Chapter 32

74.5K 2.1K 280
                                    

Signs of Love

Am I too late?

Nakatanga ako rito sa loob ng condo ni Addi at alalang alala sa aking kaibigan. Ramdam ko ang naghuhuramintado kong sistema, ang pintig ng puso kong hindi mapakali. Malapit kaming makabangga! Tulog lang ako kaya hindi ko alam kung ano ang tunay na nangyari. At wala rin akong ediya roon sa babae. Aaminin ko, marami akong hindi alam sa kaibigan ko. Ang pagiging misteryoso niya, pagiging tahimik, pagiging seryoso sa lahat ng bagay. Para siyang nakakulong sa isang madilim na mundo at hindi hinahayaang may pumasok doon. Hindi rin naman kasi siya nagkukwento kaya wala akong ediya.

Pagkatapos ng araw na iyon ay mukhang okay naman ito. Nagawa niya ng makipagdate pero iyon nga lang ay pure business. Inabala ko naman ang sarili ko sa pagbibake. Plano ko itong ibenta sa kompanya nila Addi. Para naman dagdag kita narin.

Busy pa ako sa paghahalo ng ingredients sa mixing bowl nang may biglang nagdoorbell. Nakakapagtaka dahil ang alam ko mamaya pa si Addi. Masyado ba siyang maaga? Hindi ba natuloy?

Nagtataka akong naglakad patungo sa pinto. Binuksan ko iyon at napakurap sa imahe ng lalakeng bumungad sa akin. Ang rami niyang tattoo sa katawan! Tapos idagdag pa ang suot niyang damit na kulay itim, faded jeans at isang timberlands sa ibaba. His piercing were very mysterious. He got his strong pointed nose and an angular face. Dumidipina ang kanyang panga sa kanyang seryosong pagmumukha. There's no humor in his eyes. Na kahit ang natural na mapupula niyang labi ay parang nakakatakot rin.

"Si Addi?" tanong niya na halos ikaatras ko ata. Teka? Kaano-ano ito ni Addi?! Mukha siyang bagong laya sa kulungan! Nagkasala dahil masyadong gwapo kaya naparusahan. Everything about him intimidates me alot. Ngayon lamang ako nakakita ng lalakeng ganito, iyong sobrang nakakasindak at nakakatakot kausapin. Kung ikukumpara sa mga Delafuente, aaminin ko naiintimidate ako kay Suga dahil masyado siyang seryoso at suplado pero itong lalakeng ito? Triple ata.

Nailing siya, parang nawawalan ng pasensya kaya agad akong bumalik sa aking sarili.

"M-May kadate." agaran kong sagot sa kanya na mas lalong ikinaigting ng panga niya. Ang mukha niyang akala ko ay galit na ay may mas ikakagalit pa pala.

"Manliligaw ka sa kaibigan ko?" biglaan kong tanong. Hindi ko lang maimagine na sa ganitong lalake mapupunta ang kaibigan ko! Hindi ito mabait at mukhang napariwala sa buhay! Sayang ang pinaghirapan ni Addi! Baka batugan ito at palamunin. Pero maganda ang kanyang tindig. Para siyang isang modelo. Iyong makinis niyang balat...

"Anong oras siya umalis? What's her outfit? Nasabi niya ba sa iyo kung saan sila magdidate? Ba't hindi mo sinamahan?" Habang tumatagal at dumadami ang kanyang tanong ay mas lalong umuukit sa kanyang mukha ang galit. Mas lalo siyang nawawalan ng pasensya at mas lalong umiigting ang panga. Ang pintong nakaawang ng buo kanina ay unti unti ko nang isinisirado at sapat nalang ang espasyo para makita ko siya. Sumisilip nalang ako roon dahil sa takot na baka ay sumabog ito.

"W-Walang nabanggit si Addi sa akin na may b-bisita pala siyang dadating. Kakalaya mo lang ba sa kulungan?" tanong ko ngunit wala na sa akin ang atensyon. Tiningnan niya ang kanyang suot na mamahaling relo at muli akong tiningnan. Iyong kaonting x na tattoo sa gilid ng kanyang mata ay nakakakuha ng atensyon at nakakapagtaka kung ba't medyo pamilyar siya sa akin.

"I'll just wait her." sabi niya na ikinatango ko. Bubuksan ko na sana ang pinto para patuluyin ito nang maalala ko ang sinabi ni Addi na huwag magpapapasok ng kung sino sino.

"Papapasukin sana kita kaso baka magalit rin si Addi dahil hindi naman kita kilala." sabi ko.

"It's okay. Malalagot rin ako kung pumasok ako. Someone will surely punch me."

Signs Of Love (Buenaventura Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon