Chapter 14

88.9K 2.5K 187
                                    

Vote. Comment. Be A Fan.
Signs Of Love
-PrfctlyStbbrn

Favorite spot

Panay ang buntong hininga ko kinaumagahan. Nakaalis na silang lahat. Hindi ko alam kung kailan muli babalik si Channy rito. Pati iyong mga babae ay nagawa pa akong yakapin isa isa.

"Basta ha, Aly. Gamitin mo iyong make-ups ko. I'm sure it will make you even more prettier." Pagpapaalala sa akin ni EllieKlaire.

Noong araw na iyon ay panay iwas ako sa mga mata ni Sky. Alam kong nakita niya kami ni Uno. Hindi naman siya ngumingiti, walang kaemo-emosyon ang kanyang mukha at hindi mo mapunto kung ano ang iniisip niya. Pero nang dahil doon ay kinakabahan ako. Nagiging guilty ako sa paninitig niya sa akin.

Naging madrama ang pamamaalam ni Channy sa akin. Ang sabi niya, pag gusto kong pumunta sa syudad ay sabihan ko lang daw siya. Iyon rin kasi ang sinabi ni Jhope sa akin. Sila raw ang bahala saakin roon. Pati ang mga babae ay gusto rin na pumunta ako doon para makapagbonding ulit kami at ako naman ang maitour nila sa syudad. Sila naman daw ang magtuturo sa akin ng mga nakasanayan nilang pinaggagawa roon.

Pero hindi ang mga alaalang iyon ang lubos na bumabagabag sa akin. Humingi ako ng senyales. Na kung si Uno man ang para sa akin at hindi pagkakamali iyong nangyaring paghalik niya, masasalo ko iyong bulaklak. Mahuhulog iyon para sa akin. Pero hindi. Napunta iyon kay Sky dahil ang sabi niya ay para daw sa kanya iyong bulaklak dahil siya na ang susunod na ikakasal. At ibig sabihin lamang nito, hindi si Uno ang para sa akin at isang malaking pagkakamali ang halik na iyon.

Balik ulit sa normal ang araw ko. Gigising ako ng maaga para tulungan si Lola sa lupa at inihahatid sa bayan ang ibang naharvest na. Nagiging malayo ang daan ko dahil sa pag-iwas kong mapadaan sa hacienda. Minsan kasi ay nadadaanan ko iyon. Ilang araw na akong umiiwas. Mag-iisang linggo na simula noong nangyari. At mukhang pati si Uno ay ilap narin sa akin. Siguro, napagtanto niyang hindi ako katulad ng mga hinalikan niya. Wala akong karanasan at wala akong alam sa mga bagay na iyon. Wala akong ibang iniisip kundi ang magkapera lang.

Mabuti narin siguro iyong ganito. Ba't nga ba ako napalapit sa lalakeng iyon?

Nilagay ko ang isang sako ng gulay sa likod ni Horsey. May humahawak naman doon para hindi iyon malaglag. Nang masigurado kong okay na ay sumampa narin ako sa likod nito. Doon ako dumaan sa medyo malayo dahil ayokong dumaan sa hacienda. Pagdating sa bayan ay nagsimula akong ideliver sa iba naming mga suki ang mga gulay.

"Heto na po ang gulay niyo." Nginitian ko si Aling Tina. Matagal na siyang suki namin at siya ang palaging may pinakamaraming order ng mga gulay. Kaya siya palagi ang inuuna ko.

"Salamat Aly. Oo nga pala, nakarating sa akin iyong balita na kasama mo raw iyong si Sir Uno. Close kayo? O may something sa inyo?" Parang nang-aasar ang boses niyo lalo na sa nanunuyang ngiti sa labi.

Umiling ako habang natatawa. "Hindi po ah! Nagkataon lang talaga na nagkasabay kami ng araw na iyon. Hindi po kami close!" Pagsisinungaling ko.

"Sigurado ka ba diyan Aly? Eh ang swerte mo kung close mo iyon!"

"Ikaw po talaga Aling Tina patawa po kayo. Sige po, aalis na ako!"

Katulad ni Aling Tina, halos lahat ata ng pinagdeliveran ko ng gulay ay iyon ang bukambibig. Ang balitang magkasama raw kami ni Uno dito sa bayan. At katulad ng una kong sagot ay itinanggi ko lang rin ang paratang na iyon.

"Imposible pong maging kami! Eh may girlfriend iyong si Uno sa syudad." Natatawa kong sabi.

"Really, Alyssa?"

Napatingin si Aling Cora sa likod ko, pangalawa sa panghuli kong pagdedeliveran ng gulay ngayon. Ang ngising nasa labi ko kanina ay dahan dahan nang nabura dahil sa pamilyar na boses ng lalakeng iniiwasan ko.

Signs Of Love (Buenaventura Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon