2

3 0 0
                                    

I am still mind f*cked about what I'm seeing right now and it feels like I am having weird delusions. Hindi naman ulo ko ang tumama sa lapag pero bat naging ganito ang nasa paligid ko?

Hindi pa natatapos ang pagkalito ko dahil sa floating island at kakaibang mga bagay na nasa paligid nang makakita ako ng sandamukal na dragon na lumilipad. Para silang mga ibon na nagmamigrate. What the hell is wrong with this place?! Ugh. I don't have any time for this. Kailangan kong maglakad lakad para maging pamilyar sa kakaibang lugar na to.

Iniligpit ko ang nagkalat kong gamit dahil sa pagkatalisod kanina. Kung iniisip nyo ang laman ng bag ko, eto lang naman yon. Samsung note 8, ipod, solar powerbank, toothbrush and toothpaste, suklay at ang hindi pwedeng mawala na earphones ko. Nakita ko rin ang iilang candy at bubblegum kaya agad ko iyong binuksan at kinain. Lahat ng gamit ay agad kong ibinalik sa bag ko pwera sa ipod at earphone ko. Pinili kong makinig na muna ng tugtog para hindi na madagdagan pa ang kaweirduhan sa buhay ko.

Now playing: Oh my! — Seventeen

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi mamangha sa mga nakikita ko. Creepy but amazing. Yon ang lang ang naisip ko.

May mga maliliit na flying creatures akong nakikita kanina pa. Hindi ko alam kung ano, liwanag lang kasi ang nakikita ko. One of it even stopped in front of my face. Liwanag lang talaga sya... not until it turned into a small fairy. Woah, it looks like tinkerbell minus the green dress. She's wearing blue kasi. Hahaha! She suddenly smiled then waved at me so I did the same. The cute little fairy giggled before disappearing. I just shrugged after that then continued on my journey.

Tanghaling tapat pero hindi mainit, which I find weird. Well, everything around me right now is weird. At that thought, bigla na lang akong napatingala ulit para tingnan ang floating island. It looks like a city. Hay may mga tao kaya dito? Ano kayang lengwahe nila. I can only speak 8 languages huhu sana naman isa don ang gamit nila.

Habang patuloy pa rin sa paglalakad ay bigla na lamang akong nakaramdam ng ibang presensya sa paligid. Kanina pa may sumusunod sakin, pag tumitingin naman ako sa paligid, agad nya rin namang itatago ang presensya nya. Napabuntong hininga na lang ako saka pinause ang pinakikinggan ko at itinago ito sa loob ng bag ko nang makarinig ako ng nagsasalita.

"Holy mother of coconuts! Did she noticed that I'm following her? And what's with that weird clothes anyway?" Natatarantang boses ng isang lalaki ang narinig ko.

"Lumabas ka na sa pinagtataguan mo, kung sino ka man." Mahinahon kong sambit.

"Oh crap. Napansin nya ngang sinusundan ko sya. But I'm still not going to show myself." Dinig kong sabi na naman nya sa kanyang sarili. Wait, kailan pa naging matalas ang pandinig ko? Uhh, nevermind.

"Alam mo para sa isang lalaki, ang daldal mo. Ang ingay ingay mo. Magpakita ka na." Umupo ako sa may malaking ugat ng puno. Uhaw na uhaw na ko. Matagal tagal na rin pala kong naglalakad. Hindi ko napansin dahil sa nakamamanghang nakikita ko. Tsk.

Habang nag-iisip kung saan ako kukuha ng maiinom ko, may napansin akong papalapit sa akin. Pero hindi ko pa rin sya tinitignan. Nang nasa tapat ko na sya ay saka ko inangat ang tingin ko na sana hindi ko na lang ginawa.

"Y-you can read minds?" Pambungad nya sakin habang nauutal pa.

"Ang ganda mo." Wala sa sariling sambit ko. Brownish ang kulay ng buhok nya at chinita din sya. Korean siguro.

"Wait what? Lalaki ako." Nakasimangot na sagot nya na nagpanganga sakin. Puñeta kalalaking tao mas maganda pa sakin?!

"You still haven't answered my question." Parang batang sabi nya sakin.

"Ha?" Sabi ko na lang.

"You can read minds?" Pag-uulit nya ng tanong sakin.

Binigyan ko sya ng isang hindi makapaniwalang tingin. Sino ba namang hindi magtataka sa tanong nya? Ako? Makakabasa ng isip ng tao? What the hell?

"Earlier, while I'm following you, may naririnig ka bang boses na nagsasalita?"

"Ah oo. At nakumpirma kong ikaw yon nang kausapin mo ko." Sagot ko na lang sa kanya.

"And I'm not even saying anything out loud. Sa isip ko lang yon." Paliwanag nya sakin na ipinagtaka ko naman. What the actual fudge? Is he for real?!

"Imposible naman ata yang sinasabi mo. Isa lamang akong normal na tao."

"Normal? Is she kidding me? Walang nakakapasok sa mundong to na normal na tao." Narinig ko na naman salita nya. But this time, napansin kong hindi bumubuka yung bibig nya kaya naman agad nananlaki ang mata ko dahil na rin sa narinig ko sa kanya.

"Walang nakakapasok dito na normal na tao? Ibig sabihin nasa ibang mundo talaga ko?!" Bulalas na tanong ko sa kanya.

"See, you can really hear my thoughts. Let's go to the Zauber Academy. I need to introduce you to HM Starks. Your ability is kinda common tho." At kung ano-ano pa ang kinukwento nya habang naglalakad kami. Hay, saan nya naman kaya ako dadalhin?

ZauberhaftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon