3.

0 0 0
                                    

One word to describe where he brought me? Roarsome! Like damn boy! Everything looks new to me.

"Nasa kalagitnaan na ng semestre pero siguro papayag naman silang pumasok ka kahit late na." Paliwanag nitong lalaking hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Oh right. I almost forgot. My name is Zendrick Aeronn Santibañez." Nakangiti nyang sambit. "How about you?"

"Aleksei Earl Onairelav."

"So aside from mind reading, ano pa ang iba mong ability? You look really strong for me."

Uhh ano ba ang dapat kong isagot sa kanya? I don't even know this place and what the hell I am doing here. Then that ability thingy bugged the hell out of me.

"Strong? Ang ibig mong sabihin ay malakas?" Balik kong tanong sa kaniya na sinagot nya lang ng tango. "Uhm- I don't really know." Sagot ko na lang sa kanya kasi di ko naman talaga alam.

"Woah. You even know how to speak our language. You must be really special." Manghang sagot na naman nya.

Their language? Eh international language yon sa mundo namin?! Grr. And so, after a long tiring but enjoyable walk, bigla na lang kami tumigil. Napatitig pa ko sa kanya dahil sa pagtataka ngunit binigyan nya lang ako ng isang ngiti bago sumipol.

Biglang umihip ang isang malakas na hangin na ikinatakot ko. Ano na naman ang makikita ko?! Magdadasal pa lang sana ako na wag maging halimaw ang kung ano mang tinawag nya nang masilayan ko ang isa sa mga creature na matagal ko nang gustong makita.

"Oh my god. Is that a freaking griffin?!" I asked him, excitement is evident in my voice.

Natawa naman sya ng bahagya bago tumango. Kung nagtataka kayo kung ano ang griffin, well, it's a creature with the body, tail and back legs of a lion; the head and wings of an eagle; and an eagle's talons as its front feet.

Sa tuwa ko ay agad ko itong nilapitan ay napatingin sa mukha nito. Ibinaba nya ang kanyang ulo kaya unti-unti ko namang inilapit ang kamay ko para mahawakan sya. Nang maramdaman kong hindi naman nya ko sasaktan ay napayakap na lang ako sa kanya bigla dahil sa sobrang saya.

"Now that's weird. Walang ibang nakakahawak kay grif kundi ako lang." biglang sabi naman nitong kasama ko.

Ipinagsawalang bahala ko na lamang ang mga sinabi nya dahil nakakaaliw talaga itong griffin na nasa harapan ko. Isa ito sa mga mythical creatures na talaga namang gusto ko makita and now, here it is, right in front of me.

"Sasakay ba tayo sa kanya?"

Tango lang naman ang isinagot nito sakin kaya sumunod na ko sa kanya nang sumakay sya sa likod ng griffin. Agad rin naman iting lumipad papunta sa lugar na unang pumukaw ng atensyon ko. Yung floating island.

After 10mins of flying ay narating na namin ang floating island. It really looks magical. Understatement pa nga iyon dahil hindi ko talaga mahanap ang mga salita na magdedescribe sa lugar kung nasaan ako. Everything looks so surreal.

Nang lumapag na ang griffin na sinakyan namin ay agad rin akong bumaba. Saglit pang kinausap ng lalaking to ang alaga nya saka ito pinalipad paalis.

"Mawalang galang na, pero anong gagawin natin dito?" Puno ng pagtatakang tanong ko sa kanya.

"Mag-aaral ka dito." Simpleng sagot nya na nagpanganga lang naman sakin.

Napatitig na lamang ako sa kanya dahil sa sinabi nya. Hindi naman sa ayaw ko dito pero, nababagay ba ko dito? Nandito lang naman kami sa floating island kung nasaan ang mga taong may kakaibang kapangyarihan. Yes. You read that right. Powers. Magic. Peculiarity. Nandito silang lahat sa harap ko. It feels like nasa loob ako ng paaralan ni Professor Charles Xavier. Napabuntong hininga na lamang ako at tumango sa kanya.

Agad naman syang naglakad papunta sa kung saan. Napatingin tingin lamang ako sa paligid dahil hindi ko pa rin mapigilan ang aking pagkamangha dito. Kahit saan ako tumingin, lahat sila gumagamit ng kapangyarihan nila. May nagpapalipad ng mga bagay, may bigla bigla na lang nagpalit ng anyo at mayron ding tumatagos sa mga pader. Woah.

Hindi ko namalayan na malapit na pala kami sa paaralan na sinasabi ni Zen kanina. Ang haba ng pangalan nya kaya Zen na lang ang itatawag ko sa kanya.

Wala akong gate na nakikita, tanging arko lamang ang madadaanan namin. Bago tuluyang pumasok sa arko ay napatingin pa ko sa itaas nito. May napansin kasi akong nakaupo sa tuktok non. Bigla naman napatingin din sakin ang taong yon at binigyan ako ng isang malawak na ngiti. "Welcome to Zauberhaft Academy." He mouthed with a warm smile which I answered with a nod and smiled back at him in return.

"Earl! Ano? Jan ka na lang ba? Tsaka sino ba nginingitian mo jan?" Iritadong tanong ng kasama ko na nakapagpairap na lang sakin.

Agad naman akong tumakbo palapit sa kanya, ang layo na pala ng nalakad nya kaya hinihingal akong tumabi sa kanya. Hinahabol ko pa ang aking hininga kaya naman binigyan ko na lang sya ng isang ngiti.

"May nakita kasi akong gwapong lalaki na nakaupo don sa tuktok ng arko. Binati nya pa nga ako at sinabing welcome daw to Zauberhaft Academy." Mahabang litanya ko nang matuloy na kami sa paglalakad.

"Holy shit! You've seen the great Gavin Nikolov Zauberhaft?!" Bulalas nya sakin.

"Yan ba ang pangalan nya?" Tumango lang sya sa tanong ko. "Wait, Zauberhaft?" Napahinto ako dahil sa sinabi ko.

"Yes, he's the founding father of this academy. The first King, and the greatest enchanter that lived for a hundred years." Buong pagmamalaking kwento nya. "Pero matagal na syang patay, Earl. Ngayon lang sya nagpakita. At sayo pa." Tinignan na naman nya ko ng buong pagtataka at halata ang takot sakin. For Pete's sake! Patay yung nagpakita sakin!

"Wag mo ko tignan ng ganyan. Wala akong alam jan." Depensa ko na lang.

"Tsk halika na nga at nang maipakilala na kita kay headmaster."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ZauberhaftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon