"ANG PUSO KONG WASAK"

40 9 1
                                    

Sumasakit ang loob mo.
Mabibigat ang bawat paghingang lumalabas sa buong sistema mo.
Ngayong araw, kailangan mong magpakita sa isang espesyalista para malaman kung ano ang totoo sa likod ng mabibigat mong paghinga.
Pero tila yata hindi ka pahihintulutan ng kalawakan upang malaman ang katotohanan.

Sa bawat hakbang na ginagawa mo sa hagdanan.
Sa bawat lakad na iyong ginagawa.
Sa bawat paroo't-parito na iyong ginagawa ay mas lalong nakakadagdag sa bigat ng iyong nararamdaman.
Hindi mo alam kung saan ka naroroon, tila ika'y naligaw sa iyong dapat paroroonan.

Dumating ang pagkakataon, na iyong makikita ang taong tutuldok sa isang milyong tanong sa iyong isipan.
Siya ang magbibigay kasagutan sa lahat ng tanong na iyon.
Siya ang makapag-sasabi sa iyo sa totoo mong nararamdaman.
Siya lang at wala ng iba.

Isang tanong, isang sagot.
Yan ang naging usapan ninyo.
Pero nalaman pa rin nya ang totoo.
At iyon ang mas lalong nagpa-giba ng iyong puso.

Inamin nyang meron kang sakit.
MVP kung ito'y tawagin.
MVP... Mitral Valve Prolapse.
Ika'y gulong-gulo. Ano nga ba iyon?

Ito ay ang pagka-sira ng isang balbula mo sa kaliwang parte ng iyong puso.
Naaapektuhan ang daloy ng iyong dugo dahil sa sirang pintuang ito.
Kaya ka nahihirapang huminga,
Kaya minsan ayaw mo nang mabuhay.

Pinagbawalan ka sa lahat ng bawal.
Pinagbawalan ka sa mga pagkaing nakasanayan mo ng kainin.
Pinagbawalan kang magbuhat, mag-effort ng todo.
At isa lang ang ibig sabihin nito, hindi ka na pwedeng magmahal nang todo-todo.

Pero ito'y isang biro lamang.
Isang biro na sa tingin mo'y magkakatotoo.
Baka umabot ka sa puntong pagbawalan ka na ring maging masaya;
Pagbawalang magmahal dahil baka ito'y ikamatay mo nang tuluyan.

Tuloy ang buhay.
Hindi pa malala ang kikitil sa iyong buhay.
Kaya sa bawat araw na dumadaan sa iyo ay pinahahalagahan mo.
Baka kasi ito na ang huli mo.

Pero isa lang talaga ang napagtanto mo,
Wag magmahal nang todo-todo, baka ika-sira ng iyong puso.
Ito'y totoo kaya please learn some lessons from her puso.
Wag kayong maging tanga, hindi pa katapusan ng mundo.



(March 2, 2018)

Love, DoravellaWhere stories live. Discover now