Chapter 6

0 0 0
                                    

Zhyra POV

Ahhh! Late na ako! Hindi man lang ako ginising ni lyla! Yung babaing yun talaga! Makakatikim talaga sakin yun! Ugh!

Nag madali na akung mag ayos ng gamit ko at kaagad na bumaba

"Ohh anak mag almusal kana"alok ni mama pagka labas ko ng kwarto ko

"Ma hindi na po late na ako eh"

"Sinabi ni lyla mamaya pa yung pasok mo kaya hindi ka niya ginising" nag tatakang sabi ni mama

Si lyla talaga! Kaya pala pati si mama hindi ako ginising! Yun pala yung sinabi niya! Mamaya talaga sakin yung babaing yun!

"Mag pahatid ka na lang sa tito mo"

"Okay ma alis na po ako"paalam ko kay mama tapos agad ng lumabas ng bahay

Na abutan ko si tito na nililinis ang kanyang tricycle.

"Tito pwede pahatid? Late na kasi ako eh please" naka ngiti kung pag mamakaawa.

"Oo naman alam mo naman malakas ka sakin eh. Sakay na, mag seatbelt kana"

"Tito!, Wala pong seatbelt ang tricycle"

"Hahaha Wala ba? Makakabili rin tayo ng kotse balang araw para hindi kana mahirapan pumasok sa eskwelahan mo"

Siya si tito justine, mag kasing edad lang kami pero tawag ko sa kanya tito. Kapatid kasi siya ng mama ko

"Ayiiieee si tito love talaga ako andar na nga! Alam mo naman late ako dali na! Bilisan mo"pasigaw kong utos.alam naman niyang Late na ako nakikipag usap pa sakin

"Ito na boss! Pasalamat ka mahal kita kung hindi hay nako! Ammp!" Sabi niya sabay patakbo na ng tricycle

Ganyan talaga kaming dalawa

"Salamat tito sa pag hatid"

nag pasalamat ako at kaagad ng tumakbo papuntang room namin hindi ko na hinintay ang sagot ni tito. Alam ko na ang sasabihin nun.

Ahh! Late na late na talaga ako hindi ko na ata maaabutan ang first class ko!..

Paakyat na ako ng 2nd floor ng may bumonggo sa akin. Kamalasan naman! Ang ending derederetsyo ako sa baba ng hakdan.

"Ahh ang sakit ng likod ko" pano ba naman! Una likod na bumaksak

Tinignan ko kung sino ang lapastangan ang bumonggo sakin. Nandoon pa siya sa dulo ng hakdan kung saan niya ako binangga.
At ang walang hiya palang si xylon!

"Hoyyy! Ikaw bat ka nangbubunggo huh!??"inis kung tanong

" tssk" bigkas niya sabay baba ng hakdan.

At ito pa ang mas nakaka inis! Akala ko tutulungan niya ako! Yun pala dadaan lang pala siya! Nice! Ang gentleman!

Wala naman akung aasahan sa kanya. Tsk may pa tsk tsk pang nalalaman supalpalin ko siya jan eh! Akala mo kung sinong gwapo! Parang si Diego lang! Charot lang pogi naman talaga siya pero ayoko sa kanya

'Ang tanong gusto ka ba?'

Hindi naman yun yung ibig kung sabihin. Ayoko sa kanya dahil mayabang siya! Basta yun! Mayabang siya

Bago pa man ako mainis sa kanya inayos ko na ang gamit ko na nag kalat sa sahig at pinag pagan ang blouse ko. Buti na lang hindi kulay puti ang blouse namin dito sa school may pag ka dark blue siya ganun din sa palda.

Hindi ko na naabutan ang first class may ilang oras pa naman para sa next class kaya pupunta muna ako sa cr para makapag ayos.

Sa kakamadali kanina hindi na ako nakapag ayos ng sarili ko tumingin nga sa salamin hindi ko nagawa dahil sa pag mamadali.

Sa pag pasok ko pa lang ng cr inaasahan ko ng may tao pero wala kaya sulo ko ngayon yung cr.

Humarap kaagad ako sa salamin at nilabas ang pulbo ko.

Ako yung babaing pulbo is life. Hindi mawawala saakin ang pulbo kahit saan ako pumunta.

Nasa kalagitnaan ako ng pag hahaplos ng aking mukha ng may mapansin akung kakaiba sa aking kamay.

"Ano to?" Tanong ko sa aking sarili ng makita ko ang isang porselas sa aking palapulsuhan.

"Bigay ba to ni lyla?"

Siya lang ang alam kung mag bibigay sakin nito. Mahilig kasi yun sa mga alahas pero bakit ganun? Ang creepy naman ng design ng breathless na to.

Kulay itim na may design na rose na kulay black din tapos may isang knife tapos may isang number na 30. Anong klaseng breathless 'to??

Itatanong ko na lang kay lyla mamaya mananagot din sa akin yun! May kasalanan siya sakin! Sa hindi niya pag gising sa akin ng maaga.

Tinapos ko na ang aking ginagawa at lumabas na ng cr. Baka malate nanaman ako.

Pag pasok ko pa lang ng room namin may gusto na akung sapukin agad. Hayss humanda talaga sakin tong babae na to!

"Zhyra Avanzado you're late" Bungad kaagad ng teacher namin

"Sorry ma'am may tao kasi jan na hindi man lang ako ginising" diin kung sabi habang nakatingin kay lyla

"Palalampasin ko ang araw na ito sige na maupo kana"

Naglakad na ako papuntang upuan ko kung saan katabi ko si lyla.
Umupo ako ng patabog at hindi siya tinignan

"Sorry zhy, nagawa ko lang yun dahil tinulugan mo ako kagabi"

May nag salita ba? Narinig niyo ba? Itong babaing talagang ito! Matampuhin talaga kahit kailan.

Tinignan ko siya. Nakayuko siya hawak ang isang bagay.

"Hay nako. Kahit naman nakatulog ako kagabi kahit hindi ko napakinggan yung mga nangyare sa inyo ni zian naka record naman yun sa cp ko eh kaya wag kang mag alala mapapakinggan ko parin lahat ng mga kenekwento mo kagabi" paliwanag ko.

Totoo yun. Bago ako natulog nerecord ko na yung pinag sasabi niya para hindi niya sabihin na madaya ako na tinulugan ko siya.

"WHAAAAAAAAAAAAAAAT!!?????"

Aray ha! Ang sakit sa eardrums naman ng sigaw nito! Nalaglag ata lahat ng tulok ko. Ang lapit lapit pa naman niya sakin.

May patayo tayo pa siyang nalalaman ayan tuloy nasa amin lahat ng tingin ng mga class mate namin pati si teacher nasa amin na rin ang tingin.

"Hinives! Why are you shouting!?"giit na tanong ni ma'am kay lyla

"A-ahh wala po ma'am hihihi" sagot naman ni lyla

"Ok you sit down and don't shout again!"

Tapos sabihin ni ma'am yun naupo na si lyla at tumingin sakin

"Bat mo pa nerecord?"mahina niyang Tanong.

"Bakit? May sinabi ka bang hindi maganda sa akin?"nanlilisik kung tanong

" wala naman"depensa niya sa sarili

"Wala naman pala eh. Mamaya pakikinggan namin"naka ngiti kung sabi

"Bat, 'namin'? Sinong kasama mong makikinig?"

"Si marco, para malaman din niya kung anong nanyare sa date niyo ni zian"

"W-wag na! Ikaw na lang makinig please zhy?" Sabi niya sabay puppy dog eye's pa ang gaga.

"Oo na! Alam ko na yang puppy dog eyes na yan! wag mo ng gawin yan nagmumukha kang aso!"

"so noisy!" Nag salita ang walangya!

Sino paba yung mayabang na bumangga sakin sa hakdan kanina! Walang iba kundi si xylon mayabang! Na mahilig mag tsk! Akala mo naman ikinagwapo niya ang pag bigkas ng 'tsk'! Nakikigaya lang naman siya! Feeling niya astig siya kapag binibigkas niya yun.

"Wag mo na lang patulan" sabi ni lyla at nanahimik na kami

Wala naman akung mapapala kapag pinatulan ko pa tong mukong na ito!

Roses Are Mystery [Series Of Powers]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon