga na ako at para narin kahit papano ay makalimutan ko yung mga nangyare ngayon.

"Ikaw na lang maghanap kung saan ang sayo dahil bawal pumasok ang lalake dito" oh ganun buti naman bawal

"Thank you sa pag hatid"

"Okay kana ba dito? Kung gusto mo pasamahan pa kita sa kakilala ko?" Masyado naman concern si kuyang.

"Ok na ako dito william kaya ko na ang sarili ko dito"

"Sige aalis na ako"

"Sige salamat ulit"sabi ko at hinintay siyang umalis bago ako pumasok sa loob bitbit ang binigay ni mr.president sakin.

Umakyat ako sa hagdan para hanapin ang room number ko. Kasama sa susi ang room number ko kaya hindi na ako mahihirapan.

Nakita ko naman ito agad nasa second floor lang ito.

Pano ako nito maliligo e wala akung pamalit ng damit? Tinignan ko kung meron dito. Binuksan ko yung kabinet at buti na lang meron at kompleto pa!

Makaligo na nga ng makatulog ako mamaya na lang ako kakain.

Ng pagpasok ko palang sa banyo ay namangha nanaman ako sa laki! May bathtub pa! Mapapasarap ligo ko nito. Nag babad muna ako sa bathtub bago ako nag shower at nag bihis na, Nagpatuyo muna ako ng buhok bago ako huminga sa kama.

Ano kaya ang mangyayare bukas simula na ng pasok ko. Sana naman ay wala ng kahihiyan ang mangyare sa akin dahil masyado ng marami ngayong araw na 'to

At paano kaya ako nagkaroon ng kapngyarihan ngayong wala naman kapangyarihan ang mga magulang ko? Wag mong sabihin- wag naman sana.

Ay bahala na bukas. Bukas ko na lang ito iisipin at po-problemahin.

Good night world

Roses Are Mystery [Series Of Powers]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon