Chapter 31

81.7K 2.1K 293
                                    

Vote. Comment. Be A Fan.
Signs of Love
-PrfctlyStbbrn

Praktikal

"Ang baba ng grade ko sa Math!" Madrama kong tiningnan ang card ko pagkatapos naming magpaclearance. Summer na naman at heto ako, naiinis dahil iyong Math ko ang may pinakamababang grado.

"You didn't fail kaya okay lang yan. Besides, 1.75 is not that bad Aly. You're overeacting." Nailing siyang sumimsim sa kape na inorder niya. Dumeritso kasi kami sa cafe.

"Pero Addi, iyong Math ko lang ang may 1.75! Gusto ko uno lahat. Scholar pa naman ako. Dapat ganoon lahat." Ngumangawa kong sabi kahit na wala namang lumalabas na luha.

Nahilot niya ang noo niya at nailing sa akin. Ang taas rin ng grades niya e. Eh wala rin naman iyang inatupag bukod sa pag-aaral.

"Stop worrying about your grades. You didn't fail, iyon ang mas importante. Hindi naman grado ang basehan ng mga natutunan mo Aly." pangaral niya.

Sabagay. Marami rin naman akong natutunan.

"Oo nga pala, wala kang plano ngayong summer?" tanong ko. Alam ko namang hindi siya gagala katulad ng mga babae noon na pag summer ay busy sa pagtatravel. Pero gusto ko lang sanang iopen-up ang mga bagay na maaaring makapagpasaya sa kanya.

"Wala. May mga libro pa akong babasahin." normal niyang sabi at sumimsim muli sa kanyang kape. Pumangalumbaba ako sa kanyang harapan. Hindi ba siya nagkakawrinkles sa pagiging ganyan niya? Masyado siyang seryoso sa buhay!

"Alam mo Addi, kung nakilala mo lang ang lola ko ay papangaralan ka talaga non na dapat hindi mo nililimitahan ang sarili mong maging masaya. Siguro... brokenhearted ka ano?!" Tinuro ko ang kanyang mukha. "Brokenhearted ka ba?!"

Imbes na sagutin ako ay tiningnan niya lang ako ng blangko. Napanguso ako at unti unting ibinaba ang kamay. Edi hindi? Kung ganoon, wala lang talaga siyang interes sa ibang bagay?

Itinuon ko ang tingin sa telebisyon. Balita iyon tungkol sa politika. Wala naman akong gaanong alam sa mga ganoon kaya ibinalik ko nalang ang tingin kay Addi. Nasa telebisyon narin ang kanyang tingin. Napataas pa ito ng kilay.

"Anak ng senador." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya kaya tiningnan kong muli ang telebisyon. May pamilya roon na pinapakita. May isang babae naman roon na maganda at nakangiti ng matamis. Kilala niya siguro.

"Anong meron sa pamilyang iyan, Addi? Ba't pinapakita sa telebisyon?" tanong ko.

"Napatalsik iyong lalake dahil nangongorakot daw. That was 3 years ago. Mukhang inuungkat lang para may mapag-usapan sila."

"Eh ba't kasali ang pamilya niya?"

"Dahil pinagsususpetsyahan na baka kasali rin ang mga ito sa pagwaldas ng pera. Magulo ang politika, Aly. Kaya hindi na nakakapagtaka kung ba't pati ang pamumuhay ng pamilyang iyan ay kinukwestyon."

Napatango ako kahit hindi gaanong nadigest ng utak ko ang politika. Ang alam ko lang kasi, sila iyong nagpapatupad ng mga batas. Sila ang humahalili sa Presidente. Bukod pa doon ay wala na.

Pansin na pansin ko ang pagtitig ng matagal ni Addi sa babae. Doon niya lang iyon nilubayan at ibinalik ang tingin sa hawak na libro noong may iba namang ibinalita.

Inaliw ko na lamang ang aking sarili sa pagkain. Tuwing umaga ay dito tumatambay si Addi hanggang sa nagkasideline ako sa pagiging cashier doon. Noong una ay umangal si Addi pero kalaunan ay pumayag rin siya. Kaya mas napadalas ang pagtambay niya roon at hihintayin akong matapos at sabay kaming uuwi. Panay lang siya basa ng libro o kaya ay may tinitipa sa kanyang laptop.

Signs Of Love (Buenaventura Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon