1.

3 0 0
                                    

All my life iniisip ko kung ano bang silbi ko sa mundong to. Walang kaibigan, walang magulang, walang kahit sinong masasandalan. Nabuhay akong sarili ko lang ang iniintindi ko.

Hanggang ngayon malinaw pa rin sa isip ko ang napanaginipan ko nung nakaraang gabi. Ang weird talaga sobra non.

Bakit parang kilala nya ko? Bakit nya sinabi sakin yon? Bakit parang alam na nya ang mangyayari sa buhay ko?

Ilan lang yan sa mga katanungan na nabuo sa isipan ko. Napabuntong hininga na lamang ako saka tinignan ang orasan sa tabi ng higaan ko. Alas otso na. Kailangan ko na gumayak dahil may klase pa ko mamayang ten.

~~~
Habang naglalakad papuntang school ay di maiiwasan na makasabay ko ang mga schoolmate ko. At hindi rin maiiwasan na marinig ko ang pinag-uusapan nila na lagi namang tungkol sa akin.

"Uy si Aleksei yun diba? Tignan mo oh. Ang weird nya talaga."

"Oo nga. Even her taste in hair color is really weird."

"No wonder nobody wants to be with her. Sino ba naman ang gusto magkaron ng kaibigan na parang pinagsakluban ng langit at lupa at sobrang wirdo pa diba?"

At saka sila nagtawanan. Normal na sa akin ang makarinig ng ganon. Mild pa yan. Pagdating sa school, mas malala. Mas marami pa sila. The good thing is, hindi ako nabully. Lol as if they can? I can accept their insults about me but they can never lay a finger on me. Marunong naman kasi ako mag muay thai.

Nakarating na ko sa loob ng classroom at agad naupo sa paborito kong pwesto. Sa may harapan pero tabi ng bintana. Agad akong tumunghay don, wala naman kasing kakausap sakin. Sinuot ko na rin ang earphones ko para hindi ko na marinig ang mga kumento nila sa akin na paulit ulit na lang naman.

Wala na bang bago? Pwede bang mabuhay ako sa ibang mundo?

Tahimik na panalangin ko. Napapagod na kasi ako. Para bang gusto ko na lang mamatay?

Napansin ko namang pumasok ang unang professor namin at ngayon ko lang naalalang statistics ang first subject ko. Ugh, isa pa to sa dahilan why I want to die. I hate math!

After soooo many years (3hrs lang talaga but it feels like years bcs damn boy, that's math), natapos rin magdiscuss ang prof namin. Napagod ang neurons ko. Tsk

"Aleksei Earl Onairelav?" Pagtawag ng teacher namin sa aking atensyon kaya naman agad akong napatingin sa kanya.

"Yes sir?" Magalang kong tanong.

"Pinapatawag ka nga pala ni Dean Roces." Sagot nya tsaka sya nagdismiss.

Nagkibit balikat na lang ako tsaka dumiretso sa dean's office. Habang naglalakad, napapaisip ako kung about saan ba ang pagpapatawag nya sakin. Wala naman akong maalala na may atraso ako. Tahimik lang naman ang pamumuhay ko sa university na ito. Literally.

Nasa harap na ako ngayon ng kanyang opisina at walang nagawa kundi ang kumantok at pumasok na.

"Ms. Onairelav?" Napatingin ako sa may bandang kanan, napansin ko ang isang babaeng nakasalamin.

"Opo. Pinapatawag daw po ako si Dean Roces?" Magalang kong sagot.

"Pasok ka na sa opisina nya. Don ka na raw maghintay. May inasikaso lang sya saglit." Sambit nya ng hindi nakatingin sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang pumasok na sa opisina nya at don na lang sya hintayin. Iba pa kasi yung nasa labas kanina, bukod sa mismong office ng dean. Yung kanina kasi is more like a waiting room.

Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang isang napakalinis na opisina. May ocd siguro yon si dean. Matagal pa ata sya kaya nagtingin tingin muna ko ng mga nakadisplay doon.

Habang tinitignan ko ang mga litrato, naagaw ng pansin ko ang puno na nasa tapat mismo ng opisina ni dean. Ang weird lang, but it feels like the tree is calling me. What the fudge? Tsaka ko napansin na sa loob pala ng opisinang ito ay may pinto na papunta doon kaya lumabas ako at tinungo ang puno. I don't know what this door's purpose, maybe fire exit or something?

Nang nasa tapat na ko ng sinasabi kong puno ay biglang lumakas ang ihip ng hangin. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko ngayon. Feeling ko talaga tinatawag ako ng puno na to.

Narinig kong bumukas yung pintong nilabasan ko kaya naman agad akong nagtago don sa nakita kong parang cabinet door sa may puno. Pagbukas ko ay nagtaka ako kasi ang spacious nya talaga, it can fit atleast 5 person tbh. Agad kong isinara ang cabinet door pero may siwang pa naman saka ko sinilip kung sino yung tumatawag sakin. Nakita kong yung sekretarya ni dean yon. Hala baka makita nya ko dito, kinakabahan kong sambit sa sarili ko.

Wait. Bakit ba ko nagtatago? Wala naman akong ginawang masama ah? Pero habang papalapit yung sekretarya ni dean sa kinalalagyan ko, umaatras din ako. Which I find weird. Kasi parang biglang lumaki yung puno? Bakit parang lumawak yung loob? Tumalikod ako tsaka tinignan kung anong meron ngunit wala akong makita dahil sobrang dilim don.

"Ms. Onairelav?" Narinig kong tawag ni ms.secretary.

Wala akong nagawa kundi ang tumakbo palayo ng di ko alam kung ano ang dahilan. Bakit nga ba ko tumakbo palayo? Wth?

Habang napapaisip ay bigla na lang akong natalisod. Tf! Agad akong umupo at tinignan ang tuhod ko. Buti hindi ako nagkasugat! Pagtapos kong tignan ang tuhod ko ay agad akong tumayo just to realize that I'm in a different planet right now.

I see a lot of weird things flying everywhere. There's also a fucking floating island. Where the hell am I?!

ZauberhaftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon